Jade
Umayos kami para sa pagkuha ng song number namin. Dahil SB19 nga, song nila ang napag-usapang kakantahin namin.
Shocks, sobrang kabado ko. First time ko silang makakasamang kumanta. Sana lang ay kayanin ko.
Hinati muna ni Pablo ang parts namin. Tilaluha ang song na kakantahin namin. Tulad ng nasa ibang vlogs ko may dala kong gitara. Ako kasi ang tumutugtog sa mga song numbers.
"Practice muna? Isang pasada?" tanong ko sa kanila habang inaayos ang gitara.
"Sige, para mamaya walang mamali," sabi ni Pau. Nakakatuwa ang pagiging perfectionist niya.
"Acoustic version 'to, ha?" dagdag ko pa.
"Sige. May tiwala naman ako sa version mo," sabi naman ni Josh habang nakangiti at nakatingin sa akin.
Gusto kong magwala. Ang hirap palamg umalis sa ihawan lalo kung kasama mo si Ssob.
"Ikaw talaga tutugtog?" tanong ni Ken sa akin.
Nag-strum ako bago sumagot. "Ako usually ang tumutugtog sa mga vlogs ko. Lahat ng guests ko, ako ang tumutugtog."
"Hindi ba p'wedeng maiba?" seryoso pa niyang sabi.
Eh? Anong problema nito? Napag-usapan na 'to sa GC namin. Bakit parang hindi niya alam?
Lunapit siya sa akin. Kinuha niya ang gitara at sinubukan iyon. "P'wede naman siguro 'kong exemption, 'di ba?"
"H-Huh? Teka, usapan ako tutugtog," hindi ko malamang sagot.
Medyo kinabahan ako dahil malapit si Ken sa akin. Alam ko namang nakakakaba talagang mapalapit sa kanila, pero kakaiba 'pag si Ken na.
Naupo ito sa harap ko para magkatapat ang mukha namin. Shocks! Ang ganda ng mata niya. Parang naghihigop ng pagkatao.
"Ang pangit tingnan kung lima kaming lalaki tapos ikaw pa 'yong tutugtog para sa amin. Saka hindi ako gano'n. Ayokong pinagsisilbihan ako ng babae. Gusto ko ako 'yong nagsisilbi," sabi pa nito bago kinuha ang gitara at naupo sa tabi ni Josh.
Shocks! Ano raw? Bakit ba siya ganiyan? May ibig bang sabihin 'yon? Assume-ra na yata ako.
Nag-rehearse lang kami at nag-shoot pagkatapos. Nakakatuwa naman at nakaisang take lang kami. Medyo awkward lang dahil pakiramdam ko madalas tumingin sa akin si Ken.
Pero baka naman imagination ko lang 'yon. Shocks! Kailangan ko yata ng kape.
Ilang minuto pa nag-shoot na rin kami ng chorus ng Go Up. Kasama rin kasi yon sa vlog ko.
After ng shooting, napunta na kami sa part ng pagbibigay ko ng token of appreciation. Usual naman ito. Lahat ng nakasama ko sa vlogs ko ay binigyan ko ng ganito.
"Okay, mga mars at pards, diyan natatapos ang aking vlog. Sana ay nakilala niyo ng lubos ang nga lodi natin, ang SB19. Pero, bago 'yon, ibibigay muna natin ang ating token of appreciation. Ilang gabi ko rin itong pinagpuyatan kaya sayang naman kung hindi maibibigay. Para-paraan lang 'to. Charot!"
Kinuha ko ang box kay Becca. "Kita niyo ang box, Whisper pa," biro ko nang makita ang box ng Whisper sa camera. Wala naman kasi akong mapaglagyan. Kaya 'yong pinadala ng company ng Whisper dahil isa ito sa endorsements ko na lang. Ito lang ang available na box, eh.
Kinuha ko ang gifts ko for them. Ibinalot ko pa 'yon kahit alam naman na nila at ng audience ang laman. Wala lang, para lang ma-surprise pa rin sila.
Inaabot ko sa kanila isa-isa hanggang sa 'yong isang malaking nakabalot na lang ang natira.
"Ang sipag mo, ah. Binalot mo pa talaga?" sabi ni Stell habang yakap ang gift ko sa kaniya.
BINABASA MO ANG
HER ESCAPE (SB19 Fan Fiction #2) [COMPLETED]
FanficSa mundong puno ng pagsubok at pagbabakasakali, marami sa atin ang pinipiling tumakas at takbuhan ang mga dapat ay hinaharap. Kasama na yata sa salitang "mabuhay" ang"lumaban", pero kasama rin sa iba ang salitang "takasan". Jaja is one of those who...