Marco's POV
Ilang minuto na lang matatapos na ang lunch break.
Pumunta ako sa male's comfort room, humarap ako sa salamin at naghugas ng kamay.
Ang sosyal talaga ng section namin, may sariling CR. Comfort rooms para lang sa babae at lalaki ng section namin.
Sabagay, mayayaman sila. Oo sila lang, scholar lang naman ako sa paaralang to e.
Lalabas na sana ako nang may humawak sa balikat ko.
Akala ko ako lang ang mag-isa dito kanina, kasama ko pala sya.
"Pre, hintayin mo naman ako. Maghuhugas lang ako ng kamay siguradong madudumihan na naman to maya maya." Huh? Teka, naguluhan ata ako dun.
Magrereact sana ako kaso nakita ko syang naglabas ng mga lubid at inilabas rin niya ang phone niya, mukhang may itetext sya. A-Anong gagawin niya?
Napaatras ako. Para saan ang lubid na yun? Kinabahan ako bigla, lalabas na sana ako pero biglang bumukas ang pinto.
T-teka? B-bakit sya nandito?
"Uy. Sakto! Natagalan ako tumakas sa mga madadaldal na babaeng yun e. Tss." A-ano b-bang nangyayare? A-Ano bang gagawin nila?
"Itali na nga natin to baka malate pa tayo sa Math time." Sagot ng taong nasa harap ko ngayon.
"Loko. Wala teacher natin kaya take your time." Sya ba talaga tong kaharap ko ngayon? Bakit ibang iba yung ugali niya ngayon? Bigla siyang ngumisi nang mala-demonyo. Nakakakilabot.
Pinoproseso pa ng utak ko ang mga nangyayari nang mabigla ako dahil nakaramdam ako ng malakas na suntok.
-
Pagdilat ko nakatali na ang mga kamay at paa ko sa upuan at wala na ang polo at sando ko. Takte! Ano ba kelangan nila?
"Hindi ka nabibilang samin. Kailangan mo nang mawala." Ngumisi siya sakin, parang hindi sila ang nasa harap ko ngayon.
Napasigaw na lang ako sa sakit nang sinimulan niyang hiwain ang dibdib ko pababa. Naramdaman ko ang pag-agos ng mainit na likido, ang dugo ko.
Bago ako mawalan ng malay narinig ko pa silang tumawa at nagsabi ng..
"Goodbye, Outcast."
-
Jazcha's POV
Tapos na ang lunch at wala daw ang Math Teacher namin.
Mukhang magkakagulo na naman ang buong klase dahil wala kaming guro.
Ibang-iba talaga kami sa inaakala ng lahat.
Oo, matatalino kami, mayayaman, gwapo't maganda pero hindi nila kami kilala.
"T-Tulungan n-niyo kami! S-si Marco!" Nagulat ang lahat nang makita namin na tumatakbo si Denia at Irene na umiiyak pa.
"Anong nangyari?!" Nag-aalalang tanong ni Joyce. Siya ang class president.
"Sa male's comfort room! Nandoon sila Ryan, Karl at Darryl. Nakita nila si Marco n-na.." hindi na natuloy ni Irene ang sasabihin niya dahil napahagulgol na siya sa iyak at tumakbo narin ang iba papuntang male's comfort room.
Nanlaki ang mga mata ko at hindi lang ako, lahat kami.
S-si M-Marco, nakaupo sya sa isang upuan na nakaharap sa salamin. Half-naked s'ya.
Nakatali ang mga kamay at paa niya pero ang sanhi ng kamatayan niya ay marahil sa malaking hiwa na mula sa dibdib niya hanggang tiyan.
BINABASA MO ANG
IX-Einstein : The Pilot Section
Mystery / ThrillerThe Section You Will Never Forget... Ito ang section na napakaraming sikreto. Sikreto na maaaring pumatay sa'yo.