KABANATA 73

17 3 24
                                    

Jade

Huminga ako ng malalim. Shocks naman. Ang alam ko mag-aalaga lang ako ng bata, hindi naman akalaing magiging ganito ka-awkward 'to.

Tatayo na sana 'ko dahil hindi ako komportable nang saktong naupo si Dan sa tabi ko. "Let's watch na po?"

Lalo akong napadikit kay Ken dahil pilit niyang pinatabi si Josh sa kaniya. Mabuti na lang lumipat sina Jah at Stell ng puwesto habang nagpipigil ng tawa.

Pasimple na lang akong napapikit saka ngumiti. "Yes, baby. What do you wanna watch?"

Nag-isip sandali si Dan saka sumagot. "Hunger Games."

Lahat kami nagulat sa sagot niya. Para sa normal na bata, hindi normal 'yong gusto niyang panoorin.

"Hey, baby. Saan mo nalaman 'yang movie na 'yan? That movie is violent," sabi naman ni Josh habang nakatingin sa kaniya.

"I saw that on Tita Jaydee's laptop. I think that's her favorite. I saw her watching it one time. It's about fighting for what you think is right, and surviving and fighting for the people you love."

Lahat kami natahimik sa sagot niya. Shocks! Normal ba 'tong anak ng Pau-Pau? Parang matanda na kung mag-isip. 

"I think tama ka, baby. Minsan kasi kailangan mong lumaban at ipaglaban 'yong taong mahal mo," sabi ni Jah na nakatawang nakatingin sa amin.

Shocks naman! Bakit kailangang magparinig?

No'ng mga araw na dumistansya 'ko sa mundo, ang dami kong na-realize. I loved the idea of being loved and important. Siguro iyon ang dahilan kung  bakit naguguluhan ako kung kanina ba 'ko kinikilig, bakit bumibilis 'yong tibok ng puso ko, at para kanino na 'ko nasasaktan.

Not until I realized na masyado akong overwhelmed sa mga ipinakita ng mga tao sa paligid ko. Masyado kong nagustuhan 'yong pakiramdam na mahal ng lahat. Shocks! Sino ba naman kasi ang hindi gugustuhin 'yong gano'ng pakiramdam? 

Ayoko mang tanggapin sa sarili ko, pero nasaktan ako dahil disappointed ako. Nasaktan ako dahil umasa at nasanay ako. Nasanay akong ako ang pinakaimportante. Nasanay akong laging priority, kaya no'ng pareho silang nawala, pakiramdam ko nawasak 'yong puso ko.

Sa totoo lang, sobrang confused ako no'ng time na 'yon. Hindi ko alam kung bakit gan'on ang naramdaman ko. But, I know it's normal. Pero dahil nagkaroon ako ng time sa sarili ko, nalinawan ako lalo na sa nararamdaman ko.

Sana lang makalimutan na siya ng puso ko. Hindi kami p'wede.

Shocks! Heto na naman ako. Kailan ba kami naging p'wede? Hindi kami magiging p'wede dahil umpisa pa lang wala naman talagang senyales na p'wede kami.

I was hurt. But, what hurt most is the idea that I was being hurt by the  person who's not sure about his feelings towards me.

Naintindihan ko si Josh. Ginawa niya 'yon for publicity. Pero hindi no'n mababago 'yong katotohanang kahit gutuhin kong siya 'yong piliin ko, sa iba nahulog 'yong puso ko.

He's my bias. He's my crush, my ideal. Pero duling yata si Kupido dahil pinana niya 'yong puso ko para sa maling tao.

"Tita Jaydee?"

Nagbalik ako sa reyalidad nang yugyugin ni Dan 'yong braso ko. May hawak na siyang chips at nakasalang na 'yong palabas sa TV.

Shocks! Ganoon ba ko katagal nawala sa sarili.

Nakit kong tumawa si Jah kaya binalibag ko siya ng unan sa mukha. "Epal ka talaga!"

Biglang napalitan ng gulat ang nakatawa niya kaninang mukha. Napahawak siya sa magkabilang pisngi niya habang nakanganga at nanlalaki ang mga mata. "Totoo ba 'to? Kinakausap mo na ko, Ate Jaja?" sabi niya saka lumapit sa akin at niyakap ako.

Nakangiti akong ginantihan siya ng yakap. Pagkatapos ng nangyari sa resthouse, wala akong kinausap sa kanila bukod kay Stell, Angela at Becca.

Shocks naman! Kailangan ko ng oras para maging okay. Grabe naman kasi 'yon. 

"Makayakap, wagas? Sumbong kita kay Amaris," sabi ko habang ngumiti at humiwalay sa kaniya. 

Bumalik siya sa puwesto niya at tumingin sa akin. "Ayos na kayo?"

Hindi ako nakasagot. Ayos naman kami. Naintindihan ko 'yong ginawa nila. Kaya lang hindi ko rin maintindihan ang sarili ko kung bakit hindi ako nagkalakas ng loob na kausapin siya.

"Sabi ko nga, hindi pa," sabi ni Jah na umayos ng upo at tumutok na lang sa pinanonood.

"You're noisy po," sabi ni Dan kaya tumahimik na lang kami at nanood. May pagka-chona talaga 'tong anak nila. Mana sa kanila pareho.

Nasa kalagitnaan kami ng panonood nang makaramdam ako ng uhaw. I checked my can pero wala ng laman. Shocks! Ang lakas ko pa lang uminom.

Tumayo ako at naglakad papuntang kitchen. Wala namang problema sa kanilang mangialam ako sa kusina, 'wag lang magluto dahil yari ako kay Stell.

Nag-check ako ng laman ng ref nila at kumuha ng p'wedeng inumin. Dinagdadagan ko na rin ang kuha dahil baka nauuhaw na rin 'yong iba.

"Ayos ka na?"

Ngumiti ako. This time hindi na 'ko nahihirapang ngumiti dahil tanggap ko naman na. Hindi ko na kailangang magpanggap na ayos lang ako. Hindi ko na kailangang kumbinsihin 'yong sarili ko na hindi ako nasaktan o nasasaktan. Dahil hanggang may nararamdaman ako para sa kaniya, hindi mawawala 'tong sakit.

Shocks! Ang drama ko. Mawawala rin 'to, hindi man ngayon, pero alam ko, soon.

"Yeah. Ikaw ayos ka lang? Tanggap mo na ba sa sarili mo?"

Napangiti siya. Hindi ko alam kung ako lang ang nakahalata ng feelings niya o alam din niya, ayaw lang niyang tanggapin sa sarili niya.

"Anong pinagsasasabi mo, Jaydee? Desisyon ka?"

Inirapan ko siya. "So hindi mo pa tanggap. Kailan mo aaminin, Vestey? Bilisan mo, baka sagutin na ni Becca 'yong manliligaw niya."

Napangiti ako sa nakita kong itsura niya. Gotcha! Sige, mag-isip ka. Alam ko naman kasing nagtataguan kayo ng feelings.

Nginitian ko siya bago ko siya iniwanan at nagpunta sa sala. Sa totoo lang wala namang manliligaw si bakla. Ayaw na raw niya sa mga lalaki. Sinabi ko lang 'yon para malaman kung ano bang reaksyon ni Tey. Mukhang tama naman ang hinala ko.

Naupo ako sa puwesto ni Stell sa tabi ni Jah. Hindi kasi ako talaga komportable sa set-up namin. Shocks! Nakapa-awkward na katabi ko 'yong taong gusto ko nang burahin sa sistema ko.

"Awkward ba?" bulong ni Jah.

Sinamaan ko siya ng tingin saka ko hinampas sa braso. "Epal ka rin, eh."

Tumawa siya saka sumeryoso pagkatapos ng ilang segundo. "Sorry, Ate Jaja. Akala ko kasi magiging ayos kayo sa plano ko."

Napangiti ako. Inihilig ko 'yong ulo ko sa balikat niya. "Wala naman kayong kasalanan. Kasalanan yata ng tadhana. Pinaglaruan niya 'yong feelings ko."

"Nakapili ka na?" tanong ulit niya sa pagitan ng pagsubo ng chips.

Napahinga 'ko ng malalim. "Kailangan pa bang pumili? Wala na, tapos na."

"Tapos na kasi hindi kayo p'wede ng napili mo?" pang-aasar niya.

Shocks naman! Kailangan ipamukha sa akin? 

"Alam mo, pasmado 'yang bibig mo," sabi ko sa kaniya saka ko siya kinurot sa tagiliran.

"happy 'yan?" pang-aasar naman ni Stell na tumabi na rin sa 'kin. Para kaming sardinas sa sofa dahil maliit lang 'to kumpara sa isa.

"Hindi kami kasali, Tita Jaydee?"

Napalingon kami nang magsalita si Dan. Nakapamaywang na siya at nakatayo habang nakatingin lang sina Josh at Ken sa gawi namin.

Shocks! Bakit naman ganito?




HER ESCAPE (SB19 Fan Fiction #2) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon