Karl's POV
What the hell?! Bakit nakasama ako dyan? Pinaglalaruan ba kami ng mga killer?
"No way! Hindi ako killer! Bakit ako nandyan? Baka si Joyce, pwede pa. Baka nga siya pa master mind e." Puno ng inis at galit ang boses ni Coleen.
"Hoy! Excuse me, ha! Hindi ako killer no. I mean, hindi ako ang pumapatay ng mga kaklase natin. Sino ba nagpasimuno nito?" Lumapit siya sa blackboard at tinanggal yung manila paper kung nasan nakasulat yung mga pangalan daw ng mga killer.
Napatingin ako kay Ashley na titig na titig kay Joyce. Nalipat yung tingin niya kay Coleen tapos kay Camille at Mc Glenn. Mukhang nagsususpetsya sya.
Nakakainis! Nabawasan na nga kami ng isa ulit, mukhang magaaway-away pa kami. Bigla silang tumahimik at nagkanya-kanyang balik sa upuan nang sumigaw si Ron na andyan na daw si Ma'am Sonya. Teacher namin sa Math. Sonya Dela Cuesta, isa sa mga masusungit na teacher namin.
Pabalik na ako sa upuan ko nang hawakan ako sa braso ni Rosella.
"Magc-cut ako. Pag nagtanong sila sabihin mo nasa clinic ako." Tiningnan ko sya ng may halong pagtataka. Anong gagawin nito?
"Sasama ako." Umiling lang sya saka ngumiti.
"Baka pagsumama ka mas lalo lang tayo pagbintangan na killer. Tingnan mo yun." Nginuso niya si Rachelle na simpleng sumisilip sa pwesto namin.
"Kanina ko pa napapansin na sinusundan niya ng tingin yung mga suspects na nakalagay dun sa board kanina." Tumango ako. Mukhang pinaghihinalaan na nga kami. Pero anong gagawin niya?
Magtatanong pa sana ako kaso napansin kong nasa corridor na si Ma'am Sonya.
Ewan ko kung paano nakalabas si Rosella nang hindi napapansin ng teacher namin.
"Class.." napatingin kaming lahat kay Ma'am Sonya nang magsalita siya. "Lahat ng tatawagin ko, pumunta dito sa harap. The Principal sent me 13 names na tutulong sakin sa paggawa ng mga special booth for foundation day."
Nakita kong nagkatinginan si Joyce at Coleen tapos bigla silang nagirapan. Concidence lang naman to diba?
"Joyce, Coleen, Via, Mc Glenn, Camille." Halos manlaki ang mata naming lahat nang makita na may hawak na pulang papel si Ma'am Sonya. Katulad nung mga papel na natatanggap namin mula sa killers.
Pumunta naman sa harap yung limang tinawag.
"Ma'am, san niyo po nakuha yung papel na yan?" Mahinahong tanong ni Joyce. Hindi niya pa nga pala alam ang totoong ugali ng section namin.
"Ito? Ito yung binigay ni Sir Reine kung saan nakasulat ang mga pangalan ng tutulong daw sakin sa paggawa ng special booths." Napansin kong nagbulungan yung iba. Samantalang yung iba naman mukhang naguguluhan, tulad ko.
Hindi kaya...?
"Ok. Please go in front, Darryl, Irene, Ryan, Robert, Kristal." Nakita ko pang ngumisi si Darryl at Irene bago tumayo. Yung binabanggit ni Ma'am, yan din yung 13 names na nakalagay sa board kanina. Yung mga suspects. Mukhang kaming tatlo na yung susunod na tatawagin.
Imposible namang nagkataon lang na yung tinatawag ni Ma'am Sonya e yung mga suspect rin na nakasulat sa manila paper kanina?
"Ashley, Karl and..wait. Where's Rosella?"
Shit. Imposible namang nagkataon lang na kung sino yung mga nakasulat na suspect yun din yung pangalan na nakasulat sa papel na hawak ni Ma'am. May mali dito.
BINABASA MO ANG
IX-Einstein : The Pilot Section
Mystery / ThrillerThe Section You Will Never Forget... Ito ang section na napakaraming sikreto. Sikreto na maaaring pumatay sa'yo.