KABANATA 15

26 6 18
                                    

Paula

Bakit sa dinami-rami ng tao at artista sa Pilipinas, siya pa ang makaka-collaboration ng SB19? Artista na pala siya?

Jade, huh?

"Hello po! Kamusta?" narinig kong sabi niya sa nga staff namin. Feeling close?

Napaaray ako ng matapakan niya ang kaliwang paa ko.

"Ay, sorry po. Sorry po talaga," taranta niyang sabi. Yumuko pa ito para pagpagin ang paa ko.

I gave her a sigh. "It's okay. You should have looked around, nakatapak ka tuloy."

Tinaasan niya ko ng kilay. Aba, mukhang lalaban itong babaeng 'to. Kailan ka pa natutong lumaban sa akin?

"Sorry po. Hindi po kita napansin. Pasensya na po," sabi pa niya saka ngumiti.

Lalo akong nainis sa inakto niya. Bakit kailangan pa niyang ngumiti? Hindi ba dapat nainis siya? Hindi ba dapat magalit siya sa akin? Pero bakit nakukuha pa niyang ngitian ako? Hindi ba niya 'ko naalala?

"Siya 'yong head ng staff. She's Miss Denise," pakilala sa akin ni Ate Rose.

Ngumiti ito at iniabot ang kamay niya. "Hello po, ma'am. Jade po, nice to meet you."

Wala akong choice. I accepted her hands. Ayoko namang magmukhang bastos sa harap niya lalo na sa harap ng mga staff.

Hindi ba talaga niya 'ko natatandaan? Or she's just pretending she doesn't know me?

If you wanna play, I'll give what you want.

"Nice to meet you, too, Jade, right?"

Tumango ito saka ngumiti bago nagpaalam na dahil maghahanda na sila para sa shoot ng vlog.

"Something in mind, huh?"

Napalingon ako sa gawing kanan ko. Nakatayo si Pablo at nakapamulsa.

"What are you talking about?" inis kong tanong.

Ngumisi ito. "I knew you that well. Kung may balak ka kay Jade, back off."

"Asa ka naman. As if may gagawin ako sa kaniya," irap kong sabi.

Nagkarambola ang tibok ng puso ko ng lumapit ito at akbayan ako. Halos hindi ako huminga nang ilapit niya ang bibig niya sa tainga ko at binulungan ako. "I know you from the head to toe, Pau. You can't lie to me."

Sinikap kong kalmahin ang sarili ko. Hindi p'wedeng hindi ako makasagot.

Inalis ko ang pagkakaakbay niya bago siya sinagot. "Hindi lahat alam mo, Nase. Marami kang hindi alam."

Tumawa siya at tiningnan ako ma para bang hindi siya naniniwala sa sinabi ko. Sasagot pa sana ko pero dumating si Wanna para mang-asar .

"Aayyyyyyyiiiiieeeeehhhhh! Couple shirt 'yan?" turo niya sa amin ni Pau.

Napatingin ako sa shirt niya at inis siyang tiningnan. Magkamukha nga ang t-shirt namin. Nakakairita. Bakit ba sa dinami-rami ng t-shirts niya, ito pa ang sinuot niya?

"Bakit 'yan ang sinuot mo?" tanong niya sa akin.

Buwisit. Bakit parang kasalanan ko?

"Wow! Nauna 'kong nakabihis, ako pa mag-a-adjust?" inis kong sabi.

"Technically, nauna 'kong nagbihis, nagbibihis ka pa lang, nakabihis na ko," cool niyang sabi.

Kapal!

"Wow! As in wow! So nakita mo kong nagbihis?" Ramdam ko nang uusok ang tainga ko anomang oras dahil sa animal na ito.

Ngumisi na naman ang hudas! "I didn't. But, do you wanna me see you dressing yourself?"

HER ESCAPE (SB19 Fan Fiction #2) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon