Rosella's POV
Bumaba kami ng bus sa pangunguna ni kuyang driver.
Wala kaming kahit anong dala, ni cellphone o bag.
Nararamdaman ko na rin yung pagod, gutom at uhaw, at mukhang hindi lang ako dahil halos lahat kami iniinda na ang lahat ng iyon.
"Nagugutom na ako."
"May tubig ba kayo dyan?"
"Gusto ko na matulog at magpahinga"
'Yan ang mga tumatakbo sa isip ko at iyan din ang mga paulit-ulit na sinasabi ng mga kasama ko ngayon.
Nagsimula kaming maglakad papasok sa gubat. Hindi pa naman kami nakakalayo sa may bus kaya tanaw pa rin namin yun.
"Saan ba tayo pupunta?" tanong ni Joyce kay kuyang driver.
Hindi nga s'ya makapagsalita kaya tiningnan lang niya si Joyce at naglakad ulit.
"Hindi ba patibong 'to? Humiwalay na tayo kay kuya at subukan umuwi nang tayo tayo lang o bumalik tayo sa bus at subukang paandarin yun." Sabi ni Dan. Napahinto naman si kuya at tumingin samin.
Isinenyas niya na "huwag" gamit ang mga kamay niya at parang sinasabing sumunod lang kami sa kanya pero ni isa samin walang humakbang pasunod sa kanya.
"Feeling ko mas safe kung susunod tayo kay kuya." Suhestyon ni Coleen.
Napataas naman ang kilay ni Jeizzelle.
"Paanong magiging safe kung posibleng pakana ito ng mga killer?" Sabi ni Jeizzelle.
Malaki nga ang posibilidad na pakana ito ng mga killer.
"Joyce, sa tingin ko mas maganda ngang bumalik na tayo sa bus o humingi ng tulong." sabi naman ni Camille na nasa tabi ko na ngayon.
Ako, si Karl, si Camille, si Dan at Ashley. Kami ang magkakatabi habang naglalakad. Nasa likod naman namin si Darryl at Jeizzelle tapos yung iba nasa harapan namin sa pangunguna ni Joyce na katabi si kuyang driver.
"Oo. Sa tingin ko rin." Tumalikod na si Joyce at akmang babalik na sa pinanggalingan namin ng hawakan siya ni kuyang driver sa braso.
Itinuturo niya ang nasa harap na parang sinasabing titigan naming mabuti.
Napatingin si Joyce.
May isang bahay sa gitna ng gubat? Isang bahay nga iyon na napaka ganda hindi sya nakakatakot tingnan pero may mataas syang gate.
Hindi ko na masyadong matanaw ang ibang detalye dahil medyo malayo pa kami.
"Joyce. Sa tingin ko, mas okay ngang sundan muna natin si kuya at doon niya tayo dadalhin sa bahay. Manghingi tayo ng tubig o pagkain bago umalis." Sabi naman ni Ryan.
"Mukhang hindi maganda ang kutob ko sa sinabi ni Ryan." Seryosong sabi ni Ashley pero hindi ito gaano kalakas kaya kaming apat lang nila Karl ang nakarinig.
Tumingin naman sa kanya si Karl.
"Tama ka, Ash. Matagal na ring masama ang kutob ko kay Ryan," sabi ni Karl.
"ANO BA KAYO?! GUTOM NA AKO AT NAUUHAW DUMIRETSYO NA TAYO DOON SA TINUTURO NIYA," sigaw ni Patrick at nagsimula na ngang maglakad na sinundan naman ng iba.
"Umiba tayo ng daan. Delikado kung pupunta tayo doon, please magtiwala kayo sa'kin" sabi ni Jeizzelle.
Nasa tabi niya si Darryl at sinabing, "tama, umiba tayo ng daan humanap tayo ng tulong."
BINABASA MO ANG
IX-Einstein : The Pilot Section
Mystery / ThrillerThe Section You Will Never Forget... Ito ang section na napakaraming sikreto. Sikreto na maaaring pumatay sa'yo.