Chapter 37: Truth Unveils?

20 2 0
                                    

Jhona's POV

Ilang linggo pa lang ako sa pilot section pero grabe na yung tuwa ko.

Gustong gusto ko yung atensyon na natatanggap ko, yung pag-galang at kung paano maging mailap sakin ang ibang mga estudyante rito.

Pero ang mas ikinatutuwa ko ay ang malaman na totoo ngang may kakaibang nangyayari sa section na ito.

Kahapon, napakadaming nangyari.

Una, dumating si Jeizzelle na mukhang tao na ulit at hindi na weird o mukhang nasisiraan ng bait, wala na rin yung itim na pusang tinatawag niyang Justine.

Kung iisipin, may Justine rin silang kaklase noong nakaraang taon pero namatay raw ito sa isang aksidente.

Pangalawa, noong hindi pa ako estudyante ng pilot section ay nabalitaan kong umalis na rin ng school si Rosella pero kahapon, bumalik ito kasama ni Jeizzelle at ang trato ng lahat sa kanya ay parang isang taong muling nabuhay.

Yung babaeng yun, ang init talaga ng dugo ko sa kanya kaya hindi ako masaya na bumalik pa sya.

Sa tuwing magtatanong ako sa iba wala naman sumasagot sa kung ano ba talagang nangyari o nangyayari.

Pero lahat ng katanungan ko ay nasagot nang makareceive rin ako ng mms tulad ng lahat ng iba pang taga pilot section, isang litrato.

Litrato ni Ella na nasa ilalim ng puno at naliligo ito sa dugo, hindi malinaw sa litrato kung saan nanggaling ang dugo pero mukhang wala na itong buhay.

Napaka weird but it makes sense.

Sa tingin ko, hindi talaga nagddrop out o nagttransfer ang mga estudyante ng pilot section kundi may pumapatay sa kanila.

Ngayon naglalakad na ako papunta sa classroom para sa isang importanteng meeting daw para na rin sa pageant at sa picture na nareceive namin kahapon.

Malapit na ako sa classroom nang makita ko si Arjay na nakasandal sa may pintuan at mukhang walang balak pumasok.

"Anong ginagawa mo dyan? Bakit hindi ka pumasok?" Lumapit ako sa kanya at nagtanong.

Hindi sya sumagot kaya tumingin ako pero nakasara naman ang pinto.

"Tama nga ang sinabi sakin ni Mr. Carswell, may nagaganap na kakaiba sa section na ito." Sabi niya.

Nakapag-usap sila ni Sir. Reine?

"Pumasok na nga tayo." Sabi ko at hinila siya papasok ng classroom.

Pagpasok namin ay ang tahimik ng lahat.

Si Coleen ay umiiyak at ganon din si Kristal at Denia. Mga kaibigan nga pala nila si Ella, kung ganon, totoo ngang patay na sya.

Halos kumpleto na ang lahat, ang wala na lang ay si Joyce, si Rosella, Jeizzelle, Quen at Karl.

"Pukingina hindi na matapos tapos ang patayan na ito." Sabi ni Patrick.

Ibig sabihin, ilang beses na nga itong nangyari.

Nagulat ang lahat ng pagalit na tumayo si Patrick at sinipa ang mga upuan habang lumalapit kay Jazcha.

Mukhang nagulat ang lahat pati ako, anong nangyayari?

Kinwelyuhan niya ito, pilit na itinayo mula sa pagkakaupo at itinaas.

"Sino ba kayo ha ano bang ginagawa niyo bakit niyo ito ginagawa!" sabi niya habang hawak pa rin sa kwelyo si Jazcha at para na itong nasasakal ngunit hindi pa rin natitinag si Patrick.

IX-Einstein : The Pilot SectionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon