A/N: Dela Croix pronounced as 'Dela Croy'
"The fear of death is the most unjustified of all fears, for there's no risk of accident for someone who's dead." ----Albert Einstein
-------Mrs. Lailani's POV
Papunta na ako sa Pilot's Building nang makita kong nagkalat ang Einsteins sa building at mukhang may hinahanap.
Ang iba ay nasa paligid ng Cr, ang iba ay may hinahanap sa halamanan pero nakuha ng atensyon ko ang pagiyak ni Irene---isa sa mga estudyante ko.
Ano bang nangyayari?
Lalapit sana ako kay Joyce para patigilin sila dahil magsisimula na rin ang klase nang lumapit sakin ang pusa na laging dala dala ni Jeizzelle, dinidilaan nito ang kanan kong paa.
Mukhang nagulat si Jeizzelle ng lumapit sya sakin. Hindi ko alam kung bakit.
"M-ma'am Dela Croix" nakayuko niyang sambit.
Nakatingin sya sa pusa niyang patuloy na pagdila sa mga paa ko.
"Ano bang ginagawa niyo? Magsisimula na ang klase." Tanong ko.
Hindi niya sinagot ang tanong ko bagkus ay nagtanong rin sya na naging dahilan ng paghakbang ko patalikod.
"Nakapatay na ho ba kayo, Mrs. Lailani?"
Nanindig ang balahibo ko sa mga sinabi niya lalo na nang dugtungan niya pa ito.
"Naaamoy po ni Justine ang dugo sa mga paa niyo. At nasabi niya narin po sakin na kayo ang pumatay sa mga magulang ng isa sa mga estudyante niyo ngayon"
Nababaliw na ba tong batang to? A-ano bang sinasab--
Flashbacks
5 years ago...
"Lailani, b-bitawan m-mo y-yang baril mo, parang awa mo na." pinapakalma niya ako pero puno na ng galit ang puso ko.
Sinaktan niya ako k-kung di niya ako iniwan hindi sana ako mapipilitan pakasalan si James na hindi ko naman mahal.
"I-iniwan mo ko, i-iniwan mo kami ng anak mo d-dahil ano?! Dahil may babae ka at may anak ka rin sa kanya?!" Lalong nanginig ang mga kamay ko sa galit na nakatutok sa babaeng yakap yakap ang anak nilang lalaki.
"Hindi ko naman sinasadya na mabuntis ka nung araw na yun. Lasing lang ako. P-patawarin mo ko. Hindi ko alam na may anak tayo." Tuloy tuloy na tumulo ang mga luha ko. Alam ko naman yun e---Na dala lang ng kalasingan ang nangyari nung gabing yun.
A-akala ko mahal niya ako pero kaibigan parin pala ang tingin niya sakin.
Sampung taong gulang na ang batang kahit kelan hindi ko tinuring na anak dahil sa iniwan ako ng ama niya---ang lalaking nasa harap ko at may sarili na ring pamilya.
"M-mahal mo b-ba siya?" tanong ko. At tinutok ang baril sa babaeng alam ko namang mahal niya nga.
Dahang dahang tumango si Jason at may pagmamakaawa sa mga mata niya.
"Mahal na mahal ko si Alyana." Nakita kong ngumiti pa sya kay Alyana ng banggitin nito ang pangalan niya at parang sinasabi na 'magiging ok din ang lahat.'
Nakaramdam ako ng matinding selos at galit.
Wala ba talaga syang pagmamahal sakin o kahit sa anak namin?
BINABASA MO ANG
IX-Einstein : The Pilot Section
Mistério / SuspenseThe Section You Will Never Forget... Ito ang section na napakaraming sikreto. Sikreto na maaaring pumatay sa'yo.