KABANATA 18

28 7 44
                                    

Jade

Hindi ko alam kung matutuwa ba 'ko o maiinis nang makita ko ang nabunot kong numbers.

"Wala akong magagawa riyan. Nabunot mo 'yan," natatawang sabi ni Pablo.

"Gusto ko mang makipagpalit sa 'yo ng number, may rules tayo," sabi naman ni Josh.

"Marunong namang magluto si Ken, puwera biro," sabi naman ni Stell sabay tingin kay Ken.

Tumayo si Jah at lumapit sa akin. "Oo, marunong. Sinigang na mukhang sopas ang specialty niya."

Natawa na lang ako kasi agad nag-react si Ken.

"Hoy, gano'n talaga 'yon. Gusto ko nga medyo malapot 'yong sabaw. Walang pakialaman. Kaysa naman sa'yo, tuyot na pancit canton."

Napa-face palm na lang ako. Shocks! Anong mangyayari sa aming tatlo? I guess wala kaming gagawin kung hindi magbangayan.

"Ops! Baka marami pa 'yong bangayan natin kaysa sa pagluluto. Kokopya na lang tayo kina Stell," biro ko sabay tingin kay Stell.

"Hindi p'wede," tutol ni Ate Rose kaya napatingin kami sa kaniya.

"Wala pa kayong ingredients," dagdag pa niya.

"Bibili pa kami?" tanong ni Josh.

Umiling naman si Ate Rose at nagpaliwanag ng mechanics.

"May mga golden envelopes na nagkalat dito sa SB19 house. Bawat envelop may isang cooking ingredient na nakasulat. Kailangan niyo 'yong hanapin. After thirty minutes, lulutuin niyo kung anong ingredients 'yong makikita niyo."

"Pa'no kung walang mahanap? Or pa'no kung toyo lang makuha, sawsawan lang, iinitin?" hirit ni Jah. Natawa naman si Pablo at Stell. Ang cute nilang dalawa.

"Kaya kailangan may mahanap kayo, kasi talo na kayo 'pag wala kayong nakita," dagdag ni Ate Rose.

Lumapit na rin si Ken sa tabi namin ni Jah. Ito na naman 'yong kakaibang presensya niya.

"Kailangan makahanap tayo ng maraming ingredients. Para 'pag wala silang mahanap, mananalo tayo kahit 'di masarap luto natin," sabi ni Ken habang nakangiti. Proud na proud.

In fairness, ang ganda rin niyang ngumiti. Parang si Ssob.

Ay, teka. Bakit ba naikumpara? Barbecue ako, so si Ssob talaga ang maganda ang ngiti. Napailing na lang ako. Hindi ko alam, pero parang kinukumbinsi ko na ang sarili ko. Shocks! This isn't me.

"Agree ako. Kahit hindi masarap ang luto natin, basta agawan na lang natin sila ng ingredients," excited na sagot ni Jah.

"Let's see, then," sabi naman ni Pablo. Narinig niya yata 'yong sinabi ni Jah. Lagot kang bata ka, magiging Chona mode na si Pablo.

"Teka, saan maghahanap?" tanong ko.

Obviously, wala akong alam sa pasikot-sikot sa bahay ng SB. Baka mamaya kung saan ako mapunta, next year na ko makauwi. Okay, OA mo na Jade.

"P'wede lang kayong maghanap sa kitchen, dito sa salas, sa garden saka sa dance studio.  Bawal sa kuwarto o ibang parte ng bahay."

Wow. May garden pala rito. Akala ko hindi sila marunong maghalaman.

"Wait for may signal. Sa ngayon mag-usap muna kayo ng strategy niyo. Bibigyan kayo ng 5 minutes para mag-usap. Tapos thirty minutes para maghanap ng golden envelopes."

"Thank you po, ate," sabi ko kay Ate Rose.

Pumwesto kami sa isang sulok habang sa kabilang sulok naman sina Josh.

HER ESCAPE (SB19 Fan Fiction #2) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon