"A broken heart can mend and love again but a broken soul won't live until death begins."
-Darryl's POV
It's been a month since Robert died at fortunately wala ng sumunod sakanya.
Hindi namin alam kung nasaan ang bangkay ni Robert. Basta ang sabi lang ni Karl, nailibing na raw niya kung nasan din nakalibing ang iba.
"Maam Dela Croix, bakit parang ang tamlay niyo?" Punong puno ng pag-aalala na tanong ni Coleen.
Napatingin kaming lahat kay Maam Dela Croix dahil dun. Napansin nga namin yun, simula nung sinabi niya sa harap ng klase na siya na lang ang patayin at iniaalay niya na ang buhay niya para samin, naging matamlay na siya. Malalim ang mga mata, laging nakayuko at bihira magsalita.
"It's everything alright, Ma'am?" tanong naman ni Joyce sakanya.
Umiling lang ito at saka nagpakawala ng isang malakas na buntong hininga.
"Wala to. Wag niyo nang pansinin. Anong oras na, pwede na kayong magbreak." dahil sa sinabi niya nagsitayuan na ang iba at palabas na nang makarinig kami ng isang tili.
"Ella, bakit?!" agad na napatayo si Coleen at nagsilapit naman ang iba kay Ella na napaupo sa harap ng pinto at titig na titig sa kung ano man ang nakita niya na nasa labas.
"Omayghad" bakas sa mukha ni Irene ang pandidiri kaya agad akong napatayo at lumapit sa pinto.
Napaatras ako nang makita ko kung ano ang nandun. Simula nung mamatay si Mariel, hindi ko na nakita to. Hindi ko na nakita tong manika na to.
Yung manika ni Mariel na sa pagkakaalam ko pinangalanan to ni Mariel ng
"Akuma" mahina pero rinig naming lahat nang sabihin ni Jeizzelle ang mga katagang yan.
Tama! Si Akuma nga. Kung nakakatakot na ang itsura neto dati mas lumala ngayon. Wala na itong isang mata, sobrang gulo pa ng buhok at puno ng saksak ang katawang bulak ng manikang ito. At ang malala, punong puno ng dugo ang paligid nito.
Lumapit si Maam Dela Croix sa manika at walang arte na kinuha ito. Nagulat kaming lahat nang biglang umupo si Maam Dela Croix, niyakap ang manika at nagsimulang umiyak.
Agad na lumapit sa kanya si Dan at Joyce at pinipilit siyang patayuin dahil nababasa na siya ng dugo na nasa sahig.
Pero parang may mali, hindi ata dugo ito. Malabnaw masyado.
"Hindi to dugo." Napalingon ako kay Karl na inaamoy ang kung anong likido na nandito.
Napatingin ako dun sa pinagkunan ng likido ni Karl. Lumapit ako at tama nga ako may papel. Pulang papel. Ni hindi man lang to nabasa. Ano bang klaseng papel to?
"Red papers again." Napabuntong hininga si Rosella nang sabihin yan.
Nanginginig ang kamay ko habang ibinubuklat ko ang papel na to.
"Read it out loud, Cubillas" Utos ni Joyce. Huminga ako nang malalim at sinimulang basahin ang sulat.
'It's been a while, Einsteins. We are back.
Sinunod lang naman namin ang gusto nito ni Lailani. Wala kaming pinatay pero it has an expiration date. At nagexpire na siya ngayon. Kukunin na namin ang inalay samin.
BINABASA MO ANG
IX-Einstein : The Pilot Section
Mystery / ThrillerThe Section You Will Never Forget... Ito ang section na napakaraming sikreto. Sikreto na maaaring pumatay sa'yo.