Paula
Ilang araw nang hindi kumpleto ang SB19 dito sa bahay nila. Wala si Ken dahil nasa probinsya pa nila. Si Josh naman laging nasa shooting ng music video ni Jade.
Sana maging maayos ang shooting nila. Sana umayos si Josh kung hindi yari talaga siya sa akin.
Ilang araw na rin akong maagang umuuwi. Nandito kasi si Dan. Ayoko sanang iwanan siya sa condo kasama 'yong ibang tao, pero wala naman akong choice. Bukod sa akin, si Eris lang talaga ang pinagkakatiwalaan kong makasama niya.
Sanay siya sa buhay sa Korea, pero dahil namatay ang lola ni Ken, kailangan nilang umuwi rin dito.
Kung sabagay, plano naman na talaga nilang bumalik, kaya lang after six months pa sana. May tatapusin pa sana sina sa Korea. Pero dahil nga sa nangyari, baka mag-stay na rin sila rito sa Pinas. I think, Dan needs to adjust everything. Walang choice, eh.
Napabuntong hininga ako nang tumunog ang phone ko.
Dan calling. . .
Napairap ako. Speaking of.
"Yes?" sagot ko sa kaniya.
"What time will you be home?"
Nairap ako. Spoiled brat.
"I don't know, sweetie. Look, I'm here at work," pagtitimpi ko.
Simula nang dumating siya sa buhay ko, pakiramdam ko nasa roller coaster na 'ko. Anyway, worth it naman lahat. Isa siya sa reasons why I'm happy.
"Ba home early. I'm bored here."
"Fine. I'll be home. Just wait. I'll be there at six. Do something to kill your boredom. Matulog ka, magbasa, mag-movie marathon, anything," sabi ko bago ko huminga ng malalim.
"Okay. I love you, Pau!"
"I love you."
Napahilamos ako after kong patayin ang tawag. Spoiled brat. Kasalanan talaga 'to ni Eris.
"I love you, huh?"
"Ay I love you!" gulat kong sabi nang may biglang sumulpot na naman sa likuran ko.
"I love you more," sabi niya pa habang nakangisi.
Letse! Ito na naman 'tong kabuteng 'to. Sumulpot na naman.
"Siraulo. Bakit ba uso sa inyo ang manggulat?" reklamo ko.
Seryoso siyang tumingin sa akin. "So that's Dan, isn't he?"
"Ano naman sa'yo?" mataray kong tanong.
"You manage to tell him those three words and it sounds natural and real," seryoso pa rin niyang sabi.
Napairap ako sa kaniya. "Because I meant it."
Lalo siyang sumeryoso. Parang understatement pa nga yata 'yong salitang seryoso. Pakiramdam ko dumilim ang aura niya.
"Then why the hell I'm feeling that you still jmhave feelings for me? Ano 'to, dalawa mo kaming mahal?"
Napalunok ako sa tanong niya. Paano ko ba siya sasagutin? Do I still love him?
Napabuntong hininga ako. "Kailangan ba talaga natin 'tong pag-udapan ulit, Pau?"
Ngumiti siya nang mapait. "Nagsasawa ka nang pag-usapan 'to? Pau, tell me. Don't you love me anymore?"
Naestatwa ako. Hindi ko alam ang isasagot ko. Mahal pa ba kita?
"Pau, it's not what you think. You don't have to ask me that. Hindi na kasi p'wede." Hindi ko alam kung bakit gano'n ang naging sagot ko. Hindi ko rin alam kung bakit hindi ko masagot 'yong tanong niya. It's easy to say I don't love him. Perp bakit hindi ko masabi? Bakit ayaw lumabas no'ng mga 'yon sa bibig ko?
Natigilan ako nang makita ko ang kislap sa mga mata niya. Is he about to cry?
"Natatakot akong papiliin ka. Natatakot akong tanungin ka kung sino ba sa 'ming dalawa. I'm afraid you won't choose me, Pau," malungkot niyang sabi.
"Pau. . ."
"I can feel in your kisses that it's still me. Hindi ko lang ma-gets kung bakit may Dan pa. I can't get why you need to let me feel I'm nothing against him," tuluyan nang nabasag ang boses niya.
F*ck it! Bakit pakiramdam ko dinudurog ang puso ko habang naririnig ko siyang sinsabi 'yon. Paula, mahal mo pa rin yata siya.
"Sunday, 5 PM. Susunduin kita sa condo mo. Just one date, Pau. Let's see what will happen. Just give me this chance. 'Pag ganiyan pa rin ang decision mo, I promise, hahayaan na kita," nakayuko niyang sabi bago ako tinalikuran at iniwang nakatanga.
Bakit ang sakit no'ng huli niyang sinabi? Bakit pakiramdam ko isinusuko na niya 'ko? Akala ko he'll win me back, pero bakit ganito? Bakit naguguluhan ako? Bakit ang gulo ng pakiramdam ko?
Pinahid ko ang pisngi ko. Hindi ko namalayang tumulo pala ang luha ko. Bakit? Bakit ang bigat sa pakiramdam?
I took a deep breath. Pupunta ba 'ko?
Jade
Pabagsak akong naupo sa sofa. Kauuwi lamg namin galing sa shooting. Saturday ngayon. Bukas na ang last day namin.
Hindi ko alam kung malulungkot ba ko o matutuwa. Shocks! Honestly, mixed emotions. Nakakalungkot kasi mami-miss ko 'yong bonding namin sa set. Madalas nandon si Stell at nagbabangayan sila ni Becca. Habang napalapit naman ako lalo kay Ssob.
Sa totoo lang nailang ako no'ng una. Kasi naman bias ko kaya 'yon. Pero naging magaan naman 'yong loob ko. Lalo na at ang sweet niya. Hindi ko nga nakita 'yong personality niya raw.
Pero masaya rin naman ako. May nabuong friendship at the same time naging maganda naman 'yong kinalabasan ng shooting. Feeling ko magugustuhan naman nila 'yon MV. Sana lang hindi ako itakwil ng mga barbecue.
Halos mapatalon ako nang tumunog ang phone ko. Shocks! Gano'n na ba ko katulala at pati sa cellphone ko nagugulat ako.
Napalunok ako nang makita kung sino ang nag-text.
From: KenKen
Hi, Jaja! Masa condo ka na? Nagpunta ko sa bayan kaya may signal ako. Gusto lang kitang kumustahin. Kumain ka na?
From: KenKen
Makaka-text ako bukas sa'yo. May outing kami bukas. May signal siguro do'n.
From: KenKen
Gusto sana kitang tawagan. Gusto ko lang marinig 'yong boses mo. Kaya lang baka nakakaabala 'ko sa'yo.
From: KenKen
Sige. Uuwi na kami. Namili lang kami ng pagkain para bukas. Ingatan mo 'yong sarili mo. Wala ako riyan para ingatan ka. Kumain sa on time. 🤟
Shocks! May sakit na yata ako sa puso. Bakit ba masyado na naman ang kaba ko?
Wala sa loob na napindot ko ang dial button. Shocks! Shunga ka na, Jade! Bakit mo siya tatawagan?
Kinabahan ako nang may magsalita.
The number you have dialed is either unattended or out of coverage area. Please try again later .
Hindi ko alam kung madi-disappoint ako o mare-relieve dahil wala na siyang signal.
Shocks! Bakit naman ako madi-disappoint?
A/N
Halloo! Kumusta kayo? Waaaaaahh! Sana okay lang kayo. Ako hindi na yata. WAHAHAHAHA charot lang! Mamaya ulit. Next UD, ang pagkikita ni Ken at ni Pangga. 🤭

BINABASA MO ANG
HER ESCAPE (SB19 Fan Fiction #2) [COMPLETED]
FanficSa mundong puno ng pagsubok at pagbabakasakali, marami sa atin ang pinipiling tumakas at takbuhan ang mga dapat ay hinaharap. Kasama na yata sa salitang "mabuhay" ang"lumaban", pero kasama rin sa iba ang salitang "takasan". Jaja is one of those who...