Chapter 21 : Royal Traditions

239 7 0
                                    

Karl's POV

"Karl, anong nangyari?" Pagkaupong-pagkaupo, nagtanong agad si Rosella. Napakunot naman ang noo ko dahil dun. Anong ibig niyang sabihin?

"Anong ibig mong sabihin?" Mukhang alam ko na ang tinutukoy niya.

"I mean, nasan na yung iniingatang imahe ni Joyce? Bakit parang normal na lang ang tingin nila satin? Parang di na nga tayo nageexist e."

Hindi ako sumagot. Tumingin ako kay Camille para ipahiwatig na sya na lang ang magpaliwanag.

"Ahm. Ganto kasi yan, Rose." Paninimula niya. Huminga nang malalim si Camille at yumuko.

"Kumalat kasi sa school na nagd'drugs tayo. Napansin kasi ng iba na unti-unti na tayong nababawasan. Alam mo namang hindi pwedeng magtransfer ang isang estudyanteng taga pilot section diba?" Tumango si Rosella.

"Hindi pwedeng magtransfer ang isang taga Pilot section maliban na lang kung makalabag ito ng isang Royal Rule---Ang gumamit ng pinagbabawal na gamot o ang makapatay. Pag isa sa dalawang rule ay nagawa ng isang taga pilot section maaari na syang lumipat o idrop." Napatingin kami sa taong nagsalita. Isang Grade 7 student ang nakatayo sa harap ng table namin.

"Sa sitwasyon niyo. Iniisip ng iba na hindi niyo kayang pumatay kaya ang paggamit lang ng ipinagbabawal na gamot ang maaaring maging dahilan ng paglilipat ng iba sa inyo." Dugtong pa niya. Sino tong batang to?

"Sino ka?" Mataray na tanong ni Camille.

"Ooops. Hehe. Am I rude? Anyway, ako nga pala si Dabria. Dabria Cubillas." Naningkit ang mata ni Rosella nang banggitin niya ang pangalan niya.

"Kaano-ano mo si Darryl?" Mahinahong tanong ni Via.

"Pwede bang maupo muna ako?" Tanong niya.

"Sure." Umusog naman si Via. Nasa harap ko sya.

Pero nagulat ako nang tumabi sakin si Dabria. Napakunot tuloy ang noo ni Via. Napapagitnaan ako ni Rosella at Via.

"Bastos." Narinig kong bulong ni Camille.

"Cams." Mariin na saad ni Rosella. "So, Dabria. Alam mo ba ang meaning niyang pangalan mo?" Nakangiting tanong ni Rosella pero parang naiilang sya.

Ngumiti si Dabria. "Kuya ko po si Kuya Darryl. Magkapatid po kami sa Tatay." Sagot niya sa tanong ni Via.

Humarap naman siya kay Rosella.

"Yes, Ate Rosella. Dabria means Angel of Death."

Nagulat ako sa sinabi niya. Kaya pala napakunot ang noo ni Rosella nang banggitin niya yung pangalan niya.

"So, what do you want, kid?" Masungit na tanong ni Camille.

"Totoo po bang nagd'drugs kayo?" Tanong niya.

"No." Matigas na sagot ko. The hell? Sino ba ang nagkakalat na nagd'drugs kami? Mapapatay ko.

" I knew it! Di ko naman nakikita si Kuya na nagdadala ng drugs or paraphernalia sa bahay." Hyper na sagot niya.

"Stop fooling around. Ano ngang kailangan mo?" Tanong muli ni Camille.

Nagseryoso naman ang mukha ni Dabria.

Huminga siya nang malalim at parang may malalim na iniisip.
"What is the Royal Tradition? Bakit Grade 9 Pilot Section ang nasusunod sa buong school? Bakit hindi 4th year? Bakit nasa inyo ang Queen Bee, The Kings, Princesses and Princes, imbis na sa fourth years?" Sunod-sunod na tanong niya.

IX-Einstein : The Pilot SectionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon