Karl's POV
"Huwag kang mag-alala, Karl. Hindi pababayaan ni Dan ang bestfriend ko," pagpapakalma sa'kin ni Camille. Ilang minuto na rin ang nakakalipas mula noong mapahiwalay sa amin si Rosella at Dan.
Hindi ko maintindihan kung paano sila nahiwalay sa amin. Hindi ako mapapalagay hanggang hindi ko nakikitang ligtas si Rosella.
Nabibwisit pa ako sa paulit ulit na pagtugtog ng kantang twinkle twinkle little star. Nakakarindi na.
"Tingnan niyo, bukas na yung main door ng mansyon."
Napatingin naman kami sa tinuro ni Darryl. Tama, binuksan na nga nila ang mga pinto papalabas ng mansyon pero sarado pa rin malamang ang main gate.
Pero bakit parang may kung ano doon.
Patakbong lumapit agad si Camille at Joyce sa pinto, pero natigilan din agad sila.
"Bakit?" Takhang tanong ni Darryl.
Lumapit din kami at sa paglapit namin mas nakita namin kung ano ang meron.
May tumutulong dugo doon at dahil mas pumapasok ang liwanag ng buwan, kitang kita rin namin kung saan nanggagaling ang dugong 'yon.
"S-si Jhona." Nanginginig pang sabi ni Joyce.
Ulo nga ni Jhona na isinabit sa taas ng pinto, hindi namin napansin kanina dahil madilim.
"Yung katawan niya, ayon," napatingin kami sa tinuturo ni Camille.
Yung walang ulo niyang katawan ay ilang hakbang lang ang layo mula sa pintuan.
walang makakalabas nang buhay
Hindi kami lumabas sa pintuan pero mababasa mula rito ang mga katagang iyon.
Mas lalo akong kinabahan.
Isa si Ella sa mga killer at malaki ang galit niya sa akin lalo na kay Rose.
Nasaan na ba kayo?
Natigil ang pag-iisip ko kay Rosella nang marinig kami ng putok ng baril at malakas na sigaw.
"Ilaaaaag!"
Pinatamaan yung napakalaking chandelier na nasa harap lang namin at ng napakahabang hagdan.
Agad akong umiwas at napahiga dahil na rin sa gulat.
"Darryl!!"
Napatakip ng bibig si Joyce habang tinitingnan ang walang buhay na katawan ni Darryl sa ilalim ng chandelier na nahulog.
Ang makikinang na cystals at puting mga kandila sa chandelier na iyon ay punong-puno na ng dugo ni Darryl at nagmistulang gawa ito sa pulang likido.
Napatingin ako sa nagpaputok ng baril.
Alysson.
Ang dating pinagtutulungan at inaasar lang ng mga kaklase namin ay nandito ngayon, dahan dahang bumababa sa hagdan habang kinakaway pa nito ang hawak na baril.
"HI, CLASSMATES!!"
"Sino kaya sa inyo ang magandang isunod?" Dugtong niya habang salitang itinuturo sa amin ang baril na hawak niya.
"Anong gagawin natin Karl?" bulong sakin ni Camille.
"Habang dinadaanan niya yung nahulog na chandelier, sigurado akong iiwasan niya ang mga bubog, sa pagkakataong 'yon, tatakbo tayo, palabas," bulong ko.
Hindi nga ako nagkamali dahil sa oras na tuluyan nang nakababa ng hagdan si Alysson ay agad itong yumuko upang tingnan ang mga nagkalat na bubog sa sahig mula sa nahulog na chandelier.
BINABASA MO ANG
IX-Einstein : The Pilot Section
Mystery / ThrillerThe Section You Will Never Forget... Ito ang section na napakaraming sikreto. Sikreto na maaaring pumatay sa'yo.