Chapter 28 : The Queen Bee

234 3 1
                                    

Joyce's POV

Di ako mapakali. Ilang linggo na akong walang tulog na maayos.

Kai..kailangan ko ba talagang gawin yun?

Napatingin ako sa litrato naming dalawa na nasa frame. Kinuha ko ito at tinitigan. Nakaakbay siya sakin habang ako ay may suot na korona at nakangiti. Sobrang saya namin sa litratong to. Napabuntong hininga na lang ako.

Kailangan ko na ba talagang tapusin to?

Napahawak ako sa pisngi ko. Di ko namalayan na umiiyak na pala ako. Umiiyak ako dahil sa kagaguhan ko.

Ibababa ko na sana yung hawak kong litrato namin nang magring yung cellphone ko at dahil sa gulat ko nabagsak ko ang litrato.

Matinding kaba ang naramdaman ko habang patuloy na nagriring ang cellphone ko.

Hindi ko alam, pero una kong kinuha ang cellphone ko na patuloy sa pagriring bago ko linisin ang nabasag na picture frame.

Robert Calling....

Damn! Siya na naman. Nanginginig akong sinagot ang tawag niya.

"R-Robert..."

(Hi, Queen bee.) Di ko man sya nakikita pero alam kong nakangisi sya at tuwang tuwa sa panggugulo sakin.

(Ginawa mo na ba?) Natigilan ako sa sinabi niya. Pero hindi ko pinahalata na kinakabahan ako.

"Hindi. At hinding hindi ko gagawin." Matigas na pagkakasabi ko.

(So...Gusto mo bang malaman ng mga kaklase natin na ikaw mismo ang sumisira ng rule mo? Gusto mo bang sila mismo ang tumapos sa buhay niyong dalawa?) F*ck you, Robert.  Damn!

"Tulad ng sinabi mo, ako nga ang gumawa nito kaya, kayang kaya ko rin itong itigil at bawiin." Matapang kong sagot kahit sa loob loob ko ay hindi talaga pwede.

(Talaga? Kahit alam mong pag ginawa mo yun, iiwan ka na ng pinakamamahal mong 'mga kaklase' ? ) Iiwan nila ako? Hindi yun pwede. Hindi. Pero hindi ko rin pwedeng patayin si Angelo. Hindi.

(Remember, if you don't want to take the punishment, you need to obey the rules of the pilot. HAHAHAHA) Sasagot palang sana ako nang naputol na ang tawag niya.

Walangya ka, Robert.

XXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXX

Denia's POV

"Ok na ba si Patrick, Tal?" Tanong ko kay Kristal. Alam ko kung gaano siya nag-aalala sa kasintahan niya.

"Oo. Ayos na siya." Malumanay na sagot niya.

Ilang linggo na rin ang nakakaraan mula nung pumasok si Patrick sa Killing Booth ng Special Students pero nung makarecover siya, nagsimula naman siyang makatanggap ng mga death threats.

Napatingin ako kay Kristal. Namumutla sya. Alam kong hindi lang yun dahil kay Patrick. Alam kong may malalim pang dahilan.

Tatawagin ko sana si Kristal nang may tumawag sa pangalan namin.

Jeizzelle.

Walang emosyon ang mukha niya habang lumalapit samin. Pero nung tumigil siya sa harap namin ni Kristal, agad niyang binaba ang pusa niyang kanina pa niya buhat at tumingin nang mariin sa aming dalawa.

"Ano yun Jeizzelle?" Tanong ni Kristal.

Tumingin si Jeizzelle kay Kristal at sinabing... "Natagpuan na ang bangkay ni Joshua."

IX-Einstein : The Pilot SectionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon