Chapter 11 : It's getting worse.

537 11 3
                                    

Robert's POV

"Sorry, Robert." Nung narinig ko yang sinabi ni Bench. Nagsimula nang tumibok nang napakabilis ang puso ko.

Parusa ko ba to dahil madalas naming binubully si Alysson? Hayy. Mariin kong pinikit ang mga mata ko nararamdaman ko ang panginginig ng buong katawan ko. Naririnig ko rin ang pagsigaw nila sa labas at pinipilit nilang buksan yung pinto.

Mga tatlong minuto na akong nakapikit at naghihintay na makaramdam ng pagsaksak sa katawan ko pero wala akong naramdaman at tanging isang pagsigaw lang ang narinig ko...mula kay Bench.

Idinilat ko ang mga mata ko at kasabay nun ang malakas na pagputok ng isang baril at pagbukas ng pinto.

"B-Bench." Tawag ni Rosella. A-akala ko sasaksakin ako ni Bench pero sinaksak niya ang sarili niya. Napasigaw sya marahil sa sakit.

Tiningnan ko sya. Nakasaksak pa ang kutsilyo sa dibdib niya.

May pumatak na mga luha sa mga mata ko.

"Bench!" Lumapit ako sakanya. Nakahiga na sya sa sahig at marami na ang dugo ang nawawala sakanya.

"S-Sor..ry Ro...bert. Di... ko na.. ma..g-ga..ga.wa y-yung mga bi..lin m-mo. I-ikaw na..lang.. ang gumawa." Nahihirapan na syang magsalita pero pinipilit parin niya.

Tumabi sakin si Rosella at umiyak nang umiyak.

"Hindi Bench. Hindi ka mamamatay. Wag ka na magsalita. Wag kang pipikit ha? Tatawag tayo ng tulong." Umiiling iling na sabi ni Rosella. Lumingon siya kay Karl mukhang gusto niya itong utusan tumawag ng tulong.

"H-hindi na Rose." Ngumiti si Bench. Umuubo na sya ng dugo. Binaling niyang muli yung mga tingin niya sakin. "A-alagaan m-mo ang m-mga ka...kla..se na..tin, bert."

"Sino ang gumawa nito Bench? Sino ang pumapatay? Sino ang nagdala sainyo rito?" Sunod-sunod na tanong ni Ashley.

Ashley. Halata sa mga mata niyang nagaalala sya pero napakalamig parin ng boses niya. Tumingin siya sakin. Nagtama ang mga mata namin pero sa pagtama nito, muling bumalik ang mga mata niyang kasing lamig ng yelo.

"S-Si.. Si.." Binalik ko ang tingin ko kay Bench nang magsalita siya pero hindi niya na natapos ito dahil tumunog muli ang speaker kaya nabaling ang atensyon namin doon.

"Hahaha. Bayani ka pala Bench. Di ko akalaing ibubuwis mo ang buhay mo para kay Robe--" Natigil naman ang pagsasalita ng babaeng yun nang barilin ni Alex ang speaker.

Bakit naman may baril tong lalakeng to? Saan niya naman nakuha yan?

"Oh my gosh! Benccchh!" Nagulat kami ng sumigaw si Rosella. Lahat kami napatingin kay Bench.

Wala na si B-Bench. Wala na siyang buhay. Badtrip! Di ko narin na pigilan ang pagpatak ng mga luha ko. Utang ko kay Bench ang buhay ko.

Salamat, Bench.

Inalalayan ni Karl na makatayo si Rosella na patuloy parin sa pagiyak.

Si Alex naman, umikot sa kwarto at mukhang sinusuri rin ang mga patalim sa mesa.

"Tanga ka talaga, Reid." Ashley. Napangiti ako nang marinig ko ang napakalamig na boses ni Ashley. Parang kanina lang sobrang nagaalala to ngayon balik sa pagiging masungit.

Tumayo ako agad at niyakap siya. Niyakap nang mahigpit.

"Fvck! I...I can't breathe." Napaalis naman ako ng yakap sakanya.

"Hehe. Sorry. Nagalala ka ba?" Napakamot na lang ako sa batok ko nang inirapan niya lang ako. Gusto kong tumawa pero...

Napatingin ako sa bangkay ni Bench. Hindi ko kayang tumawa nang totoo kung may isang tao ang nagbuwis ng buhay para sakin.

IX-Einstein : The Pilot SectionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon