Chapter 29 : Everything's a mess

158 4 0
                                    

Rosella's POV

Umaagos na rin ang mga luha ko dahil sa pag-iyak ni Ashley. Nahawa ata ako.

Pero kung gaano kabilis ang pagtakbo ni Ashley, ganon din kabilis ang pag-agos ng luha niya. Ang paghikbi niya ay halos minu-minuto.

Ngayon ko lang sya nakitang ganito, ngayon ko lang sya nakitang maglabas ng ganito kagrabeng emosyon. Ngayon ko lang nakita na miserable sya. Ngayon ko lang to nakita, na mahina ang isang Ashley Ortega.

Bigla akong napahinto nang biglaang huminto rin si Ashley sa pagtakbo. Nasa likod na kami ng cr.

Nakatulala lang sya. Nakatulala lang sya sa katawan ni Robert na halos malunod na sa sarili niyang dugo.

Lumapit si Karl sa katawan ni Robert.Hindi ako makahinga. Nasasaktan din ako na makita na may bago na namang mawawala sa Einstein.

Napatingin ako kay Ashley. Tumigil na ang pag-agos ng mga luha niya. Blanko na lang syang nakatingin kay Robert. Nakakuyom ang mga kamao nito. Mas lalong nagdilim ang aura niya.

Muli kong binalik ang atensyon ko kay Robert.

May mali e. Alam kong may mali sa katawan niyang to.

Napaatras si Karl at nanlaki ang mga mata niya.

"Lahat kayo bumalik sa classroom, dali." Maawtoridad na utos ni Karl.

"Bakit Karl?" Tanong ni Darryl na mukhang nagtataka sa biglaang pag-utos nito. Kahit ako, nagtataka. Anong meron?

"Lahat kayo bumalik na sa classroom. Karl, ikaw na ang bahala rito." Utos rin ni Joyce.

"Mukhang nandito lang sa atin ang gumawa nito kay Robert." Natahimik ang lahat. Nagtinginan, maya maya. Patakbong bumalik ng classroom si Kristal na sinundan ni Denia at sumunod na rin ang lahat maliban kay Ashley at sa akin.

Ayoko pa sanang umalis dahil alam kong may mali kay Robert o sa buong paligid.

"Ihatid mo na si Ashley sa classroom, Rose." Napatingin ako kay Ashley na tulala parin. Inakay ko na lang sya papuntang classroom. Himalang hindi siya tumanggi o umangal man lang.

Nang maihatid ko na si Ashley, agad kong kinontak si Karl. Wala na siya sa may likod ng cr. Wala na rin dun ang katawan ni Robert.

"Nasan ka?" Bungad na tanong ko nang sagutin ni Karl yung tawag ko.

"Ospital." Nanlaki ang mga mata ko at unti unti nang bumalik ang mga ngiti ko. Naisip ko agad si Ashley.

Napansin ko na kanina pa, na hindi pa ganon kaputla ang kulay ni Robert. Kita ko pa din ang unting paggalaw ng mga daliri niya kanina.

"Sabi ko na may mali e. Kamusta siya?" Pero hindi ko akalain ang susunod na maririnig ko sakanya.

"Wala na talaga si Robert, Rose."

Ashley's POV

Ito yung sakit na matagal ko nang iniiwasan, kaya ayokong maranasan ang pag-ibig.

Ito yung sakit na naramdaman ko nang magalit sakin nang sobra si Dabria. Hindi. Mas masakit pa nga 'to kesa sa naramdaman ko noon.

Pero ang pinakamasakit sa lahat,

Yung nawala siya nang di ko man lang nasasabi at napapakita na mahal ko na rin siya.

Naramdaman kong may umupo sa tabi ko pero hindi ko pinansin.

"Ashley.." Tiningnan ko lang siya at muling tumingin sa malayo.

Wala akong kinakausap, siguradong ngayon lang din nila ako nakitang ganto.

Nasa library ako ng section namin. Halos wala na rin ang gumgamit nito samin simula nung may nakita kaming bangkay na nakasabit sa kisame ng library na to.

Naalala ko lahat ng mga kaklase kong nawala at namatay. Halos wala naman talaga akong pakialam sakanila. Kahit magpatayan sila. Ito ang dahilan kung bakit ayokong magkaroon ng pag-aalala para sa kanila. Ito ang dahilan kung bakit ayokong magmahal o magpahalaga ng tao ulit.

Dahil alam kong masasaktan lang ako. Ansakit lang talaga. Sobra.

Narinig kong bumukas ang pinto ng library at kung sino man ang pumasok na yun ay tumabi rin sakin.

Mukhang kilala ko na kung sino to.

"Ashley, malamang isa sa mga killer ang gumawa nito kay Robert." Pagsulpot naman ni Karl sa tabi ko. Pinagigitnaan na nila ako.

Dati wala akong pakialam sa mga killer na yan. Kung sino man sila o kung patayin man nila ako.

Pero ngayon, galit na galit ako sa kanila. Galit na galit ako.

Naalala ko yung alok sakin ng dalawang 'to. Yung pagtulong sa kanila na hanapin ang mga pumapatay sa klase na 'to. Sa impyernong klaseng 'to.

Tumingin ako sa buong classroom, may nagce-cellphone, nagke-kwentuhan, nagtatawanan. Parang di sila nawalan ng isa pang kaklase diba?

At nang tumingin ako kay Joyce, nag-alab ang galit sa puso ko. Hindi ko alam pero siya ang huling kasama ni Robert.

IX-Einstein : The Pilot SectionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon