4 years ago
"Sir Carswell, congrats po sa pagiging principal ng St. Augustus."
"Sir welcome po."
"Congrats sir, kayo na po bahala samin."
Binabati ako ng lahat, sa pagiging bagong punong-guro sa pristihiyosong paaralan na ito.
Nginingitian ko lang sila at nagpapasalamat.
Nagpapasalamat rin ako dahil tinanggap ako ng may ari ng paaralang ito kahit na bisexual ako at catholic school ito, isa pa, hindi na naging big deal ang mga issue ko tungkol sa katiwalian sa dati kong pinamumunuan na paaralan.
"Nagustuhan mo ba ang bagong opisina mo Carswell?" tanong sakin ni Mr. Arnold Villarante, ang founder ng paaralan na ito, ang may ari.
"Oo naman sir. Maraming salamat po." Masayang sagot ko.
"Kaya pala ako nandpito ay dahil may gusto akong sabihin. Matagal ko na ring pinag-isipan ito." umupo sya sa harap ng mesa ko kaya naupo na rin ako.
Kararating ko lang bilang bagong punong guro ay mukhang mayroon agad na ipapagawa sakin.
"Ano po iyon, sir?" Tanong ko.
"Ang pagbabalik sa Pilot Section." sagot niya hindi ko alam pero bumabakas sa boses niya ang pag-aalinlangan.
Pilot Section?
"Ano po ang Pilot Section?" Tanong ko at bakit parang hindi naman talaga siya sigurado sa pagbabalik ng section na yun.
"Ang Pilot Section ay mahihiwalay sa iba. Bibigyan sila ng mga karagdagang klase tulad ng archery, martial arts at mas advance ang mga subjects. Hindi rin sila tatanggap ng Christian teaching lessons at pagdating nila sa ikatlong taon, bibigyan sila ng iba't-ibang titulo na kailangan pangalagaan at sila ang gagawing parang student counsil ng school na ito." Sagot niya.
"Nagkaroon na ng pilot section dito dati pero tinanggal din ito nang mauwi sa napakalaking trahedya. Maraming namatay. Pero sa pagkakataong ito, sana hindi na yun maulit." dugtong pa niya.
Hindi ko alam pero parang may mali nga. Parabg hindi magandang ideya ang gusto niyang mangyari pero hindi naman ako pwedeng kumontra.
"Sino po ang mga ilalagay sa section na sinasabi niyo?" Magalang kong tanong. Iniingatan ko ang bawat salitang sasabihin ko dahil ayoko na magkaroon pa ako ng problema gayong kalilipat ko pa lamang dito.
Napangiti siya. Hindi ko alam pero parang kakaibang ngiti ang pinapakita niya.
"May mga nahanap na akong estudyanteng nababagay sa section na yun. Napaka espesyal ng pilot section kaya dapat na mga espesyal na bata rin ang makakapasok." sabi niya.
Hindi ko alam pero kinilabutan ako nang marinig ko yun.
Nahanap? Ibig sabihin, naghanap talaga sya ng estudyante para sa section na yun?
"Sir? Ibig ho bang sabihin ay hindi magmumula sa mga enrollee ang mga estudyante sa sinasabi niyong pilot section?" naguguluhan kong tanong.
Umiling sya at tumingin sa 'kin
"Tulad ng dating pilot section kailangan espesyal ang mga estudyanteng mapapasok doon, may kakaibang talino at hindi basta bastang mga bata. Kaya mamaya, padadalhan ko na ng mga sulat at imbitasyon ang kanilang mga magulang.
BINABASA MO ANG
IX-Einstein : The Pilot Section
Mistero / ThrillerThe Section You Will Never Forget... Ito ang section na napakaraming sikreto. Sikreto na maaaring pumatay sa'yo.