Rosella's POV
"Welcome back, Rose." mukhang narealize na nga ni Joyce na buhay ako.
Humarap ulit ako sa mga kaklase ko, tumingin ako sa kanya.
"Masaya akong makita kayong muli." Pagngiti ko. Tumingin muli ako sa kanya.
Ella.
Kitang-kita ang pagtataka niya, ang nabubuhay na galit sa mga mata niya.
Nginitian ko sya at kumindat pa ako.
Gusto niyong makipaglaro, hindi ba? Edi makikipaglaro ako.
"R-Rosella!!" Nawala sa atensyon ko si Ella nang makita ko ang biglaang pagtayo ni Camille at pabirong sinuntok ang balikat ko.
Ramdam ko ang kirot nung tumama ito malapit sa sugat ko na malapit na rin namang humilom.
Isang buwan. Halos isang buwan na akong hindi nakapasok sa classroom na ito. Halos isang buwan na rin mula noong makita ko sila.
Ang bestfriend ko.
"AKALA NAMIN PATAY KA NA. HAYOP KA TALAGA. FEELING HERO KA LAGI. BWISIT KA! BAKIT KA PUMUNTA SA BAKANTENG LOTE NANG MAG-ISA. BAKIT KA NAGPABARIL, GAGA KA TALAGA. NAKAKAINIS KA!!" sunod-sunod na sabi ni Camille habang hawak ako sa mga kamay at mukhang naiiyak pa.
Hindi. Tuluyan na syang lumuha.
"Miloves. Sorry." Sabi ko habang nakatingin sa kanya. Naiiyak na rin ako tae.
"Sorry sorry ka dyan. Bwisit ka talaga...Di ka nag-iisip." At humagulhol na nga sya habang nakahawak pa rin sa mga kamay ko.
Ang saya ko, nakabalik na ako. Namiss ko si Camille. Namiss ko pumasok sa school, sa impyernong paaralan na ito.
Isa isa na ring lumabas ang mga hikbi ni Camille.
Naiyak na rin talaga ako ako kaya naman yumakap na ako sa kanya.
Napatingin ako sa iba. Isa isa na rin silang lumapit sakin.
Lahat sila lumapit at pinalibutan na ako, napansin ko pang lumayo nang kaunti si Jeizzelle para magbigay ng espasyo.
Lahat kinukumusta ako, maliban sa kanya.
Hindi ko alam kung bakit nakita ko rito si Arjay at Jhona pero mamaya na lang siguro ako magtatanong.
Nang matapos akong kumustahin ni Kristal at Coleen, lumapit naman sila kay Jeizzelle ngunit pati si Ella kasama nila, hindi na niya ako kinausap at sumabay sa paglapit nila Coleen kay Jeizzelle.
Bago pa sya tumalikod para lumakad palapit kay Jeizzelle ay nakita ko pa syang napakuyom ng kamao at sinamaan ako ng tingin.
Akala mo ba natatakot pa ako?
Ilang beses na akong nakaligtas kay kamatayan kaya bakit pa ako matatakot?
Huling lumapit sakin si Dan habang si Alex at Quencie ay hindi man lang gumalaw sa kinauupuan nila.
Natawa ako bigla, wala atang balak lumapit sakin ang dalawang to kahit pang acting man lang, na nasurprise sila sa pagbabalik ko.
"Akala ko hindi na kita makikita. Sa akin pa unang sinend ang video ng pagkakabaril sayo." Napatingin ako kay Dan nang hawakan niya ko sa may balikat.
"Ayan. Mag-usap muna kayo. Sobrang namiss ka nyan." Sabi pa ni Camille na may halong pang aasar sa boses niya. Lumakad din sya papunta kay Jeizzelle na pinalilibutan na rin ng iilan.
BINABASA MO ANG
IX-Einstein : The Pilot Section
Mystery / ThrillerThe Section You Will Never Forget... Ito ang section na napakaraming sikreto. Sikreto na maaaring pumatay sa'yo.