KABANATA 2

48 8 20
                                    

Jade

"Ano?!" naipreno ko ang sasakyan ko habang kausap ko si Becca. Kasalukuyan akong nag-d-drive papuntang set.

May photoshoot ako sa isang clothing line ngayon. Alas onse pa naman ang simula no'n, alas otso pa lang, pero papunta na ko sa set para makapahinga na rin sana.

"Daanan mo na lang," utos ko kay Becca. Naiwanan kasi niya ang traveling bag sa set ng show ni Angela. Nandoon ang make-up kit ko kasama na rin ang mga accessories ko na ginagamit sa mga shows. Ayos lang sana, pero nandoon din ang notebook ko kung saan nakalagay ang personal schedules at contacts ko.

"Nandito na 'ko sa set, eh," dahilan niya.

Napahilamos ako. Usapan kasi namin ay doon na lang magkikita, pero hindi ko naman alam na mauuna ito sa set.

"Sige. Pakitawagan na lang si Angela. Pakisabi dadaan ako. Baka wala pang tao ro'n kasi 10:00 pa ang shoot niya."

Pinatay ko ang tawag at iniliko si Bubbles, kotse ko papunta sa direksyon ng studio.

Ilang sandali pa ay nakarating na ko sa broadway. Nagmadali akong bumaba at nag-dial sa phone ko.

"Becca, natawagan mo ba?" bungad ko nang sagutin ang linya. Mabilis akong naglakad papunta sa dressing room ng guests ng show.

Napatulala ako ng makasabay ko ang isang lalaki galing sa banyo. Nakaputo itong long sleeves na nakatupi hanggang siko nito.

Napakagat ako sa labi. "Mamaya na kita tatawagan, Becca. Bye."

Stell

Nagmamadali akong lumabas ng comfort room. Medyo kinakabahan ako dahil unang beses namin mag-guest sa show ni Miss Angela. Based kasi sa research ko laging mataas ang ratings ng show niya.

Natulala ako nang makita ko 'yung babaeng makakasabay ko. May kausap siya sa phone niya at parang  napatigil ito nang makita ako. Binaba nito ang phone niya at bumaling sa akin.

Hindi ko alam 'yung gagawin o sasabihin ko. Totoo ba 'to? Si Miss Jade Rivera?

Nakasuot ito ng jumper jeans na pinailaliman ng pulang crop top. Kita ang kurba nito dahil medyo exposed ang waist nito. May katangkaran ito, halos matangkad lang ng kaunti si Josh.

"S-Stell, right?" tanong niya.

Napatulala ako ng sandali. Kinilig ako. Crush ko 'to, eh. Crush namin ni Jah. Pero hindi ako nakapaniwala na nasa harap ko siya at kilala niya ko.

"Hey! Are you okay?" tanong nito at kumaway sa harap ko.

Napangiti ako. Hindi ko na naitago ang saya ko. "Sorry po. Nagulat kasi ako, kilala mo ko."

Lalo akong kinabahan no'ng ngumiti siya. "Oo naman! Stell Ajero ng SB19. Galing mo kaya."

Lalo akong kinilig. Ikaw ba naman mapuri ng idol at crush mo.

"Saka, 'wag mo kong po-in. Matanda ka pa nga sa akin ng 1 year."

Napangiti ako nang makita kong nag-blush ang pisngi niya. Teka, nag-blush nga ba siya? Tiningnan ko siyang mabuti, walang kahit anong make-up. Napa-sana all tuloy ako. Ang kinis ng mukha niya at ang ganda kahit walang make-up.

"Sa'n ka?" tanong nito habang nagsimula nang humakabang.

"Dressing room," nahihiya kong sabi.

"Ah, guests kayo?" excited nitong sabi. Tumango ako. "Kasama mo 'yung iba?"

Nagulat ako. Hindi ko in-expect na kilala niya kami. Bago pa lang kasi kaming nakikilala.

"Papunta rin ako ro'n. May naiwan ako, eh."

HER ESCAPE (SB19 Fan Fiction #2) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon