Becca
Nakakairita 'tong lalaking 'to. Todo lapit ang peg? Hindi ba siya makahalata na ayoko muna siyang makatabi. Gusto kong lumayo ng mga isang daang metro. Teka, ga'no ba kalayo 'yon?
Nakakirita naman 'tong wire na 'to. Bakit ayaw gumana? Namimili yata ng laptop.
"Tulungan na kasi kita," offer ni Stell.
Tinaasan ko siya ng kilay. Makulit kang nilalang ka. Do'n ka na lang kay Amaris. Magsama kayo.
Ay, gaga! Bakit parang ang bitter ko naman yata?
"Akina na kasi. Tulungan na kita. Ayokong nahihirapan ka, eh," sabi pa niya habang nakangiti sa akin.
Ay! Pa-fall naman pala 'to, eh. Akala mo naman madadaan mo 'ko sa mga pagpapapogi mo?
"Ayos lang," sagot ko.
"Ano ka ba? Tulungan na nga kita," aniya. Sinubukan niyang hawakan ang laptop pero kamay ko ang nahawakan niya.
Hanep naman! Bakit ganon? Si Volta ba ito o si Pikachu? Bakit parang nakuryente ako?
Napahinto rin siya at medyo nawala ang ngiti niya nang magtama ang tingin namin.
Parang nag-slow motion ang paligid. Ano ba 'tong nangyayari sa akin? Naengkanto na yata ako. Ano ba 'yan?
"Bakla, kaya ba today? 2 minutes na lang," tanong ng baklang Jade kaya para kaming nasapian na bigla na lang natauhan.
Mabilis pa sa alas kuwartong binitiwan ko ang pagkakahawak sa laptop at hinayaan na lang siyang ayusin 'yon.
Hindi naman ako sawi dahil naayos naman niya. Pumwesto ako sa tabi ni Amaris na nasa gawi naman ni Jah.
Naupo ako at nagulat nang naupo rin si Stell sa tabi ko.
"May problema ka, Becca?" tanong niya.
Meron ikaw. Masyado kang maharot!
"Wala. Pagod lang," pagdadahilan ko.
Mukha naman siyang kumbinsido dahil ngumiti rin siya bago nag-focus sa screen na nagsisismula nang mag-count down.
Jade
Hawak ko ang dalawang phones ko. Naka-open ang RA ko sa Iphone ko, habang ang stan account ko naman sa android phone na in-endorse ko.
Kinakabahan ako sa totoo lang. Hindi ko sure kung magugustuhan ba ng fans ang vlog ko ngayon.
"Ikaw pala si Project_SB19," bulong ni Josh.
Shocks! Alam na niya 'yong stan account ko.
Tumingin muna ko sa paligid ko bago sumagot sa kaniya. "Shhh ka lang. Secret lang natin, Ssob. Please?"
Ngumiti ito. "Actually, alam ko na noon pa. Hindi ko lang ma-confirm. Ngayon pa lang."
"Pa'no mo nalaman?"
Ngumisi siya."Alam ko lahat."
Tinaasan ko siya ng kilay. Naagaw naman ni Ken ang atensyon ko nang buksan niya ang Nova ko at iabot iyon sa akin.
"Magsisimula na."
Ngumiti ako at nagpasalamat. Saktong kakainin ko nang kuhanin naman ni Pau ang pagkain ko at ipalit ang bowl ng popcorn. "Makaka-U.T.I ka rito. Palit tayo."
Ngumiti na lang ako saka tumango. "Sige, Pau."
Kahit medyo naiilang at kinakabahan ako ay pinilit kong mag-focus sa screen. Paminsan-minsan nag-che-check din ako ng Twitter ko sa parehong phone ko.
BINABASA MO ANG
HER ESCAPE (SB19 Fan Fiction #2) [COMPLETED]
Hayran KurguSa mundong puno ng pagsubok at pagbabakasakali, marami sa atin ang pinipiling tumakas at takbuhan ang mga dapat ay hinaharap. Kasama na yata sa salitang "mabuhay" ang"lumaban", pero kasama rin sa iba ang salitang "takasan". Jaja is one of those who...