Amaris
Medyo haggard ang peg ngayon. Ikaw ba naman hilahin ng manyak na pugo na'to. Kanina pa siya sa restaurant. Pasalamat siya nando'n si Stell, kailangan maayos ako.
Kanina pa ko pairap-irap sa kaniya. Pero hindi pa rin siya nakakahalata. Kainis. Nakakasira ng kagandahan 'tong pugong 'to.
Bumukod pa kami ng sasakyan. May kotse naman daw siya. P'wede naman kaming sumabay sa van. Nakakainis. Duh! Alam ko namang mayaman siya, pero mas okay kubg iisang sasakyan lang kami.
"Ang tahimik yata ng missis ko," sabi niya. Idiniin pa 'yong missis ko. Kala niya madadaan niya 'ko sa pa-sweet niya.
Inirapan ko siya. "P'wede ba, De Dios? Ayokong magsalita."
Tumawa siya. Ayan na naman 'yong mata niya, nawawala na naman tuwing tunatawa siya.
OMG! Bakit ba weakness ko ang singkit? Jin, sunduin mo na ko rito.
"Badtrip ka? Meron ka ba?"
Ghad! Bakit ba ganito siya?
"De Dios!" banta ko.
Napakamot siya ng noo. "Okay, fine. Sorry na po, Missis De Dios. Gusto lang kitang patawanin."
Tinaasan ko siya ng kilay. "Hindi nakakatawa."
Napalabi siya. "Ikaw lang hindi natutuwa sa akin."
Nakakaloka siya! Nagpapaawa. Bakit ba ganito siya? Pero bakit parang guilty ako?
"Stop acting like a baby," inis kong sabi.
"Baby mo? Gusto ko 'yon," masigla niyang sabi. Bipolar yata 'to. Kanina malungkot, ngayon hyper.
Napailing ako. Pero, ghad! Mas naloka ko sa sunod niyang sinabi.
"Pero, ayos lang ba kung baby kita?"
"Justin Torres De Dios?!"
Natawa siya. "Nice. Alam ang buong pangalan ko. Feeling ko gusto mo na 'ko."
Napasandal na lang ako. Ayoko nang makipagtalo sa kaniya. Pakiramdam ko hindi ako mananalo. Sayang lang ang kagandahan ko.
Ilang minuto pa huminto kami sa isang Amusement park dito sa Laguna. Ghad! Dito kami mag-d-date?! Nag-dress pa 'ko, duh!
Bumaba siya at pinagbukas ako ng pinto.
Gentleman naman pala.
Inalalayan niya 'kong bumaba at inalalayan ako maging sa paglakad ko. Ghad! May times naman pa lang okay siya.
"Dahan-dahan lang. Ayokong madapa ka. Dapat kasi hindi ka nag-dress. Naka-heels ka pa," sabi niya habang inalalayan akong pumasok sa park. Nakabili na ng ticket sina Josh kaya binigyan na lang nila kami.
"Malay ko bang dito tayo pupunta. Saka kung nag-flats ako, kawawa naman ako height mo," reklamo ko. Gusto ko siyang sipain, duh! Parang kasalanan ko pa.
Tumawa siya. "Ayos lang. Willing naman akong alalayan ka the whole night."
Ay! Anong sinasabi ng pugong 'to.
Ikinawit niya ang braso ko sa braso niya. Mukha tuloy escort ko siya sa award's night.
Napatingin ako sa kaniya nang naglalakad kami palayo sa iba. "Teka. Saan tayo pupunta?"
"Mag-d-date tayo. Ayokong may istorbo, Missis De Dios."
Medyo naguguluhan ako. Bakit ba ayos lang sa aking tawaging missis niya? Kapal nito.
"Missis mo mukha mo. Hoy, De Dios, hindi kita asawa."
Hinawakan niya 'yong kamay kong nakakapit sa braso niya gamit ang kabila niyang kamay. "Oo nga. Hindi kita asawa. Hindi pa," sabi niya ng may diin sa huli niyang salita.

BINABASA MO ANG
HER ESCAPE (SB19 Fan Fiction #2) [COMPLETED]
FanfictionSa mundong puno ng pagsubok at pagbabakasakali, marami sa atin ang pinipiling tumakas at takbuhan ang mga dapat ay hinaharap. Kasama na yata sa salitang "mabuhay" ang"lumaban", pero kasama rin sa iba ang salitang "takasan". Jaja is one of those who...