Chapter 17 : Hiding from Death

302 8 6
                                    

Quencie's POV

Ilang araw kaming nawala pero andaming nangyari.

Madami akong nalaman.

Flashbacks

"Wag kang sisigaw."

Sobrang bilis ng tibok ng puso ko. Akala ko mamamatay na ako. Akala ko killer yung humila sakin pero hindi pala.

"Alex! Saan mo ba ako dadalhin?" Maingat akong dinala ni Alex sa parking. Pwede akong magisip na isa sya sa mga killer pero di ko alam sa sarili ko dahil sobra akong kampante sakanya.

Sumakay kami sa kotse niya at nagdrive siya. Hinayaan ko lang sya dahil isa sa mga tumatakbo sa isip ko ay ang magtago sa taong gustong pumatay sakin.

"Teka! May lisensya ka ba? Baka mahuli tayo nyan." Deretsyo kong sabi.

"Trust me." Pagkasabi nya nun. Sobra nang napanatag ang puso ko. Ewan ko, pero wala akong maramdamang kaba kahit na muntik na akong mamatay dahil dun sa humahabol sakin kanina.

Dahil sa sobrang tahimik naming dalawa buong byahe lang akong tulog. Nagising lang ako dahil sa pakiramdam na may tumititig sakin.

Nagising ako pero di pa ako dumilat dahil pinapakiramdaman ko pa si Alex.

"Ang ganda mo pa rin, Quen." Nagulat ako nang magsalita sya kaya napadilat ako.

Mukha din syang nagulat pero naging normal ulit yung ekspresyon niya.

Titig na titig sakin si Alex habang nakangiti. Nakahinto na rin ang sasakyan.

"Andito na ba tayo? Teka, asan ba tayo?" Biglang nawala yung ngiti niya sa labi at mukha pa syang nagulat nung nagsalita ako. Umiwas sya ng tingin. Ang gulo niya.

"Oo, nandito na tayo. Nandito sa bahay bakasyunan namin sa batangas." Nagulat ako dahil dun. Bakit anlayo? Anong gagawin namin dito? Napansin ko ngang malapit na lumubog ang araw.

Mukhang nabasa niya ang iniisip ko.
"Itatago lang kita sa mga killer."

Mas lalo akong nagulat. "Bakit mo ko itatago sa mga killer? Kilala mo ba sila?"

"Dahil ikaw na ang isusunod nila." Kaya pala. Kaya pala napanaginipan ko si Justine, kaya pala hinahabol ako kanina kasi ako na dapat ang isusunod nila.

"Paano mo nalaman? Isa ka ba sa kanila?" Kinakabahan ako sa isasagot niya.

"Ipapaliwanag ko. Pero pumasok muna tayo. " Kinakabahan parin ako. Papatayin niya ba ako dito?

Nung napansin niyang wala akong balak lumabas ng kotse niya, hinawakan niya ang mga kamay ko.

"Magtiwala ka. Hinding-hindi kita sasaktan."

Bigla na naman akong napanatag. Sumama na ako sa kanya pagpasok sa bahay bakasyunan nila.

Ang ganda dito, ang ganda ng dagat. Ang sarap ng simoy ng hangin.

Nung pinakita niya sakin yung magiging kwarto ko daw. Pumunta agad ako dun at humiga sa kama.

Wala man lang akong dalang damit dito. Yung school bag ko lang ang tanging dala ko.

Napaisip ako nang malalim. Siguro ok na rin na nandito ako dahil kung totoo ang sinasabi ni Alex. Mamamatay na ako.

Saka isa pa, mukhang madaming alam si Alex kaya magtatanong ako sa kanya.

IX-Einstein : The Pilot SectionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon