Chapter 25 : To play, To kill or To be Killed

293 8 1
                                    

"You have to learn the rules of the game. And then you have to play better than anyone else."
- Albert Einstein

-

Ella's POV

Kasama kong naglalakad si Coleen papuntang Clinic para puntahan si Patrick.

Nakasalubong namin kanina si Kristal na papuntang pharmacy para bumili ng bandage at cream.

"Yuck. I really don't want the smell of the blood." Maarte na sabi ni Coleen.

Natawa na lang ako, at saka binuksan ang pinto ng clinic.

Natigilan kami nang makita naming hindi lang pala si Patrick ang nasa loob.

"Joyce." Tawag ko sa babaeng nakayuko sa isang kama. Iniangat niya ang ulo niya mula sa pagkakayuko.

Nagulat ako dahil kitang kita ko ang pag agos ng luha mula sa mga mata niya. Magang-maga na nga ito at pulang pula pa.

Ngayon ko lang din napansin na si Angelo---yung boyfriend niya ang nakahiga sa kamang nasa harap niya.

"You look so pathetic and miserable. Queen bee ka ba talaga?" Masungit na saad ni Coleen. Tumingin lang nang blanko si Joyce kay Coleen at binaling muli ang atensyon niya kay Angelo. Napailing na lang ako.

"Mahal na mahal ko siya. Sobra. Hindi ko kakayanin kung mawawala siya sa akin." Wala sa sariling saad ni Joyce. Tuloy tuloy na ang pag-agos ng mga luha mula sa mga mata niya.

"Bakit hindi mo siya dinala sa ospital?" Nagtatakang tanong ko. Tumingin siya sakin at dahan dahang umiling. Tumulo yung mga luha niya.

"Naisip ko na din yan. But.. I-I Cant, Hindi maiiwasang itanong nila kung bat nagkaganto si Angelo at bakit may nakasulat sa braso niya and eventually, malalaman nilang may ganong booth sa school na 'to. Hindi lang tayo ang mapapahamak kundi ang buong school. Hindi normal para sa isang paaralan lalo na kung catholic school pa na magkaroon ng ganyang klaseng booth." Napatango na lang ako sa sinabi niya.

Napatingin rin ako sa braso ni Angelo. At napansin kong may nakasulat dito, 'Im a killer.'

Tumingin muli ako kay Joyce at pilit na ngumiti. Nginitian niya din ako pero hindi umabot sa mga mata niya ang saya.

Talagang iniisip niya ang mga consequences kung dinala niya si Angelo sa ospital.

I smiled.

She always thinks before she acts.

"Bakit naman kasi pumasok yan sa killing booth?" Biglaang tanong ni Coleen.

Umiling si Joyce at napayuko.

"Hindi ko alam. Pinagsabihan ko na siya na wag papasok sa booth na yun."

Kung pinagsabihan na pala siya ni Joyce, bakit ba pumasok pa sya?

"Alam ko kung bakit." Sabay sabay kaming napalingon sa pinto nang marinig namin na may nagsalita.

Si Kristal, na mukhang nabili na ang mga gamot na pinabibili sa kanya.

Lumapit siya sa mesa at inilapag ang hawak niyang plastic.

"Mukhang napilitan lang sila. Sa tingin niyo, sino ang papasok sa booth natin at papayag na maglaro nun nang walang dahilan?" Huminga siya nang malalim at nagpatuloy sa pagsasalita. "May mga piling mag-aaral lang na binigyan ng sulat. Sulat na mula sa nakatataas."

May dinukot si Kristal mula sa bulsa niya at inabot ito kay Joyce.

Isang pulang papel.

Muli na namang tumulo ang mga luha mula sa mata ni Joyce at nabitawan ang pulang papel.

IX-Einstein : The Pilot SectionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon