KABANATA 51

21 6 111
                                    

Becca

Kaloka. Dito pala kami sa amusement park pupunta. Akala ko pa naman movie date ito. Amusement pala ang bet ng mga nilalang na ito.

Napatingin ako kay Baklang Jade. Namumutla na ang bakla. Malamang natatakot na naman 'to.

Napabusangot ako nang makita ko si Jah at Amaris. Pa'no kaya kami makakalapit sa kanila? Nakakainis naman. Dapat change partners kami.

"Bakit ka nakanguso? Gusto mo ng kiss?" ani Stell bago ko akbayan.

Animal din talaga 'tong Strawberry na 'to. Iba rin takbo ng utak.

"Ano, gusto mo ba? Kiss kita," sabi ulit niya habang nakangiti.

"Hoy, living Strawberry, hindi ako taga-farm, remember?" pagtataray ko. Hinayaan ko nang nakaakbay siya sa akin. Medyo malamig na rin naman dahil gabi na.

"P'wede ka namang maging strawberry kahit ngayong gabi lang," sabi niya.

Napaisip ako. May point naman siya. Mukhang hindi na namin mapaghihiwalay sina Jah. Kahit kasi nagbabangayan sila, ayaw naman lumayo ni Jah kay Amaris.

"Ayaw mo? Bukas tutulungan kita kay Jah. Kaso ngayon parang hindi na tayo makakasingit sa dalawang 'yan," sabi pa niya habang nagpapa-cute.

Letse ka! Bakit ang guwapo mo?

"Oo na. Para namang may choice pa tayo. Tayo na lang naiwan dito," sabi ko bago ko huminto sa paglakad. Naghiwahiwalay na kasi ng destinations at naiwan na kami rito malapit sa entrance.

Nagulat ako ng hawakan niya ang kamay ko. Kaloka. Bakit may holding hands? Sinamaan ko siya ng tingin. "Bakit may paghawak sa kamay, Vester?"

Ngumiti siya bago ako hinila. Letse na 'yan! Hindi kaladkarin ang ganda ko!

"Hayaan mo na. Enjoy-in na lang natin. 'Wag ka ng KJ, love!" pasigaw niyang sabi.

Napatingin ang ilang mga tao sa amin. Mabuti na lang naka-hoody siya kaya hindi siya nakilala.

Eskandaloso pala 'tong strawberry na 'to.

Napahinto kami sa tapat ng mga stuff toys. May nakatayong figurine sa gitna at baril. Parang babarilin ang kawawang figurine para makuha ang stuff toy.

"Gusto mo 'yan, love?" Kaloka! Cringy, pero bakit parang kinikilig ako? Ano ba 'yan, Stell? Masyado kang pa-fall.

"Huh? Hindi. Ayos lang," tanggi ko. Ayokong magpakahirap pa siya para sa stuff toy. Kaya ko namang bumili. Malaki naman 'yong naipon ko sa pasweldo ng baklang Jade.

Pero sa halip na makinig, makulit pala 'tong human strawberry. Hinila niya ko palapit sa booth. Nakakaloka.

"Alin gusto mo? Kukuhanin ko para sa'yo, love," sabi pa niya bago nagbayad sa lalaking may-ari yata ng booth. Kinuha niya 'yong baril na parang babarilin na 'yong figurine.

Piste! Letse! Dahan-dahan lang, Ajero! Baka mahulog ako sa'yo!

Napatingin ako sa isang malaking Panda na nakasabit sa gilid ko. Ang cute. P'wede nang yakapin sa gabi. Tutal wala naman akong jowa.

"'Yan pala gusto mo, love. Sige. Kuhanin ko para sa'yo," sabi pa niya bago kumindat.

Sige. Ganiyanan mo ko. Tapos magkakagusto ko sa'yo. Tapos magiging tayo. Tapos mabubuntis ako. Tapos iiwan mo ko. Tapos magiging single mother ako. Tapos kawawa 'yong magiging anak natin kasi wala siyanv tatay. Mabu-bully siya sa school, kaya magpapakamatay siya.

Ay leste! Ano ba 'tong naiisip ko?

Tiningnan niya muna 'ko bago siya nagsalita at bumaril. "Mamaya iuuwi natin si Vester."

HER ESCAPE (SB19 Fan Fiction #2) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon