Ashley's POV
"Ashley, dali na. Please? Please? Magseselfie lang naman ako." Napatigil ako sa paglalakad at hinarap si Robert.
Robert Reid, isa sa mga Campus King. Paano kaya to nasama dun?
"Pwede bang lubayan mo ko?" Deretsyo kong sinabi sakanya.
Mabilis na nalinis ang room namin. At ang mga bangkay? Ewan ko kung nasan na ang mga yun. Baka nailibing na nila sa kung saan.
Balik sa dati ang lahat, parang walang nangyari.
"Ahm. Ashley, sabay tayo lunch mamaya ah!" Sigaw ni Robert ng makapasok si Ma'am Lailani Dela Croix.
Inirapan ko lang sya. At bakit naman ako sasabay sakanya?
Narinig ko ang pagtawa niya nang mairapan ko sya. Abnormal.
Nagcheck na ng attendance si Ma'am Dela Croix.
"Oh. Absent ba si Jherry Mae at Claire? " nagkatinginan ang mga kaklase ko. Hindi nila alam ang isasagot nila.
Bihira naman kasi sa Einstein ang umabsent lalo na kung walang dahilan.
"Ah. Ma'am, sabi po ng mga magulang nila. Hindi pa daw po umuuwi sa kanila simula kagabi." Si Glenn ang nagsalita. Isa sya sa mga hindi pumasok nang maaga kanina kaya mukang wala syang alam sa pagkamatay ni Jherry Mae at Claire.
Wala rin sana akong balak na pumasok ng maaga at sundin ang inutos ni Joyce kaso bigla akong kinutuban at tama nga ang kutob ko.
Flashbacks
Nagtitimpla ako ng kape ng tumunog ang cellphone ko at nasagi ko ang tasa na pinagtitimplahan ko. Bago ko nilinis binasa ko muna ang text na nanggulat sakin.
'Einsteins, kailangan niyo nang pumasok. NOW!' ----Joyce
Ano na namang kaabnormalan ang naisip ng babaeng to? Bakit kailangan pumasok nang maaga? Tsk. Nakakatamad.
Tinatamad ako pumasok nang maaga.
Bigla kong naalala na nabasag ko nga pala yung tasa.
Kumuha ako ng walis at dustpan at winalis yung mga bubog na nagkalat sa sahig.
Habang winawalis ko to, narinig ko ang pagring ng landline dito sa bahay.
Sinagot ko naman yun.
(Hello) bati ng nasa kabilang linya.
"Oh?" Sagot ko. Natural na sakin ang sumagot ng ganyan.
Hindi ko rin nakilala yug boses.
(Kaklase ka ng anak kong si Jherry Mae hindi ba?) So, nanay pala to ng kaklase ko.
"Ah. Oo. Bakit?"
(Hindi pa kasi umuuwi yung batang yun e. ) Pagkasabing pagkasabi niya yan biglang bilis ang tibok ng puso ko. Bigla ako kinabahan.
Pinutol ko na ang paguusap namin at naghanda na papuntang school.
Pagbaba ko ng sasakyan sa mismong tapat ng gate ay nakita ko rin ang pagbaba ni Rosella at Karl sa kanya kanya nilang sasakyan.
Sabay sabay na kaming pumasok sa gate nang biglang magsalita si Rosella.
" Ano kayang meron? Bakit kaya tayo pinapasok nang maaga ni Joyce?" Tanong niya. May naiisip na akong dahilan pero hindi ko alam kung tama.
BINABASA MO ANG
IX-Einstein : The Pilot Section
Mystery / ThrillerThe Section You Will Never Forget... Ito ang section na napakaraming sikreto. Sikreto na maaaring pumatay sa'yo.