WAKAS

33 2 66
                                    

Jade

Nagpahangin ako sa labas ng bahay na tinutuluyan namin. Hindi ko alam kung unang beses ko bang nakapunta rito dahil hanggang ngayon hindi pa rin bumabalik lahat ng alaala ko.

May mga taong gustong makalimutan at mawala na lang alaala nila dahil sa mapapait na pinagdaanan nila. Pero hindi nila alam kung gaano kahirap mawalang ng memorya. Hindi nila alam na sobrang hiral makalimutan lahat ng bagay na bumuo ng pagkatao. Mahirap makalimot sa lahat ng bagay na tungkol sa'yo.

Shocks! Ganoon ba kasakit lahat ng pinagdaanan ko kaya ayaw alalahanin ng isip ko? Kahit gaano kasakit 'yon, wala naman mas sasakit sa naguguluhan kong feelings tuwing may makakasama kong tao tapos hindi maalala ng isipan ko.

Nagulat ako nang may jacket na pumatong sa balikat ko.

"Bakit andito ka? Malamig dito."

Nginitian ko si Ken. Isa sa nakagugulo sa akin 'yong pakiramdam na hindi ko maintindihan tuwing nandiyan siya.

"Hindi ako makatulog, nagpahangin muna sandali."

"Sandali, pero kanina ka pa rito," sabi niya habang nakangiti.

Shocks! Kanina pa ba siya? Bakit alam niya?

Tiningnan ko siya saka ako tumingin sa langit. "Iniisip ko kasi kung kailan babalik lahat ng memories ko."

Ang daming nangyari simula no'n. Tumigil ako sa pagiging artista na hindi ko sure kung artista nga ba 'ko. Palagi akong inaalala at inaalagaan ng lahat. Pakiramdam ko kulang ako.

"Baka ayaw ng maalala ng isip mo?" biro niya.

"Ayos lang sa'yo na hindi kita maalala?"

Nakita ko kung paano nalungkot ang mga mata niya kahit na nakangiti siya.

"Honestly, hindi ko alam. Mas ayos yatang hindi mo 'ko matandaan sa lahat ng nagawa ko. Tingin ko ayos na rin na hindi mo ko maalala."

"Sinaktan mo ba ko dati?" nakangiti kong tanong.

Huminga siya ng malalim saka dahan-dahang tumango. "I'm sorry about that. Hindi ko na gustong matandaan mo lahat, kasi ayokong maramdaman mo 'yong sakit na nararamdaman mo dati."

Hindi ako nakasagot. Hindi ko pa yata ma-process sa utak ko lahat.

Shocks! So kaya may something akong nararamdaman kasi sinaktan niya ko dati? Pero bakit? Paano? Bakit may something pa rin akong nararamdaman?

"Sige na. Paasok na 'ko sa loob. Pumasok ka na rin, baka sipunin ka. Mahamog na," sabi niya bago ko tinalikuran.

Pero hindi ko ma-gets 'yong sarili ko. Hinawakan ko siya sa braso para pigilan. "Sandali."

Natigilan siya saka ako tiningnan. That point nakita ko 'yong panunubig ng mga mata niya.

Umiiyak siya? Shocks!

"Hindi ko matandaan kung sino ka, ano ka, o naging ano ba tayo. Wala akong clue, pero nararamdaman kong importante ka sa 'kin."

Parang tinusok 'yong puso ko nang makita kong tuluyang pumatak 'yong luha niyang kanina pa yata niya pinipigil.

"Ken Ken, utak ko lang 'yong nakalimot. Isa sa mga natutuhan ko 'yung idea na it's possible to lose memories. But, if we lose memories, we can create a new one. Nakalimutan ko man lahat ng tungkol sa'yo o sa atin, p'wede naman tayong gumawa ng bago."

Natulala siya sa sinabi ko. Shocks! Bakit ko ba sinabi 'yon?

Nagmamadali akong tumakbo papasok ng bahay. Hindi ko alam kung nataranta ba ko o nahiya sa ginawa ko. Shocks naman!

HER ESCAPE (SB19 Fan Fiction #2) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon