Rhona's POV
"Let the games begin." Nang makarinig kami ng sunod sunod na pagputok, nagkahiwa-hiwalay kami.
Dahil sa takot at pagpapanic hindi ako nakaalis sa pwesto ko at napayuko na lang ako.
Nang wala na akong marinig na putukan, nagkaroon ng sandaling katahimikan pero maya maya nakarinig na ako muli ng iyakan at sigawan.
Napatakbo ako sa Chapel. Chapel ng school namin.
Hindi naman siguro ako makikita rito diba?
Lumapit ako sa upuan at lumuhod.
"Ito na po ba yung parusa namin? Ito na po ba yung karma na matatanggap namin? Bakit naman ganto kabigat?" Tuloy tuloy na ang mga luha ko habang nagdadasal.
"Parang awa niyo na po. Iligtas niyo kami sa bangungot na to." Huminga ako ng malalim pero tuloy-tuloy parin ang agos ng luha ko.
"A-alam ko na may kasalanan rin ako. Alam ko na ako ang n-nakapatay sa k-kanya at hindi s-sya. Pero maniwala po kayo sakin, pinagsisisihan ko na yun. Patawarin niyo ko. Patawarin mo ko, Lorraine." nahihirapan na akong magsalita dahil sa sobrang pag-iyak ko.
"Nandito ka lang pala Bes." Napalingon ako sa taong nagsalita.
"V-via" Umupo siya sa tabi ko. May hawak rin syang bakal. Malamang panglaban siguro kung makakasalubong niya ang isa sa mga killer.
"Umamin ka nga sakin, Rhona." Napatingin ako sa kanya. Kitang kita ko ang galit at selos sa mga mata niya. A-anong aaminin ko? "May gusto ka ba kay Karl?"
Nanlaki ang mata ko dahil sa tanong niya. Nakaramdam din ako ng sobrang kaba at takot.
Nakita ko ang paghigpit ng hawak niya sa bakal na dala niya.
"Sumagot ka!" Napaatras ako nang sumigaw siya. Hindi naman ako tanga para hindi mahalata na may gusto si Via kay Karl. Kaya nga itinatago ko lang ang nararamdaman ko para sa kanya lalo na ngayon na mukhang may ibang gusto si Karl.
"Oo. Oo, may gusto ako sa kanya." Sagot ko. Tumawa siya nang napakalakas. Tawa na ngayon ko lang narinig mula sakanya. Para na syang nababaliw.
"Kaya pala! Kaya pala, lagi kang nagpapapansin sa kanya! Kaya pala lagi kang nagpapaawa!" Lumapit sya sakin kaya napatayo ako. Itinaas niya ang kamay niya na may hawak na bakal.
"V-Via, hindi mo ba napapansin! May ibang gusto si Karl. May iba syang mahal!" Lalong nanginig sa galit ang mga kamay ni Via.
"Alam ko yun! Masyadong marami ang karibal ko sakanya kaya kailangan ng mabawasan!" Lumapit sya sakin habang ako ay paatras nang paatras. Nanginig na ako sa takot dahil alam kong wala na akong maaatrasan.
Napangisi si Via nang mapansin niya ang sitwasyon ko.
Tatakbo na sana ako pero nahawakan niya ako sa damit ko.
Pinukpok niya sa ulo ko ang bakal na hawak niya. Isa ba sya sa Killer?
Pinukpok nya nang pinukpok ang ulo at katawan ko habang patuloy sa pag-agos ang mga luha niya.
Lumuha siya habang tuloy tuloy akong hinahampas at pinapalo ng bakal na hawak niya.
Kitang kita ko na ang pag-agos ng dugo mula sa ulo ko. Hindi ko na rin maigalaw ang katawan ko. Napangiti na lang ako, nawala na pala ang takot ko sa dugo.
BINABASA MO ANG
IX-Einstein : The Pilot Section
Mystery / ThrillerThe Section You Will Never Forget... Ito ang section na napakaraming sikreto. Sikreto na maaaring pumatay sa'yo.