"The world will not be destroyed by those who do evil , but by those who watch them without doing anything."
- Albert Einstein.-
Rachelle's POV
Nung tumakbo si Camille at Karl. Nagsimula na rin kaming tumakbo. Bigla rin akong kinabahan. Bihira kasing sumigaw o magpanic si Rosella dahil kung kaya niya alam kong lalaban siya.
Nadatnan na lang namin si Rosella na nakaupo at hawak hawak yung tagiliran niyang dumudugo.
Agad na lumapit si Camille sa kanya.
"Rose.. Ok ka lang ba?" Tiningnan ko lang siya nang mabuti. Hindi ako dapat makampante sa kanilang labing tatlo. Alam kong maaaring isa sa kanila ang pumapatay.
May malay pa si Rosella pero halata mo nang nahihirapan sya. Sa kanan niyang kamay may hawak siyang... pana?
"Ito yung pana sa archery class natin ah." Narinig kong sinabi ni Irene. Malakas ang kutob ko na killer din talaga to.
Imposible. Matagal na itinigil ang archery class.
Magsasalita pa sana si Rosella pero nawalan na siya ng malay.
"Shit! Baka maubusan siya ng dugo!" Sigaw ni Coleen.
Agad na lumapit si Karl para siguro dalhin sa clinic o ospital si Rosella pero naunahan siya ni Dan.
"Dadalhin ko siya sa ospital. Tingnan niyo kung sino may gawa nito." Naglakad na siya palayo pero bigla siyang huminto.
"Tingnan niyo na rin yung litrato na katabi nung pana. Baka makatulong." Pagkasabi niya nun bigla na lang siyang tumakbo habang buhat si Rosella.
Napabuntong hininga na lang si Karl saka lumapit sa pana.
May nakita nga kaming picture dun pero natatakpan ng dugo.
Lumapit siya sa may gripo at pinunasan yung picture. Nakita naming nanlaki yung mata niya at mukhang nagulat.
Dahil sa reaksyon niya, nakaramdam ako ng matinding kaba. Hindi lang pala ako halos lahat kami.
"G-Glenn..." bulong niya na narinig naman naming lahat dahil walang nagtatangkang gumawa samin ng ingay.
Lumapit si Ashley kay Karl at walang sabing hinila niya yung litrato mula sa kamay nito.
"He's Dead." Halos manlumo kami sa narinig namin. Lumapit narin kami kay Ashley at nakita na namin nang tuluyan yung picture na yun.
Isang lalaki na punong puno ng langgam sa buong katawan. Nakita rin namin na madaming dugo sa paligid niya. Malalaman mo lang na siya si Glenn dahil sa nakasulat sa dingding na kitang kita naman sa litrato. Mukhang dito pa ata naka-focus ang camera.
'Bye Glenn.' Nakasulat pa yun gamit ang sarili niyang dugo.
Hindi pa kami nakaka move on sa picture ni Glenn nang may marinig na naman kaming sigaw.
Lahat kami napalingon sa pinanggalingan ng sigaw.
"Alysson!"
Napaupo si Alysson habang hawak hawak ang balikat niya. May pumana rin sa kanya.
"Ron, Mc Glenn tulungan niyo si Alysson pumunta sa clinic. Sa balikat lang naman siya tinamaan kaya hindi masyadong malala." Seryosong utos ni Joyce. Agad namang sumunod ang dalawa pero tinawag na naman niya sila Ron.
"Remember, wala kayong pagsasabihan." Hindi malayo sa imposible na isa rin si Joyce sa mga killer.
"Jazcha, pakilinis na lang tong mga dugo. At lahat na tayo ay bumalik sa classroom." Singit naman ni Coleen na sinunod naman naming lahat.
BINABASA MO ANG
IX-Einstein : The Pilot Section
Mystery / ThrillerThe Section You Will Never Forget... Ito ang section na napakaraming sikreto. Sikreto na maaaring pumatay sa'yo.