Karl's POV
Hindi. Hindi to pwede.
"Rosella, asan ka na ba?!" Nakakailang sigaw na ako. Nakakailang ikot na din sa buong bakanteng lote na to pero tanging bag, cellphone, mga basyon ng bala at puro dugo lang ang nakita ko.
Napaluhod na lang ako bigla. Nahuli na ako. Hindi ko na sya naabutan.
Hindi ko alam kung nakaligtas ba sya o dinala sya ng killer.
Ayokong mag-isip ng masama pero sobrang daming dugo ang nadatnan ko dito.
Ilang basyon din ng bala ang nakita ko.
Napaluhod na lang ako bigla. Siguro sa pagod at lungkot. Ang sakit pala. Ang sakit sobra. Wala man lang akong nagawa para sa kanya.
Para iligtas sya.
Ang bigat sa pakiramdam sobra.
Pero sa di malamang dahilan, walang ni isang luha ang pumatak mula sa mga mata ko.
Nakayuko lang ako habang nakaluhod dito. May mga bakas na rin ng dugo sa pantalon ko.
"Karl."
Iniangat ko ang ulo ko at sa lahat ng taong pwedeng pumunta dito o inaasahan kong pupunta dito, sya ang pinaka hindi ko inaasahan.
"Dabria"
------------------------------------------------------------
Daryl's POV
Kapapasok ko pa lang sa gate ng impyernong to.
Hindi ko din alam kung bakit pa ba ako pumapasok.
Siguro para panoorin ang mga kaklase kong mamatay? Napangisi ako bigla.
"Anong nginingisi-ngisi mo dyan, kuya? Mukha kang tanga." Napalingon ako kay Ria. Hindi sya mukhang grade 7 sa ayos niya.
"Wala. Pumasok ka na." Tumango lang sya sakin at tumungo na sa building nila.
Pagpasok ko ng classroom, kakaibang katahimikan ang nadatnan ko. Mukhang wala sa wisyo ang lahat.
Siguro alam na nila. Nandito na din kasi si Karl at Ashley.
"Darryl, alam mo na ba? May bago na namang pinatay ang mga killer." Bumuntong hininga ako at tumingin kay Rachelle.
"Si Rosella." Mukhang napalakas ata ang pagkakabigkas ko dahil napatingin sila sakin maliban kay Ashley at Karl. Napaatras din si Rachelle kaya kumunot ang noo ko.
"P-paano mo nalaman?" Kibit balikat ko syang tinalikuran at dumiretsyo sa upuan ko.
"H-hindi kaya i-isa si Darryl sa mga Killer?" Bulong ni Denia kay Irene pero sapat na ang lakas para marinig ko nung pagkadaan ko sa pwesto nila.
Nilingon ko sya at tiningnan ng masama.
"Narinig ko lang kaya nalaman ko." Natigilan naman si Joyce sa sinabi ko.
"Kanino mo narinig? May ibang nakakaalam?" Sa pagkakataong 'to, ako naman ang natigilan.
Pag nalaman ni Joyce na alam ng kapatid ko. Mapapahamak sya. Baka kung ano ang gawin niya sa kapatid ko.
"Wala. Nabanggit na kasi sakin ni Karl." Tumingin sila kay Karl pero mukhang wala talaga sya sa sarili niya. Ni hindi niya man lang kami nilingon.
Dahil naman sa sinabi ko mukhang napanatag na sila. Napailing na lang ako. Mga walang kwenta.
Natapos ang klase na parang sobrang bigat at lungkot ang bumabalot sa buong kwartong ito.
BINABASA MO ANG
IX-Einstein : The Pilot Section
Mystery / ThrillerThe Section You Will Never Forget... Ito ang section na napakaraming sikreto. Sikreto na maaaring pumatay sa'yo.