Ashley's Pov
Wala na akong kinausap na matino simula nung namatay si Robert. Maliban kay Rosella at Karl.
Mainit pa sa mata ko si Joyce at patuloy akong naghahanap ng ebidensya na siya ang pumatay kay Robert.
Oras lang na malaman ko na sya nga ang pumatay sa kauna-unahang minahal ko, ako mismo ang papatay sakanya.
"Ash, Karl. Tingnan niyo to." nabaling ang atensyon ko kay Rosella na naglalakad palapit samin ni Karl.
Nandito kasi kaming tatlo sa library dahil itong si Rosella ay nag volunteer na sya na ang maglilinis ng library pero namalayan ko na lang ang sarili ko na kasama niya at ni Karl.
Wala na din kasing gustong maglinis at mag-ayos ng library namin. Malas daw ito. Madami na raw ang namamatay dito.
"Yan yung manika ni Mariel diba?" Napatingin naman ako sa mga hawak ni Rosella nang makalapit na sya samin.
Sa kanan niyang kamay hawak hawak ang manika nga ni Mariel na Akuma ang pangalan.
Sa kaliwa naman, isang notebook? Mukhang luma na ito at matagal nang hindi nabubuklat.
"Yah. Tas nakita ko to malapit sa kinalalagyan ni Akuma. Mukhang nahulog ito sa mataas na shelf." Pagtutukoy niya sa notebook na yun
"At mukhang kay Maam Lai to." Dugtong niya habang binubuklat ang unang pahina ng libro.
'LAILANI DELA CROIX'
Yan yung nakasulat sa unang pahina ng notebook. Isang malaking pagkakasulat ng pangalan ni Ma'am dela Croix.
"Diary. Mukhang diary ni Ma'am yan" seryosong pagkakasabi ni Karl.
"Patingin nga Rose." Iaabot na sana sakin ni Rose yung diary.
"Guys!" Biglang bumukas yung pinto ng library at niluwa nun si Ella.
"Kain muna tayo sa room. Nanlibre si Daryl." Si Daryl? Anong meron?
"Hindi na. Dito na la--"
"Wow! Tara. Gutom na gutom na ako e" pagputol sakin ni Rosella sabay angkla ng kaliwang braso niya sa kanang braso ko at paghawak ng kanan niyang kamay sa kaliwang kamay ni Karl. Napangisi na lang ako.
"Bilisan niyo!" Biglang sinara nang malakas ni Ella yung pinto.
Pero bago yun, nakita ko yung pagkuyom ng kamao niya at masamang tingin sa magkahawak na kamay ni Rosella at Karl.
Pagdating namin sa classroom, hindi tulad ng inaasahan, lahat sila nakangiti, nagkakasayahan.
"Uy. Irene, Rachelle! Goodluck sa inyo a. Next next week na yung pageant diba?" Wika ni Renuel. Sabay kindat kay Rachelle.
Yung pageant, UN sa pagkakatanda ko. Masama ang kutob ko dyan. Pero wala naman akong pakialam.
"For sure naman, madedefend ko yung title ko e. " Isang mapagmalaking ngiti naman ang ipinakita niya kay Rachelle.
Ewan ko pero may naaamoy akong tensyon sa pagitan nilang dalawa. Alam kong may mali.
----------------------------------------------------------
BINABASA MO ANG
IX-Einstein : The Pilot Section
Misterio / SuspensoThe Section You Will Never Forget... Ito ang section na napakaraming sikreto. Sikreto na maaaring pumatay sa'yo.