"There are some secrets that meant to be untold."
-Ashley's POV
Napatakbo kami sa box na hawak ni Joyce nang makita namin na bukas na ito.
"Oh gosh!" Napasigaw si Rachelle nang makita ang laman nito.
Lahat kami na nasa classroom ay nakapaligid na sa box na hawak ni Joyce.
Ano ang laman nito? Mga litrato ng mga namatay naming kaklase.
Litrato ni Marco na nakaupo sa upuan at may hiwa sa tiyan.
Picture ni Jherry Mae na sumisigaw habang nilalagari ang mga paa niya. Pero di kita ang mga mukha ng mga naglalagare sa paa niya, dalawa sila.
Picture din ni Claire na tinutuluan siya ng kandila.
At ito ang bago lang, Picture ni Dick Patrick habang kinukuha mula sa ulo niya ang utak niya.
At hindi lang yun, ang puso ni Dick Patrick, nandun din.
Nagtakbuhan ang iba kong kaklase sa labas at basurahan mukhang nasusuka na ata sila.
May nakaagaw naman ng atensyon ko, mga pulang papel tulad ng nakita ni Rosella sa box na bigay kay Ma'am Dela Croix at nung natagpuan namin ang bangkay ni Jherry Mae at Claire.
Kukunin ko na sana to kaso napaatras ako. Ayokong makialam. Tumalikod na lang ako at umupo sa upuan ko.
"Yuck! Yuck! Kadiri kadiri!" Tumabi naman sakin si Robert habang sinasabi yun.
"Nakita mo ba yun, Ashley? Nakakadiri diba? Andun pala yung puso niya. Eww." Nakakunot na sabi niya at bakas sa mukha niya ang pandidiri.
"Hahaha. Ang arte." Natawa ako sa kanya, ang bakla naman neto.
Nanlaki ang mga mata niya kaya napahinto ako sa pagtawa.
"Bakit?" Tanong ko. May sayad ata tong lalaking to e.
"T-tumawa k-ka. Napatawa ko si Ashley Ortega! Aba! Iba na talaga ang karisma ko." Inirapan ko lang sya at sya naman ngayon ang tumatawa.
Napatingin naman ako kay Rosella, Karl, Jazcha, Joyce, Alysson at Alex. Sila na lang ang natira na tumingin sa iba pang laman ng box. Ang iba kasi nagsusuka na, ang iba umiiyak at ang iba walang pakialam--tulad ko.
"Halika na nga! Halata naman na gusto mong tumulong sa kanila e!" Nagulat ako nang hilain ako ni Robert palapit kela Karl.
"Ayoko nga sabing mangialam e." Sabi ko sa kaniya pero huli na dahil nandito na ako sa harap ng box.
Nilagay niya ang kamay niya sa balikat ko.
"Canteen lang ako, gutom na ako e." Paalam ni Robert at umalis na.
Napatingin naman ako sa mga papel na nakalapag sa table.
"Tae! Ano ba yan?! Sino ba ang tinutukoy nyan!" Frustrated na tanong ni Joyce.
May pitong papel at sa bawat papel may mga descriptions.
"Betrayed by her own twin." sabi ni Karl, yun ang nakasulat sa unang pulang papel.
"She lost her twin." Banggit naman ni Rosella sa hawak niya.
"Revenge for their parents." Sabi naman ni Alex na may hawak ring papel.
"Kill the one who kills." May diin naman sa pagkakabigkas ni Alysson sa mga katagang yun.
"She was forced." Banggit naman ni Jazcha habang titig na titig sa pulang papel na hawak niya. May takot sa boses niya.
BINABASA MO ANG
IX-Einstein : The Pilot Section
Mystery / ThrillerThe Section You Will Never Forget... Ito ang section na napakaraming sikreto. Sikreto na maaaring pumatay sa'yo.