Amaris
Nakakainis. Bakit ba 'ko gumagayak ngayon? Bakit ba kailangan kong magpauto sa manyak na pugong 'yon? Nakakainis ka, Amaris! Bakit kasi hindi mo maalala 'yong nangyari nang gabing 'yon?
Napahilamos ako nang marinig kong may tumawag sa akin. Teka, four thirty pa lang. Ang aga naman niyang tumawag.
"Hello?" sold kong sabi.
"Grabe, mare! Pagod 'yan?"
Si Angela pala. Ano kayang kailangan nito? Magkausap lang kami kahapon, bakit tumatawag na naman?
"Hindi. Anong kailangan mo?" tanong ko.
Tumawa siya. "Gaga! May itatanong lang ako sa 'yo."
Here we go again. Kung hindi lang kita kaibigan at hindi kita mahal, matagal na kita na-bash. "Ano na naman? Kahapon ka pa tanong nang tanong."
"Anong magandang gift?"
Heto na naman. Napatapik ako sa noo ko. Iba talagang magmahal 'tong isang ito. Sa aming apat nina Jade, Becca at siya, pare-pareho naming alam na iba siyang magmahal.
"Para saan?" tanong ko.
"Comeback gift?"
Ay! Sana all may comeback! "Ang landi mo! Siya ba?" tanong ko.
"Wala namang iba. Sige na. Mag-suggest ka na. Si Jade hindi sumasagot. Busy sa MV shoot."
Ano pa nga bang magagawa ko? Hay. Bakit ba kasi bigay todong magmahal 'tong isang 'to.
Kakaiba talaga ang mga kaibigan ko. Si Jade, nagpaubaya kasi mahal pa 'yong ex, itong si Angela naman marupok at todo bigay.
"Kahit ano, go. Alam mo wala naman sa gift 'yan. Nasa effort at feelings. Kung i-surprise mo na lang kaya? Lahat naman nadadala sa surprise," suhestiyon ko. Sure naman akong effective 'yon. Duh! Ako pa ba?
"Oo nga ano! Ang galing mo talaga, mare. Pero ayos lang ba kung bigyan ko rin siya like bag, gano'n?"
Napairap ako. Bakit nagtanong pa siya kung siya rin ang masusunod?
"Oo p'wede. Sige na, may lakad pa ako," pagpapaalm ko sa kaniya.
"Wow! May date ka? Himala!"
"Inggit ka? Gusto kong sumama? Sige na. Ibababa ko na."
Hindi ko na hinihintay ang sagot niya. For sure hahaba pa 'yong usapan namin. Mag-aayos pa ko. Duh! Kilay at liptint pa lang 'yong nailalagay ko. Although nakabihis naman na 'ko.
Date daw 'yon kaya nagsuot ako ng simple light brown dress na may lining na black sa laylayan. Maganda naman ako kaya ayos na 'yong simple. Baka mamaya maging over-dressed pa 'ko.
Naglagay ako ng cheek tint para naman hindi ako magmukhang putla. Duh! Baka mamaya mas maganda pa sa akin 'yong ka-date ko. Maglalagay pa lang sana ako ng mascara nang may mag-door bell.
Padabog akong tumayo sa sofa at pinuntahan 'yong pinto para tingnan kung sino 'yong hinayupak na istorbo na 'yon.
"Sino ba 'yang istorbo na. . ." Letse! Hindi ko na naituloy ang sasabihin ko nang makita ko kung sino ba 'yong nag-door bell.
Letse! Ang guwapong nilalang.
Nakasuot siya ng brown na pants at puting long sleeves na inilupi hanggang sa siko. Nagmukha siyang gentleman at fashion-ista dahil hindi niya ibinutones ang taas ng dibdib niya. Lalo akong na-amaze nang matitigan ko siya.
Letse! Hindi ko alam na cute pala siya. Kulang yata ang cute dahil guwapo siya. Yes. Ngayon ko lang siya pupurihin. Bukas hindi na.
Braided sa kaliwang side ng buhok niya habang nakaladlad yung sa kanan. Nakasuot din siya ng silver earrings na hindi mo mahahalata kung hindi mo tititigan. Pinaresan niya ito ng silver na kuwintas at black leather watch.
BINABASA MO ANG
HER ESCAPE (SB19 Fan Fiction #2) [COMPLETED]
FanfictionSa mundong puno ng pagsubok at pagbabakasakali, marami sa atin ang pinipiling tumakas at takbuhan ang mga dapat ay hinaharap. Kasama na yata sa salitang "mabuhay" ang"lumaban", pero kasama rin sa iba ang salitang "takasan". Jaja is one of those who...
![HER ESCAPE (SB19 Fan Fiction #2) [COMPLETED]](https://img.wattpad.com/cover/267500863-64-k962660.jpg)