Chapter 44: Downfall

23 2 0
                                    

Karl's POV

Tangina, Joyce. Sabi ko na nga ba may mali sa'yo.

"Ibigay natin ang gusto niya."

Napalingon kami kay Jazcha.

"Ano na? Bibilang ako ng sampu at dapat naibaba niyo na ang mga baril na hawak niyo" sigaw ni Joyce, maling galaw lang namin ay pwede niyang itulak sa hagdan si Rose o barilin sa ulo.

Pasimpleng dumaan sa likod ko si Rey John at may binulong, "Ibaba mo na yung baril mo, may baril ding hawak si Jazcha."

Pagkabulong na pagkabulong ni Rey John sa akin ay agad siyang sumigaw, "Yow, Queen Bee, ito na ibababa ko na yung baril ko, chill ka lang" saka binaba ang hawak niyang baril at nagtaas ng dalawang kamay.

"Papatayin ko talaga 'yan si Joyce. Dumadami na kasalanan niyan sakin" galit na sabi pa ni Ashley.

"Karl, ibaba mo na 'yang baril mo at ihatid sa'kin si Jazcha, kapalit nitong babaeng 'to."

Binaba ko na rin ang baril na hawak ko at lumapit kay Jazcha para ihatid siya kay Joyce.

Nakakailang hakbang na kami paakyat sa hagdan, nang bumulong siya sa akin, "kapain mo yung bewang ko sa kanan, nandun yung baril ko."

Ginawa ko yung sinabi at nang akma ko nang bubunutin yung baril ni Jazcha ay nakarinig naman kami ng sigaw.

"MADAYA! PRES, MAY BARIL PA SILA OH" sigaw ni Denia sabay tawa.

Bwisit.

Agad naman kaming pinaputukan ni Joyce pero dahil doon ay nakawala na si Rosella at patakbong lumayo kay Joyce.

"Mamatay ka na Jazcha! Mamatay ka na!"

Pababa na ng hagdan si Joyce at sunod sunod niyang pinaulanan ng bala si Jazcha na napaupo sa gulat kanina.

Tumayo ako at agad na pinaputok ang baril na nakuha ko kay Jazcha.

Para lang 'tong archery, pinatamaan ko siya sa binti dahilan ng pagkaout balance niya pero nakabawi agad siya at itinutok sakin ang baril.

Bago niya pa maiputok 'yon ay naitulak na siya ni Rosella dahilan ng tuluyan niyang pagkahulog sa hagdan.

"Ayos ka lang ba Karl?" Tumango ako at ngumiti sa kanya. Masaya akong ligtas ka, Rose.

"Insan!!" Narinig kong sigaw ni Rey John kaya napatingin ako kay Jazcha, nakaupo at nakatakip ito sa ulo niya, pero hindi na siya gumagalaw.

Binuhat ko ito at inakyat, lumapit naman sa amin agad si Rosella at Dan.

"I'm sorry. Sobra."

Iyon na ang mga huling salita ni Jazcha bago tuluyang mawalan ng buhay.

-

Third Person Point of View

Tumayo na si Denia at pumamewang, "ano ba 'yan, tapos na ang palabas? So balik na tayo sa paglalaro?"

Ngumisi ito at humarap sa kung saan nakatayo ang kambal niya at ang mga kasama nito.

Hindi na kasama ni Denia si Coleen at Ella.

Pinabalik na niya ang dalawa sa control room.

Agad na pinulot ni Rey John ang baril niya at tinutukan si Denia pero hinarang ito ni Alex.

"Bro. Tapusin na natin 'to. Tatlo na lang naman sila" gigil na sabi ni Rey John.

Napatingin naman halos lahat sa kanya.

IX-Einstein : The Pilot SectionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon