KABANATA 10

42 8 8
                                        

Paula

Napailing ako sa kinatatayuan ko. Nakatayo ako at pinanonood ang SB19 sa rehearsal nila.

After nilang mag-rehearse kaniya-kaniyang hawak sila sa phone nila. Ganito sila simula nang unang araw na nadito ako. Addict yata sa phone.

"Miss Denise, maupo po kayo," alok sa akin ni Tine sa isang upuan. Kinuha ko iyon at naupo.

Ngayon i-re-release ang latest song ng boys. Hanggang ngayon hindi pa rin ako bilib sa kanila. To see is to believe. I need proof.

Nakita ko si Tine na nag-update sa social media. Isa sa napansin ko ay marami silang supporters. Bukod sa active ang nga ito, todo ang pinapakita nilang suporta sa boys.

Tumayo ako at kinuha ang atensyon nila. Lahat naman sila ay lumapit sa akin. Naupo sila sa sahig at naghintay ng sasabihin ko.

"Ngayon ang set date ng release ng new song ng SB19. I'm not sure kung may naka-set ng goals para ro'n. But, I want a million views within 24 hours," confident kong sabi.

"Tingin mo gano'n kadali 'yon? 1 million views? isang araw?" reklamo ni Pau.

Expected ko naman na mangangatuwiran siya. Siya 'yong tipo ng tao na hindi mananahimik sa isang tabi at sasang-ayon agad sa sinabi ng isnag tao.

Inayos ko ang manggas ng t-shirt ko. Namulsa ako at hinarap sita. "Bakit, impossible ba? Sky is never the limit, isn't?"

He smirked. Damn him! Bakit ang guwapo niya?

"Sky is never the limit, but there is perfect timing. Hindi dahil gusto mo kailangan mangyari na agad. Hindi lahat ng gusto mo tama," seryoso niyang sabi.

Sinalubong ko ang titig niya. Medyo nanginig ang tuhod ko pero hindi ako nagpahanalata. "So when is the perfect timing?" hamon ko sa kaniya.

"Ah, Miss Kim, Pau, chill lang kayo. Subukan natin. Malay mo naman," awat sa amin ni Ate Rose. Alanganin ang ngiti niya.

Inikot ko ang paningin ko at lahat halos ay nagpapalitan ng tingin sa amin ni Pau.

"Minsan kailangan mong maghintay. Hindi 'yong 'pag nainip ka, hahanap ka agad ng option," dagdag pa niya.

"Teka, views pa ba ang pinag-uusapan natin? May hindi kami alam?" pagbibiro ni Stell.

"Of course!" Ako.

"Siyempre!" Pau.

"Don't you trust your group mates, your team and your supporters, Pau?" tanong ko sa kaniya habang nakangisi.

Ginantihan niya ko ng ngiti, lumabas ang ngipin niyang naka-braces. "Ano naman alam mo sa salitang trust, Miss Denise?" pagdiin niya sa pangalan ko.

Ano bang problema nito? Ano bang ginawa ko sa siraulong 'to?

"You know what? Sometimes, we shouldn't rely on what we think is right. Kasi baka mamaya mali ang alam natin sa mga bagay-bagay," sabi ko bago humalukipkip.

"You should have said that to yourself, Miss Denise," buwelta niya.

"Ops! Tama na. Dumudugo na ilong ko," sabi ni Jah.

Nagtinginan muna kami ni Pau bago siya umayos ng upo at yumuko na lang.

Nagpatuloy ako. "Like what I've said, I want a million views within 24 hours. If it's not possible, we should make it possible. This is your comeback song, so dito nakasalalay kung madagdagan ang supporters niyo. Besides, matagal kayong nawala kaya malamang may umalis na kayong fans."

"Gano'n naman. 'Pag wala nang tiwala sa 'yo, iiwan ka na lang," sabi pa ni Pau.

Siniko siya ni  Josh. Hindi ko na lang siya pinansin. Inisip ko na lang na baka may pinagdadaanan siya.

"Sa Korean industry mababa pa nga 'yang one million," dagdag ko pa.

"We're not Korean at wala ka sa Korea," sabi ulit ni Pau.

Napapikit na lang ako. Pinakalma ko ang sarili ko gamit ang pagpiga ng palad ko. Baka masapak ko pa 'tong isang ito.

"Yeah. But, let's use them as our standard. Kailangan nating lumagpas sa nakasanayan. You want world domination, right? Let's work to that. Ang pangarap hindi lang sinasabi, ikinikilos din," confident kong sabi bago ko bumaling kay Tine.

"How's A'tin?"

"Ayos naman, Ate. Excited sila, saka may posted na goals na rin ang fan bases natin," paliwanag nito.

Bumaling ako kay Tin. "May mga press na ba tayong na-attract? May articles na?"

May pinindot ito sa phone niya. "May articles na po from different stations at tabloids. Antabay na rin ang tatlong brands ng endorsement nila oara sa suporta sa comeback song."

"Good. Kailangan na lang natin maghintay," sabi ko. Naupo ako sa kinauupuan ko kanina. Wala kaming choice kung hindi hintayin ang seven PM para sa posting ng official music video para makita ang reaksyon ng mga tao.

After several hours, posting na. Nagiingay na ang A'tin sa social media. May nag-iingay na rin sa live chat sa YouTube.

Nagsitaasan ang balahibo ko nang mapanood ang music video nila.

Is this really made by Filipinos? Ang galing!

Pinaulit-ulit kong panoorin ang MV hanggang sa mag-init ang phone ko.

I must say they are really good in this craft. Halos kasing galing o mas magaling pa sila sa ibang talents na nahawakan ko noon.

Ken

Kabado kami sa release ng music video namin. Pero mas kabado kami sa sagutan Miss Denise at Pau. Grabe talaga 'tong si Pau, chona talaga. walang pinili.

Medyo napangiti ako nang makita ang reaksyon ng mga kasama ko. Lahat ng staff kasama si Miss Denise napatulala sa ganda ng MV namin.

Nag-open din ako ng Twitter ko at trending agad. Mas lalo akong natuwa nang mabasa ko ang tweets ng iba't-ibang artists na naggaandahan sa MV namin.

"Luh! Nag-tweet si Ate Jade!" sigaw ni Jah.

Agad kong tiningnan ang Twitter ko. Nag-tweet nga siya. Naka-on kasi ang notifications niya sa akin kaya naman makikita ko agad ang tweets niya.

@jadeanikkaofficial

Grabe! Goosebumps. Ang galing. Congratulations, lodi. See you soon!

@SB19_Official #SB19

5167 Replies    5189 RT    6001 likes

-> @SBJade89
Waaahhhhh 🤧 See you soon daw. Collab na ba this?

@Jade19
May pa-see you soon si Ate Jade. Makikita na niya ang Mahalima. Sana all 🥺

@KenTell_46
Makikita na ba ng SB ang crush nila? Waaaahhhhhhhhh 🤧 Kaninong barko ang lalayag?

@KenSusonOfficial
Thank you, Jaja. See you soonest!

253 Replies   1560 RT    1409 likes

->
@Joken143
Sana all ate.

@SisiwniKen13
Miss Jade, may pila po. Walang artista rito. Joke lang po. Jaken shipper po ako. Support.

@ChicKEN
Uwian na. May nanalo na. May space pa ba sa farm? Aalis muna ko sa poultry 😭🤧

"Hoy! Paraparaan ka," bungad sa akin ni Stell. Hawak nito ang phone niya.

Ngumiti ako. "Masamang mag-thank you? Mag-thank you ka rin."

Ngumuso si Stell. Parang bata talaga 'to. "Ayoko. Baka matalbugan pa kita."

Tumawa ako. Wala naman akong ibig sabihin sa tweet ko. Nag-thank you lang ako. Walang ibig sabihin 'yon.

A/N
Hi! New UD. Kamusta naman kayo nga mare/pare? Lockdown ba sa inyo? Dito hindi. Pero keep safe. Ingat kayo. 😘

P.S. Jade meets SB19 again, mamaya na...
Jade meets Paula, mamaya na rin...
Becca meets SB19, mamaya rin...
Jah meets Amaris, mamaya? hahahaha

HER ESCAPE (SB19 Fan Fiction #2) [COMPLETED]Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon