KABANATA 24

33 7 10
                                        

Jade

Ang bilis lumipas ng mga oras at araw. Natapos ang MenPa ng SB19, and as expected nakisali ako sa MenPa nila using my personal account.

Nagdalawang isip pa ako no'ng una kasi alam kong patay ako kay Nick, pero dahil baka ma-issue ako na si Ken lang ang ni-reply-an ko, ginamit ko na rin ang RA ko sa iba.

Gaya nang MenPa ni Ken, kabi-kabila rin ang shippers sa ibang MenPa. Ni-reply-an din naman kasi nila 'ko. Mga pasaway rin, eh. Shocks!

"Hoy, Bakla! Tulala na naman ang peg mo? Ano 'yang drama mo?" agaw pansin ni Becca. Siya ang nag-da-drive kay Bubbles. Papunta kami sa SB19 house. Ngayon kasi ang premier ng Vlog namin sa channel ko. Usapan namin sabay-sabay kaming manonood.

"Excited lang 'yan, bakla. Duh! Crush ng SB, eh," singit naman ni Amaris. Nakapuwesto siya sa backseat.

"Inggit 'yan, 'te?" irap ko sa kaniya.

"Eww! Why would I? Buti sana kung BTS sila, like Jin. Baka ipatumba pa kita 'pag gano'n," maarteng sabi ni Amaris.

"Iba ang BTS, iba sila, bruha. Grabe kaya ang visuals nila. Si Jah pa lang 'yong nakita mo, bakla!" pagtatanggol naman ni Becca.

Napangiwi si Amaris. "Duh! Manyak kaya no'ng Jah na 'yon. Saka I don't think, better ang visuals nila sa BTS."

"Shocks! Becca, ano ba?!" gulat kong sabi nang ipreno niya ang kotse. Halos masubsob na ang mukha ko sa dashboard.

"Bakit ba sumama ka pang bakla ka? Alam mo konti na lang jombag ka na sa 'kin, Amaris. Pasmado bibig mo, eh," inis na sabi ni Becca.

"Chill. Wala akong magawa, eh. Saka si Jade nagsama sa 'kin, duh!"

Napa-face palm na lang ako sa dalawang ito. Shocks! Para silang mga bata.

"Jah requested it."

"What???" Shocks! Bigla na naman siyang nagpreno. 'Pag lang ako nauntog masasapak ko na 'tong baklang 'to.

"Pakiulit nga, Bakla. Si Jah ang nag-request?"

Napahalukipkip ako saka tumango. "Yeah. At hindi ko alam kung bakit. Sige na, mag-drive ka na. Kanina pa sila naghihintay."

"Do'n ba tayo matutulog? Like, sleepover?" curious na tanong ni Amaris.

"Hindi, kami lang. Uuwi ka rin. Sarado ang maisan," sabi ni Becca habang nag-da-drive.

"What? Maisan? Do'n ba 'yong bahay nila? Eww. Wala silang maayos na bahay?" maarteng sabi ni Amaris.

Nagkatinginan naman kami ni Becca saka kami sabay na tumawa. Shocks! Wala talagang alam 'to.

"Sarado na rin ang ihawan," sabi ko naman.

"What? May business sila?" naguguluhang sabi ni Amaris.

Lalo kaming natawa.

"What? May nakakatawa ba?"

Kinuha ko ang tablet ko. Inilagay ko sa YT channel ng SB19. "Ayan, manood ka. Para ma-gets mo."

"Tsk! Why would I? I rather watch Jin," reklamo niya.

"Try mo lang. 3 vlogs and 1 music video. After that, you decide kung manonood ka ng iba nilang vlogs," pangungulit ko.

"Fine," pairap niyang sabi.

Napangiti ako. I know, ayaw niyang kinukulit.

Kinuha ko ang phone ko at nag-online.

Josh: Ayan nag-seen na si Boss. Asan na kayo?

Stell: Excited 'yan?

Ken: Jaja.

HER ESCAPE (SB19 Fan Fiction #2) [COMPLETED]Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon