KABANATA 12

38 10 22
                                    

Paula

Maaga 'kong gumising dahil may Vlog collaboration ang SB19 sa bahay ng mga ito. Kailangan kong pumunta ro'n nang maaga para i-supervise ang mga staff. Nakakahiya naman sa artistang makakasama nila. Sikat daw. Pero anong malay ko? Kababalik ko lang ng Pinas.

Suot ang itim na t-shirt at light brown jagger na tinernohan ko ng itim ring Van's ay binitbit ko ang backpack ko. Sumakay ako sa big bike ko at pinaharurot ito papuntang SB19 house.

Kung tutuusin, p'wede akong matulog do'n dahil malaki naman iyon at may room para sa staff. Doon na rin kasi lagi nagre-rehearse ang SB dahil nandoon ang dance at music studio. Napapadpad lang kami sa main office kung kailangan.

May sarili naman akong kuwarto ro'n kaya p'wedeng pwede akong mag-stay para naman hindi ako mapagod sa byahe, pero hindi ko feel tumira ro'n. Baka mamaya mangyari na naman 'yong nangyari dati. Ayokong pagsisihan na naman ang p'wede kong magawa.

Kahit ginusto mo naman 'yong nangyari dati?

Inis na pinatigil ko ang sarili ko. Kung anu-ano na naman kasi 'yong tumatakbo sa utak ko. Nagsisimula na naman akong mag-isip ng mga bagay na hindi na dapat pang isipin.

Wala pang kahating oras ay narating ko na ang SB19 house. Bumusina ako saglit at pinagbuksan naman ako ng guard kaya dumiretso na ko sa parking space.

Bumaba ako sa motor ko at tinangkang alisin ang helmet ko, pero punyeta, ayaw maalis. Namakat yata ang lock.

Ibinaba ko ang bag ko at inunang alisin ang protective gear sa tuhod at siko ko. Inalis ko na rin ang riding gloves ko. Sinubukan kong alisin ang helmet pero ayaw makisama.

"Hayup na 'yan! Bakit ayaw?" inis kong reklamo.

Sinubukan ko pa ulit alisin pero ayaw talaga. Pinapawisan na ko ng malapot pero ayaw talaga kaya hinanap ko ang tools ko para tingnan kung may cutter ba ko. Wala na kong choice, I can't live the whole day with this shit in my head.

"Nasaan na ba 'yon? Letse, wala yata akong cutter," reklamo ko habang ibinabalik sa lalagyanan ang tools ko.

"Sayang naman 'yong helmet kung sisirain mo lang."

Napalingon ako sa pinanggalingan ng komento. Nakasandal ito sa motor niya at nakatingin sa akin.

Kanina pa kaya siya riyan? Bakit hindi ko napansin?

"I have no choice. Ayoko namang maghapon naka-helmet," cold kong sabi habang hinahalungkat naman ang backpack ko kung mayroong p'wedeng magamit do'n.

Lumakad siya palapit sa akin. "Lahat ba ng bagay, sirain ang solusyon? Ruining won't make something useful. It makes it useless."

Inirapan ko siya. Siraulong 'to. Ito na naman siya. May sapi na naman. "Ano bang pakialam mo?"

Pero sa halip na sumagot lumapit siyang lalo. Gustuhin ko mang umatras, hindi ko magawa. Nakasandal na 'ko sa motor ko, at kung aatras pa 'ko sure na mabubuwal ang motor ko. Mahal ang paayos nito.

"A-Ano bang ginagawa mo, Pau?"

Unti-unting lumapit ang mukha niya sa akin. Bigla akong kinabahan. Biglang napalitan ang inis ko ng pamilyar na pakiramdam na naramdaman ko na noon.

Gaga ka, Paula! Itigil mo 'yan.

Wala akong ginawa kung hindi lumunok. Amoy na amoy ko ang pamilyar niyang pabango. Ano bang nangyayari sa akin? Bakit apektado 'ko sa abnormal na ito?

