Rosella's POV
Ilang linggo na yung nakalilipas mula nang mamatay si Mariel. Ilang linggo na rin naming hindi nakakausap si Jeizzelle. Lagi lang syang tulala at nakatingin sa pusa niya. Siguro itinuring na talaga nyang bestfriend si Mariel.
Bukod sa biglaang pagkamatay ni Mariel, hanggang ngayon iniisip ko parin yung mga huling salita na binitawan ni Via bago siya mawala at mamatay.
Flashback
"J-Joyce, m-may aaminin ako." Napatigil ako sa paglalakad nang marinig ko ang nanginginig na boses ni Via.
"Ano yun?" Hindi ko tinuloy ang paglapit kay Joyce dahil may parte sakin na gustong makinig sa pinaguusapan nila.
"Ako."
"Anong ik--" napatigil si Joyce ng putulin ni Via ang sasabihin niya.
"Ako ang pumatay kay Rhona." Nanlaki ang mga mata ko.
Nabitawan ko ang mga box na dala ko na naging dahilan upang mapansin at makita nila akong nakikinig sa usapan nila.
Tumakbo si Via palayo samin. Si Joyce, tulala at parang gulat parin sa mga nalaman niya. Nang makabawi, ako na lang ang humabol kay Via.
Habang hinahabol ko sya, umuulit sa utak ko ang mga salitang binanggit niya kanina.
"Ako ang pumatay kay Rhona."
"Ako ang pumatay kay Rhona."
"Ako ang pumatay kay Rhona."
"Ako ang pumatay kay Rhona."
Napahinto ako bigla nang makita na may humarang kay Via. Naka cloak ito na itim. Katulad nung...
Babae na bumaril kay Alex.
Binilisan ko pa ang pagtakbo ko pero nung napansin ako nung naka cloak bigla itong tumakbo at mabilis na nawala sa paningin ko.
Nadatnan ko lang si Via na nanginginig at tulala.
Hinarap ko sya pero nakatulala parin ito.
Sa sobrang inis ko dahil sa mga nalalaman ko, bigla ko na lang syang sinampal. Sinampal ko sya nang sobrang lakas pero kasabay ng pagsampal ko sakanya ay ang pagtulo ng mga luha ko.
Isa ba siya sa mga killer? Isa ba sya sa mga pumapatay?
B-bakit? Bakit niya to nagawa?
Muling tumulo ang mga luha ko.
"Ikaw ba? I-isa ka ba sa kanila? Isa ka ba sa mga pumapatay?" Dahan dahan syang umiling.
"HINDI! MANIWALA KA SAKIN!" Napaatras ako nung sumigaw sya. Bakas sa pagsigaw niya ang takot at galit. Hindi ko alam kung san sya natatakot at kung bakit sya nagagalit.
Napayuko sya at umagos narin ang mga luha niya.
"Alam mo bang balak na rin kitang patayin ngayong araw?" Muli akong napaatras nang sabihin niya sakin yan. Kitang kita ko ang pagkuyom ng mga kamao niya.
Hindi ako nakapagsalita. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko. Papatayin na dapat niya ako ngayon?
"Hindi naman lingid sa kaalaman ko na may pagtingin ka kay Karl. Iba ang mga tingin mo sakanya. Yung tingin na katulad ng mga tingin ni Rhona. Nagseselos ako." nagulat ako nung ngumisi sya. "Mahal ko si Karl, Rosella." Pero hindi na ako nagulat nang sabihin niya yan. Ang ikinagulat ko nang sabihin niyang iba ang mga tingin ko kay Karl.
![](https://img.wattpad.com/cover/34819519-288-k821197.jpg)
BINABASA MO ANG
IX-Einstein : The Pilot Section
Mystery / ThrillerThe Section You Will Never Forget... Ito ang section na napakaraming sikreto. Sikreto na maaaring pumatay sa'yo.