KABANATA 22

22 7 20
                                    

Jade

Napangiti ako sa kinauupuan ko. May time pa naman ako para sa MenPa ni Ken kaya haharapin ko na muna itong aso't pusang nasa condo ko.

"You supposed to knock, duh! Hindi ba uso sa inyo 'yon?" inis na sabi ni Amaris. Umikot ang mata nito ng 360 degrees yata.

Napakamot si Jah sa ulo niya. Kanina pa siya nag-e-explain pero may hirit naman lagi si Amaris.

"Hindi ko nga alam. Sabi kasi ni Ate p'wede na 'kong makigamit ng CR, so akala ko walang tao."

"Kahit na. Dapat kumatok ka pa rin. Mga naging jowa ko nga hindi nakita 'yong pagiging hot ko, tapos ikaw nakita mo!"

"Luh! Tumalikod naman ako, 'di ba?" paliwanag ni Jah.

"Tumalikod ka nga, pero nakita mo pa rin."

"Hoy, kayong dalawa! Para kayong Tom and Jerry. P'wede stop na? Naloloka ang kagandahan ko sa inyo," awat ni Becca.

"Shut up!" Amaris.

"Tahimik!" Jah.

"Ay, G na G 'yan?" hirit ni Becca.

Laking pasasalamat ko nang manahimik sila. Kanina pa ko naiirita sa bangayan niya. Shocks! Para kong may kasamang mga elementary students na ayaw magpatalo sa isa't isa.

Kinuha ko ang tablet ko. Napaayos ako ng upo nang makitang nagsisimula na ang MenPa ni Ken.

@SB19Official
[SB19_KEN]

Game na!

1067 replied    802 RT     903 liked

@WifeniKen
Anong lalaruin natin?
-> [SB19_KEN]
    Ano ba gusto mo?

@JoshAjero
Pasilip muna sa Manukan. Sorry Ssob.

@KyraAjero
Ken, hopia ba 'ko?
-> [SB19_KEN]
    Tao Ka 🤣

Sobrang excited ko. Actually ilang beses na kong na-hopia tuwing may MenPa sila. Pero this year na-reply-an na ko ni Josh, Pau at Jah. Kaya sobrang saya ko 'pag may MenPa sila.  P'wede kasi ang unli replies.

Agad akong nag-type sa phone ko.

@JadeAnikkaOfficial
Hi, Ken Ken 😊

254 Replied   201 RT   301 liked

-> @jadenatics
    OMG! Nakisali si Miss Jade sa MenPa 😱

    @JaKenOfficial
   Waaaahhhhhhhhh 🤧 Lumayag ang ship ko. Sana all!

[SB19_KEN]
Hi, Jaja.

319 replied   405 RT   431 liked

-> @KenDucks25
    Uwian na. May nanalo na. Ate Jade, pa'no ka napunta sa unahan? 🤧

  @KenTell143
  Bakit kinikilig ako? Sorry, Stell. Hindi ko mapigilan.

@MrsniKen
Malapit na kitang ipatumba ate. Joke lang, lab you!

"Hoy, bakla! Trending ka naman!" buliglig sa 'kin ni Becca.

"Huh?" taka kong tanong.

Tiningan ko ang trending list at oo nga. Trending ang JaKen. Shocks! MenPa lang naman 'to. Masama bang maging fan girl?

"Hindi ka na naman nakapag-change account. Shunga mo talaga," sabi naman ni Amaris.

Inirapan ko lang sila. Tiningnan ko ang phone ko at napatampal ako sa noo. Shocks! Bakit ba nakalimutan ko na naman?

HER ESCAPE (SB19 Fan Fiction #2) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon