Special Chapter #3 : the day she died

27 2 0
                                    

Third person point of view

"I-ikaw? Ikaw din ba ang pumatay sa iba? Huh? P-pati kay Robert? Hayop ka! Bakit mo ba to ginagawa? Kung may galit ka sakin ako na lang, wag mo na silang idamay! Sino pa ang mga killer ha?! Sino pa ang mga kasama mo?" Pagtatanong ni Rosella kahit pilit na itong nahihirapan.

"Andami mong satsat!"

Dalawang putok ng baril ang pinakawalan ni Ella.

Dahil na rin sa wala itong karanasan sa paghawak ng baril ay tumama lang ito sa balikat at braso ni Rosella.

Tumawa pa nang pagkalakas ito bago naglakad papalayo patungo sa kung saan ang iba pa nyang kasama.

Punong puno na ng dugo ang buong katawan ni Rosella pinilit niyang tumayo pero hindi na talaga niya kaya.

Unti-unti na rin siyang nahihirapan huminga.

At bago pa tuluyang pumikit. Nakarinig pa ito ng tumatawag sa kanyang pangalan. Dala na rin ng sakit, inisip niyang boses ito ng taong gusto niyang makita sa mga oras na iyon, ni Karl pero hindi, dahil sa totoo, dalawang tao ang tumatawag sa kanyang pangalan at umaasang matatagpuan pa syang buhay.

"Nandito siya! Alex! Dali!" sabi ni Robert. Agad naman siyang binuhat nito at dinala sa sasakyan ni Alex.

"Kuya dalhin niyo po sa ospital na pagmamay ari nina mommy Sally." Sabi nito sa driver.

"Doon po sa ospital nung mga nag ampon sa inyo? Ano po bang nangyari sa babaeng yan, sir."

"Oo kuya bilis at wag ka na magtanong." Sagot ni Alex.

Nang makarating sila sa ospital ay agad na inasikaso ng mga doktor si Rosella.

Maliit lang ang ospital na ito at halos wala ngang mgavpasyente.

Umupo sa labas ng emergency room ang dalawang nagligtas sa buhay ni Rosella.

"Natawagan ko na si Quen. Papunta na siya rito." Sabi ni Alex.

"Hindi mo ba tatawagan si Karl o ang mga magulang ni Rose?" Sabi ni Robert.

"Hindi muna. Hahayaan kong si Rose na lang ang magdesisyon dyan. Sana makaligtas siya." Sagot ni Alex.

Ilang oras din bago lumabas ang mga doctor nakarating na rin si Quencie.

"Kumusta po siya?" Tanong nito.

"Nakuha naman namin ang mga bala na nasa katawan niya at nagamot lahat ng sugat niya. Hihintayin na lang natin siyang gumising." Sagot ng doctor at umalis na.

Halos isang linggo pa ang lumipas bago siya nagising at sa pagmulat ng mga mata niya, si Quencie agad ang una niyang nakita.

"Quen? Nasan ako?" Tanong nito.

"Gising ka na! Tatawag ako ng mga nurse."

Pagkatapos tingnan ang kalagayan ni Rosella ay umalis na rin ang mga ito.

"Anong nangyari? Buhay pa ako diba?" Natawa si Quencie sa tanong ni Rosella.

"Oo sira ka talaga. Buhay ka pa. Kung hindi ka kaagad nakita nila Alex malamang patay ka na."

IX-Einstein : The Pilot SectionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon