Ashley's POV
Ilang araw na akong pabalik balik sa ospital na to.
Kainis. Gising na si Rosella pero si Robert tulog parin. Naguguluhan na rin ako sa sarili ko. Hindi ba dapat wala akong pakialam sa kanya? Parang may sariling isip ang katawan ko at hindi sumusunod sa utak ko.
Dere-deretsyo akong pumasok sa kwarto niya pero tulad nung mga nakaraang araw, tulog parin sya.
May nurse na nagaayos ng mga pagkain sa table kaya lumapit ako.
Tiningnan ko ng mabuti ang ginagawa niya. Naka hospital mask sya.
"Ma'am kaano-ano niyo po ang pasyente." Tanong niya ng hindi man lang tumitingin sakin. Weird. Ilang araw na ako dito pero ngayon niya lang ako tinanong ng ganyan?
"None of your business." I said coldly.
"Pero trabaho ko po alamin kung sino ang pumupunta dito." Pagpapaliwanag niya sakin.
"I'm always here for almost 2 weeks tapos ngayon mo lang ako tinatanong ng ganyan?" Umupo ako sa couch at tinitigan lang sya ng blanko. Napatingin siya sakin at sandaling nagtama ang mga mata namin pero agad din niyang iniwas.
"Sorry maam." Agad syang lumabas.
Pamilyar ang mga mata niyang yun alam kong nakita ko na yun pero saan?
Lalabas na sana ako para habulin yung nurse na yun pero agad din akong napatigil nang bumukas ang pinto. Pumasok ang isang babae. Babae na ngayon ko na lang ulit nakita.
"Dabria.." bulong ko.
Ngumiti siya ng malaki at yumakap sakin.
"Ashleeeeey! Bestfriend!" Humiwalay siya sakin at hinawakan ako sa balikat. Ngumiti sya ng malapad.
"Hmm. Dapat ba ATE Ashley na ang itawag ko sayo?" Tumitig lang ako sakanya ng blanko.
Tumawa sya. Tawang pangasar.
"Teka teka! Galit ka parin ba...?" Napakuyom ako ng kamao ko ng makita kong ngumisi siya. "...Galit ka parin ba sa sarili mo?"
Humawak ako sa baba ko at ngumisi din sakanya.
"Bakit naman ako magagalit sa sarili ko? Alam ko naman na tama yung ginawa ko noon." It's my turn to smirk.
Magsasalita pa sana sya ng mapansin kong gumalaw na si Robert.
"A-Ash..ley." nahihirapan siyang magsalita pero pinipilit niya. Dahan dahan akong lumapit sakanya at dahil dun naunahan ako ni Dabria na lumapit sakanya.
"Kuya Robert!! Are you okay? Nagugutom ka ba? Nauuhaw? Gusto mo ba tumawag ako ng Doctor?" Napakunot ang noo ko dahil sa sunod sunod na tanong niya.
Nalipat rin sakanya ang atensyon ni Robert."Dabria?" Ngumiti sakanya si Robert.
Imbis na lumapit ako sa kanya..sa kanila. Napili ko na lang na lumabas.
"Ako na lang ang tatawag sa Doctor."
***Nandito ako sa labas ng hospital room ni Robert at umiinom ng kape. Nasa loob kasi ng kwarto ang mga magulang niya pati si Dabria.
Hindi ko alam kung bakit ba ako nagtitiis na maghintay dito. Kaano-ano ko ba siya? Tss.
Sya nga pala ang nagligtas ng buhay ko pero I didn't ask him to do that!
"Ashley! Gising na raw si Robert?" Napalingon ako kay Rosella at sa mga kasama niya. Himala. Nandito ang buong Einstein.
"Oo."
BINABASA MO ANG
IX-Einstein : The Pilot Section
Misterio / SuspensoThe Section You Will Never Forget... Ito ang section na napakaraming sikreto. Sikreto na maaaring pumatay sa'yo.