"Ayan, ayos na. High blood ka masyado kaya hindi mo maalis, Pau," pagdiin niya sa pangalan ko. Kailan na ba nang may huling tumawag sa akin sa pangalan kong 'yon?

Naiwan akong nakatulala. Inis na inalis ko ang helmet ko sa ulo ko at inilagay sa lagayan nito. Busit ka, Pau! Tama bang iwanan mo 'ko rito?

Kinuha ko ang bag ko at malalaking hakbang na tinungo ko ang loob ng bahay. Nadatnan ko ang mga staff na inaayos ang sala kung saan daw gagawin ang vlog.

Sinalubong ako ni Ate Rose at Wanna.

"Ate, bakit pawis na pawis ka?" bungad agad ni Wanna.

"Wala, nagkaproblema lang sa parking space," simple kong sagot. "May kuwarto bang p'wede kong pagbihisan?"

Tumango si Wanna. "May kuwarto ka naman dito, ate. Umakyat ka sa second floor, 'yung kanang pathway unang room, kanan din."

Tinanguan ko siya at umakyat na. Kailangan kong magbihis. Malagkit ang pakiramdam ko dahil sa punyetang helmet na 'yon.

Pag-akyat ko may dalawang pasilyo. May pakanan at pakaliwa. Pero gaya ng sinabi ni Wanna kumanan ako at tinungo ang unang kuwarto sa kanan.

Pinihit ko ang seradula ng pinto. Napabuntong hininga 'ko. Bukas naman pala 'to. Mabuti naman.

Nagdiretso na ko papasok pero napasigaw ako sa nakita ko. Agad akong tumalikod. Pero huli na, nakita ko na. Naka-towel lang siya at kalalabas lang sa banyo. Tumutulo pa ang mahaba nitong buhok.

"Don't you know how to knock? Bakit andito ka?" nakangisi niyang sabi.

"Hinayupak! Ano bang malay ko? Sabi ni Wanna, dito raw ang kuwarto ko!"

"Anong nangyari, Miss Denise?" tarantang sabi ni Tin. Medyo hingal pa siya. Malamang nagmadaling umakyat dito.

"Sabi ni Wanna ito ang room ko. Magbibihis sana ko, pero may tao pala," inis kong sabi.

"Ay, pasensya na po. Under maintenance po kasi ang CR sa room ni Pablo. Hindi po maayos ang shower kaya rito siya naligo," sabi ng lalaking staff na kasama ni Tin.

Napairap ako. "Magbibihis sana ko. Pero sige mamaya na."

Aalis na sana ko pero lumakad si Pau at nagulat na lang ako nang nasa harap ko na siya. Nakasuot na ito ng robe at nakangisi.

"No. This is your room. I'll just go back to my room. Tapos naman na 'ko."

"Sige po," paalam ni Tin at no'ng lalaking staff na kasama niya.

Inirapan ko si Pau. Buwisit siya. Uso kaya mag-lock ng pinto. Paano na lang kung wala siyang towel?

"Acting as if it's your first time, huh?" pang-aasar nito.

Sinamaan ko siya ng tingin. "Will you please move out? Magbibihis ako."

Ngumisi ulit ito. "How's the view, then?"

Naramdaman kong uminit ang pisngi ko. Hinayupak na 'to. Parang ginusto ko naman 'yong nakita ko.

"May view ba? 'Yon na ba 'yon?" patol ko sa pang-aasar niya. Dumilim ang aura nito at lumabas na ng kuwarto.

Napatampal ako sa noo. Wala lang 'yon, Paula.

Kinuha ko na lang ang bag ko at kinuha ang puting shirt na binili ko last time sa mall.

Nakakainis! Favorite ko pa naman ang t-shirt kong suot, magpapalit agad.

A/N

Hallooo! Pasensya hindi ako naka-UD kagabi. Nawalan ako ng signal. hihi Anyway, ito muna. Mamaya na 'yong iba. Maglalaba pa 'ko eh. WAHAHHA









HER ESCAPE (SB19 Fan Fiction #2) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon