Rosella's POV
Madaming gumugulo sa isip ko ngayon.
Tatlong araw nang nawawala si Glenn, Quencie at Alex. Hindi ko nga alam kung matutuwa ba kami dahil wala pa naman kaming nakikitang bangkay nila.
Malaki rin ang posibilidad na buhay pa sila at sana ayos lang ang kalagayan nila.
And fortunately, wala na kaming nakita na kahit na anong patay simula nung makita namin yung bangkay ng mga guard at nung bangkay nung babae sa library.
Hanggang ngayon din hindi pa nakikita yung isang guard na nawawala.
At imposible na yung guard na yun ang guard na kumausap samin ni Karl dahil ang guard na yun ay babae. Babaeng guard. At ang kumausap samin ni Karl nung gabing nawala si Dick Patrick ay lalake. Imposible rin naman na isa sa dalawang guard na nakita yung kumausap samin dahil ayon sa autopsy nila at sa pagkakaalam na time of death, patay na sila nung araw na yun.
Nakakapagtaka, sino kaya yung humarang at nagpauwi samin ni Karl nung gabing yon?
Si Ashley din. Akala ko papayag na syang tumulong samin para mahanap ang mga killers pero ang tanging isinagot niya lang sakin ay :
"Hindi ko kailangan makipagtulungan sainyo. Kaya ko na mag-isa."
Ang hirap naman niyang kumbinsihin.
"Kapag hindi parin nakita ang anak ko, idedemanda ko na ang paaralan na to!" Napalingon naman ako sa nanay ni Glenn na tatlong araw na ring pabalik-balik dito.
"Huminahon muna po kayo, tita. Wala naman pong may gusto nung nangyari." Pagpapakalma naman ni Joyce sa mga magulang na nandito.
Tatlong araw na pumupunta dito ang mga magulang ni Glenn, Quencie at Denia--na nag-aalaga kay Alex.
"Joyce, hindi pa ba kayo kinokontak ni Quencie?" Tanong naman ng mama ni Quencie na bakas sa mukha ang lubos na pagaalala. Dahan dahan namamg napailing si Joyce at yumuko.
"Sige. Mauna na kami. Balitaan mo na lang kami kung kinontak o kung may balita na kayo sakanila." Pagpapaalam naman ng mama ni Denia na umiiyak na rin. Masyado atang malapit si Alex sa kanya kahit pamangkin lang niya ito.
Pagkaalis ng mga magulang ay siya namang pagpasok ni Ma'am Dela Croix sa classroom na ikinagulat naming lahat. Simula nung natagpuan si Dick Patrick hindi na siya pumasok at hindi na namin siya nakita.
"Maam! Bakit ngayon lang ho kayo pumasok? Madami pong nangyari simula nung nawala kayo." May halong inis sa boses ni Joshua nang sabihin niya yan. Hindi naman siya sinagot ni Ma'am at nagtuloy tuloy lang ito sa harap.
"Nawawala raw si Quencie, Glenn at Alex?" Pagsasawalang bahala ni Ma'am sa tanong ni Joshua.
"Opo. 3 araw na po silang nawawala." Malumanay na sagot ni Rhona.
"Hindi kaya may kinalaman to sa pagkamatay ni Lara at ng iba niyong kaklase?" Nagulat kami dahil kampanteng itinanong samin yan ni Ma'am. Paano niya nalaman?
"P-paano mo nalaman?" Nanlalaking mata na tanong ni Joyce.
Bigla naman kaming napatingin kay Ma'am na nagtutubig na ang mga mata.
"H-hindi niyo naman kailang itago sakin mga anak. Bakit hindi niyo man lang pinaalam sakin? Bakit hinahayaan niyong mangyari ito sainyo?" Simula nung unang araw ng pasukan tinuring na kaming mga anak ni Ma'am Dela Croix kaya malapit talaga siya samin. Nagsimula na ngang umiyak si Ma'am Dela Croix.
Tumayo naman si Coleen at Ella at yumakap kay Ma'am. Nagsilapitan na rin ang iba at nakiyakap na rin.
Tatayo na rin sana ako para yumakap kay Ma'am dahil namiss ko rin sya no.
BINABASA MO ANG
IX-Einstein : The Pilot Section
Mystery / ThrillerThe Section You Will Never Forget... Ito ang section na napakaraming sikreto. Sikreto na maaaring pumatay sa'yo.