Chapter 6 : Innocents' Death

703 17 4
                                    

JherryMae's POV

Buong araw hindi na namin nakita si Ma'am Lailani. Hayy. Ano bang nangyayari?

Uwian na pero nandito parin kami ni Claire sa Room. Sabi kasi nila kami na daw maglinis ng room.

Hayy. Ayos lang naman samin ni Claire dahil may mga gagawin daw sila e wala naman kaming gagawin e.

"Claire, sa tingin mo sino ang pumatay kay Marco pati kay Lara?" Tanong ko sa kanya. Napaisip naman sya dahil nakita kong napatingin pa sya sa kisame.

"Wala akong ideya kung sino ang gumawa nun kay Marco pero kay Lara? Baka si Irene." Sagot niya sa tanong ko.

Imposible. Hindi magagawa ni Irene yun.

Magtatanong sana ako nang biglang may pumasok sa room.

Bumalik sila?

"Oh? May nakalimutan ba kayo?" tanong ni Claire.

"Anong pakialam mo?" mataray niyang tanong kay Claire.

Masama talaga ugali niya kahit kanino.

"May nakalimutan lang kaming ligpitin." Makahulugang sagot naman ng kasama niya.

Bumilis ang tibok ng puso ko nang makita ang pagngisi niya. Ngayon ko lang sya nakitang ngumisi ng ganyan.

Kinakabahan ako, alam kong may mangyayaring masama lalo na nang mapansin ko ang dalawa pang tao sa labas ng room at naghahasa ng l-lagare.

"Aalis na k-kami n-ni Claire" sabi ko sabay hila kay Claire pero pagdating namin sa pintuan hinarangan agad kami ng dalawang taong nakita kong naghahasa ng lagare kanina.

Napaatras ako sa gulat nang nakita kong may hawak rin pala ang kasama niya na lagare.

Pero maling hakbang ata ang ginawa namin dahil sa pagatras namin ay ang paghampas naman ng mga babaeng unang dumating ng Vase sa ulo ko at ulo ni Claire.

Bago ako mawalan ng malay ay narinig ko pang binanggit ni Claire ang pangalan ng taong hindi namin inakala na masama pala ang ugali.

Hindi ko rin inakala na magagawa niya to. Na magagawa nila to.

****
Claire's POV

Nagising ako nang marinig ko ang malakas na sigaw at pagiyak ni JherryMae.

"T-tama na! Ahhhhh. " Nakita ko kung paano nila hiwain ang kanang paa ni JherryMae gamit ang lagaring bakal.

"Gising ka na pala." Sabi ng babaeng prenteng nakaupo at umiinom ng kung ano.

Tiningnan ko sila isa isa, bakas sa mukha nila ang saya sa ginagawa nila.

Paano sila nagiging masaya na makita ang kasawian ng iba?

S-silang apat ang pumapatay?

"Wala kaming ginawang masama sainyo! Pakawalan niyo na kami!" tuloy tuloy na ang pag'agos ng luha ko nang marinig ko ang malakas nilang pagtawa---mala demonyong tawa.

Tinitigan ko sila isa-isa. Sila rin kaya ang gumawa kay Marco nun? Pati nung kay Lara?

"Tapos na ako sa isang 'to." napalingon ako kay Jherry Mae at napahagulhol ako.

Nakita ko ang mga mata ni Jherry Mae na gumugulong sa paanan ko. Nakita ko rin ang mga paa niyang pinaglalaruan ng mga hayop na to.

Mga hayop sila. Demonyo.

IX-Einstein : The Pilot SectionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon