Paula
Nagulat ako nang makita ko si Pau. Hindi na 'ko nagtataka na nandito siya sa field na 'to, pero ang ikinagugulat ko ay nakita ko siya rito sa SBT. Hindi ko alam na kasama pala siya sa trainees ni PopC.
Ang awkward ng feeling. Hindi ko in-expect na after all those years magkikita ulit kami, at dito pa talaga sa SBT. Grabe.
Nilapitan ko ang iba pang mga staff. Si Rose lang kasi ang kilala ko rito so far, well bukod sa SB19 na kakikilala ko lang.
"Miss Kim, ito pala si Wanna, Zenny at Rea," pakilala sa akin no'ng babae kanina na Tin daw ang pangalan.
"Denise na lang," sabi ko habang tititingnan sila isa-isa. Wala ako sa mood ngitian sila kahit nakangiti ang mga ito. Hindi ko pa sa sila ka-close kaya ayokong makipagplastikan.
"Pau, gagawa ako ng GC ayos lang?" narinig kong tanong ng mukhang Korean na member ng SB19. Kung hindi ako nagkakamali, siya si Justin.
"P'wede naman. Kung papayag si Miss Jade," sagot nito bago tumayo na. "Practice na muna tayo."
Tumayo na 'yong mga kasama niya at lahat sila ay pumwesto na sa dance formation nila.
After a few minutes, I found myself looking at them dancing.
They are great dancers.
Alam kong magaling sila based na rin sa sabi ni PopC. Pero iba pala talaga 'pag personal mo silang napapanood.
I've been part of SBT Korea at nakapag-handle ng KPop stars and groups, pero hindi ko in-expect na ka-level nila ang mga ito, or they are even better to some of the group I've handled before.
Astig gumalaw sina Josh at Ken, smooth naman ang galawan ni Stell, elegante namang sumayaw si Jah, at si Pablo... never mind.
Tumingin ako sa wrist watch ko. Bukas pa ang official na start ko. Kukuhanin ko na lang ang character profiles ng SB19 gano'n din ang iba pang tao rito sa SBT. Hindi ko pa feel makisama sa mga ito.
"I'll go ahead, Ate Rose. Sabi naman ni PopC, bukas pa 'yong official na start ko. Besides, we and PopC have a short talk pa," paalam ko kay Ate Rose. Nakikipag-usap ito kay Zenny.
"Sige. Sabi nga ni PopC may meeting daw kayo. Na-add na kita sa social media accounts mo. Pa-accept na lang," sabi nito saka ngumiti.
Tinanguan ko siya bilang sagot. "Wait, 'yong character profiles pala?"
Ngumiti ulit ito. "Oo pala. Nasa table mo na. Nakalagay sa black folder. Naayos ko na."
Tinanguan ko na lang siya at tinalikuran na. Pakiramdam ko kasi madaldal siya. Baka mamaya hindi na 'ko makaalis. Besides, I wanna be alone. Ayoko munang may kausap.
Jaja
Natuwa ako nang ma-seen na ni Jah ang DM ko sa kaniya. Kanina pa ko nakababad sa Twitter. Ang gulo ng A'tin at Jadenation. Ang daming shippers namin ni Jah. Hindi lang 'yon pati ibang members ng SB19. Bakit ba kasi na-follow ko si Jah at ang shunga ko pa dahil nag-comment ako nang hindi naka-change account.
Shocks! Nakakahiya talaga!
Nakakakilig naman talaga. Sino ba naman ang hindi kikiligin kung ma-ship ka sa idols mo, kaya lang naisip ko na may mga fans na p'wedeng ma-hurt dahil do'n. Saka hindi ako komportable. Nahihiya ako. Feeling ko hindi ko deserve.
Justin: Hoy po! Sorry LR. Ngayon ko lang nakita ang message mo.
Hello, Jah! Sorry sa abala. Follow up ko lang 'yung sa collab hehe Nagtatanong na kasi ang mga fans 😅
![](https://img.wattpad.com/cover/267500863-288-k962660.jpg)
BINABASA MO ANG
HER ESCAPE (SB19 Fan Fiction #2) [COMPLETED]
FanfictionSa mundong puno ng pagsubok at pagbabakasakali, marami sa atin ang pinipiling tumakas at takbuhan ang mga dapat ay hinaharap. Kasama na yata sa salitang "mabuhay" ang"lumaban", pero kasama rin sa iba ang salitang "takasan". Jaja is one of those who...