Chapter 20 : Enemies are Closer

229 7 1
                                    

"If you think you're safe. You should think again."
-

Rosella's POV

Huminga muna ako nang malalim bago tuluyang pumasok sa main school gate.

2 weeks. 2 weeks na rin simula nung mangyari ang larong yun. Larong muntik pang kumitil sa buhay ko.

Isang linggo na rin simula nung magising ako. Isang linggo na akong may malay, pero di ko alam kung ano na bang nangyayari sa klase namin.

Si Karl, Camille, Kuya Dan at Joyce ang madalas bumisita sakin sa ospital pero wala naman silang binabanggit.

Tuwing magtatanong ako, iniiba nila yung usapan. Hayy.

Pagpasok ko ng gate. Sobra akong nanibago.

Kung dati, papasok pa lang ako, halos lahat sila babati na sakin at ngingiti pero ngayon parang wala silang nakikita. Parang hindi nila ako kilala.

Hindi naman sa gusto ko ng atensyon, ayoko nga nun sa totoo lang. Pero nakakapanibago lang. Sigurado akong may nangyari at merong mali.

Tumakbo ako papunta sa pilot's building.

Napahinto ako sa nakita ko. Napakatahimik ng buong klase kahit wala namang teacher.

Ngumiti ako nang malapad at pumasok sa classroom.

"Hi, Guys!" Nanlaki ang mata nila at nagtakbuhan palapit sakin sa pangunguna ni Joyce, ang Queen Bee.

"Pumasok ka na? Ok ka na ba? Mamaya may masakit pa sayo?" Nagaalalang tanong ni Karl. Napangiti ako.

"Ayos na ako."

Pinalibutan nila ako nung nagsiupo kami.

"Bakit parang andaming wala?" Ang unti kasi namin e. Nasa 20 na lang kami.

Wala naman sumagot sa tanong ko kaya tiningnan ko na lang yung paligid at nagulat ako sa nakita ko.

Si Patrick may dalang bulaklak at binigay kay Kristal. Teka, hiwalay na ba sila ni Andrea?

"Nasan si Andrea? Hiwalay na ba sila ni Patrick kaya sya absent ngayon? Anong meron kay Patrick at Kristal?" Nagulat sila. Hindi ko alam kung dahil ba sunod-sunod yung tanong ko o dahil mismo sa mga tanong ko.

Napatingin sila sa direksyon na tinitingnan ko at sa wakas, nagsalita na rin si Camille.

"Tss. Kailangan na nating sabihin sa kanya." Napakunot ang noo ko dahil dun.

"Anong meron? Anong sasabihin sakin?" Tumingin ako kay Camille. "Myloves?"

Huminga siya nang malalim.

"W-wala n-na si Andrea." Natigilan ako dahil sa sinabi niya.

"Paano nangyari yun? At Bakit ngayon niyo lang sinabi?"

"Hindi namin alam kung paano nangyari. Basta nakita na lang siya sa isang bakanteng lote at may malalim na saksak sa likod. Naubusan siya ng dugo." Pagpapaliwanag ni Joyce.

"Hindi namin agad sinabi sayo dahil sabi ni tito bawal ka daw mastress." Dugtong ni Camille.

"S-sino pa?" Tiningnan nila ako na parang di nila ako naintindihan. "Sino pa yung mga namatay? Sino pa?"

"Si R-Rhona, nakita siya sa chapel pagtapos nung game. Binugbog sya gamit ang isang matigas na bagay. Si Jude, Mc Glenn at Jhon Paul, natagpuan sila sa HE Room, puno ng hiwa ang mga katawan nila. May mga naiwan pang blade na nakatusok sa mukha nila." Saad ni Dan

IX-Einstein : The Pilot SectionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon