Becca
Nakakaloka! Ang agang natapos ng shooting nina bakla. Hindi keri ng beauty ko. Kaloka, nandoon pa sa bench at nakikipagharutan kay Ssob.
Letse! Nakakapagod magligpit ng gamit. Humuhulas ang kagandahan ko kahit hindi ko sure kung mayroon ba 'ko no'n.
"Nandito ka lang pala."
"Ay, gandang humuhulas!" gulat kong sabi.
Nagulat naman ako nang tumawa siya. Leste! Bakit ang guwapo ng tawa niya?
"Anong gandang humuhulas? Alam mo maganda ka naman. Hindi humuhulas 'yong ganda mo."
Ay piste! Bakit ganito 'tong lalaking 'to? Bakit ba ganito 'yong linyahan niya?
"Tigilan mo nga ako, Vester. Hindi nakakatawa," sabi ko para maitago ang pagkailang ko. Leste naman kasi, baka mamaya maniwala ako sa mga sinasabi ng Strawberry na 'to. Tapos ma-fall ako. Mahirap na.
"Hindi ako nagpapatawa. Seryoso kasi ako. Pero in fairness, ang sarap pa lang pakinggan 'pag galing sa'yo 'yong vester," sabi pa niya.
Ay gago! Bakit ba pa-fall 'to? Konti na lang yata magsu-swerve na 'ko. Pasensya na amo. Kasalanan ng malanding strawberry na 'to.
Natigilan pa ko nang bigla siyang lumapit sa akin. May dinukot siya sa bulsa niya at dali-daling pinunasan ang noo ko.
"Pinapawisan ka na. Dapat kasi hindi ka nagbilad sa araw. Baka matuyan ka pa ng pawis niyan."
Nagulat ako sa ginawa ng lalaking 'to. Para bang may drum competition sa loob ng dibdib ko. Nakakaloka. Pakiramdam ko naririnig ko 'yong eskandalosang heartbeat ko.
"Hoy, Vester! Tigil tigilan mo 'ko. 'Wag mong gamitin sa akin 'yang galawan mo sa farm. Hindi ako madadaan niyan," sabi ko sabay halukipkip at irap sa kaniya.
Ngumiti siya. "Saan ka ngarod madadaan? Dito ba?" sabi niya sabay lapit ng mukha sa akin. Tumingin siya sa mga labi ko bago nag-lio bite ang buwiset.
Grabe 'yong kabog ng puso ko. Bigla ring nanginig ang tuhod ko. Hindi ko alam kung ano bang gagawin ko.
Napakalapit ng mukha namin sa isa't isa. Ngayon ko siya lalong natitigan. Ano bang skin care niya? Sana all clear skin. Mas babae pa yata sa akin ang balat niya.
Letse! Ang bango niya. Amoy na amoy ko 'yong manly scent niya. Idagdag no pa 'yong toothpaste na naamoy ko sa bibig niya.
Anong toothpaste brand mo, Stell? Papakyawin ko na sa mall.
Lalo akong nangatog nang lalo pa niyang nilapit sa akin ang mukha niya. Leste! Becca! Gumalaw ka! Ano shunga lang?! Hahayaan mong kuhanin niya ang precious lips mo? Nakalaan lang 'yan kay Jah.
Napapikit na lang ako sa hindi malamang dahilan. Nakakaloka. Akala ko hahalikan niya ko pero nagulat ako nang tumawa siya.
Disappointed 'yan? Bakit parang nanghinayang ka, Becca?
"Tinatawa mo?" inis kong sabi.
"Hindi ako nanghahalik ng sapilitan. Ayoko ng gano'n. Gusto ko sa romantic place.'yong first kiss natin."
Ay gagong lalaking 'to. Bakit siya ganito?!
Sasagot pa sana 'ko pero hindi ko alam kung anong sasabihin ko. Nagulat na lang ako nang tulungan niya 'kong magligpit ng gamit.
"Para mabilis. May date pa tayo, 'di ba?"
Inirapan ko siya. "Maaga pa naman. Kaya ko na 'to. Nakakahiya naman sa'yo."
BINABASA MO ANG
HER ESCAPE (SB19 Fan Fiction #2) [COMPLETED]
FanfictionSa mundong puno ng pagsubok at pagbabakasakali, marami sa atin ang pinipiling tumakas at takbuhan ang mga dapat ay hinaharap. Kasama na yata sa salitang "mabuhay" ang"lumaban", pero kasama rin sa iba ang salitang "takasan". Jaja is one of those who...