Amaris
Sinundan namin ni Angela si Jade sa room pero nag-lock siya. Gosh! Mukhang hindi talaga magandang idea 'tong naisip ni Jah. Lalo lang yatang gumulo.
Hinayaan na muna namin siya at bumaba na lang muna kami sa sala. Naupo si Angela sa sofa at nag-cellphone. Gosh! I felt so guilty.
Napabuntong hininga ako. It's so uneasy seeing my friends hurt while I am happy with someone na hindi ko sure 'yong feelings namin.
I moved to the kitchen just to see Becca. Naghuhugas siya ng kamay. Nakita ko rin na palapit sa kaniya si Stell.
Gosh! Kailangan ko ba talagang ma-witness 'to?
Nakita ko kung paano umiwas si Becca nang makita niya si Stell. I wasn't sure, pero nakita ko kung paano nalungkot ang mata ni Stell.
Idiot! Pigilan mo!
"Sandali lang, Becca."
Natuwa ako nang pigilan siya ni Stell. At least, kahit paano may maganda yatang nangyari sa plano.
Ngumiti si Becca, but I'm sure it's fake.
"Bakit?"
"Iiwasan mo ba talaga 'ko?" malungkot niyang tanong.
Namaywang si Becca saka seryosong sumagot. "Stell, nag-usap na tayo last time, 'di ba?"
"So iiwasan mo na nga ako?"
"Stell, nasabi ko na. Hindi ko na kaya 'yong dati nating set-up. Kung sa'yo ayos 'yong gano'n, sa'kin hindi. Hayaan mo na lang akong mag-move on, please," Becca answered in pain.
"Gano'n na lang 'yon?" malungkot na sabi ni Stell.
Ngumiti naman si Becca ng mapait. "Gano'n na lang 'yon? Talaga ba, Stell? Nakakaloka ka naman, eh! Ikaw na nagsabi na magkaiba lang tayo. Sinabi ko rin na hindi ko kayang maging magkaibigan lang tayo, kasi gusto na kita. Mahal na kita. Kaya kung p'wede lang, layuan mo na 'ko kasi alam ko namang hindi ako 'yong gusto mo. Alam kong hindi mo 'ko magustuhan. Alam kong may hinihintay ka."
Natigilan si Stell. 'Yon ang pagkakataon naman ni Becca para talikuran siya at iwanang nakatulala.
OMG! Ang gulo na talaga. Mali yata talaga ang plano.
Agad kong t-in-ext si Jah. Hindi ko na yata kayang makitang nahihirapan ang mga kaibigan ko. Gosh naman. Pakiramdam ko lalo kong nasasaktan sina Jade at Becca. Idagdag pa 'tong si Angela. She's not confortable being with Ken. Bukod kasi sa isa si Ken sa dahilan kaya nasasaktan si Becca, she has another reason na I guess ako pa lang ang nakakaalam.
I went to the pool area. Doon daw ako hihintayin ni Jah. Gosh! I just hope everything will end up well. PAre-pareho lang silang nasasaktan at nahihirapan.
Nakarating ako sa pool side, pero wala pa naman dito si Jah. Nakakainis talaga 'yon. Ako pa yata ang maghihintay sa kaniya.
I was about to call him dahil sa inis, pero nawala 'yon lahat nang may maramdaman akong brasong pumulupot sa baywang ko. He hugged me from my back. Hindi ko napigilang mapangiti. He's really this sweet.
I breathe in and out. Naalala ko na naman ang sitwasyon ng mga kaibigan namin.
"I think, mali 'tong plano natin. Parang lalo lang gumulo," I told him. Hindi siya sumagot. He just hugged me even tighter.
"Don't you think so?" tanong ko ulit.
"Hindi ko rin alam. Gusto lang naman nating magkaayos sila. Gusto nating magkausap sila para malinaw kung ano ang mga dapat linawin," sabi niya.
Inalis ko 'yong braso niya saka ko siya hinarap. "Yeah. We want that. We really had a good intention, pero parang wrong timing tayo."
Sumeryoso siya. "Hindi naman natin alam na magkakaganito. Nahihirapan sila, pero nahihirapan din tayo."
Napahilamos ako. I can't help but blame ourselves for this. "Sana hindi muna natin sila minadali. I mean, they are in the process of healing. Sana hinayaan na muna natin."
"Hayaan natin, tapos tayo 'yong naiipit? We can't even get together kasi awkward lahat," sabi niya.
Gosh! Medyo nainis ako sa reasoning niya. Bakit parang kami lang ang nahihirapan dito? Our friends are more hurt. Wala 'yong hirap namin kumpara sa nararamdaman nila.
"Don't you think, we are too selfish with that kind of mindset? Mas nahihirapan at nasasaktan sila compare sa atin. Mas nasasaktan lang sila dahil sa planong 'to. Hindi ka ba nahihirapang makita sila sa ganoong sitwasayon?" Hindi ko na napigilan ang sarili ko. I felt I am about to burst kung hindi ako magsasalita. Gosh!
"Hindi naman sa gano'n. Gusto lang naman nating makatulong sa kanila," mahinahon niyang sabi.
"Eh, kaso nga, hindi nakatulong. Nakasama pa nga, eh. They are still in pain. The wounds are still fresh. Parang piniga lang nating 'yong sugat nilang pinipilit nilang pagalingin. Kung alam ko lang na magiging ganito, sana hindi na 'ko pumayag sa idea na 'to." Natigilan ako at napakagat sa labi ko. Damn it! It's too late. Nasabi ko na. I am seeing how he's disappointed and hurt sa lahat ng sinabi ko. Gosh!
Sumeryoso ka. "So, you hate the idea. I'm sorry about my idea. Akala ko kasi makakatulong sa mga kaibigan natin. Akala ko kasi kung makakapag-usap sila magiging okay na sila, hindi pala. Sige na, pumunta ka na sa room niyo. Pagabi na. Mauna na rin ako sa room namin. Good night."
Hindi na niya hinintay 'yong sagot ko. Tinalikuran na niya ako at lumakad na paalis.
OMG! What am I supposed to do? Nakakaloka naman kasi ang bibig ko 'pag naiinis, hindi ko mapigilan.
"Broken ka na rin. Welcome to the club!" Nagulat ako nang biglang sumulpot si Angela sa gilid ko.
Tsismosa!
Jade
It's been a month simula no'ng nangyari 'yong sa rest house nina Amaris. Sa totoo lang hindi ko alam kung may maganda bang naitulong 'yon. Parang gumulo lang kasi. Naging awkward lahat. Pero siguro ayos na rin 'yon. Nasabi na ang dapat masabi. Medyo naging ayos na rin ako. Shocks! Parang may choice naman kasi ako.
Nandito ko ngayon sa labas ng SB19 house. Actually, simula nang mangyari 'yong encounter namin, ito ang unang beses na babalik ako rito. Kung hindi lang dahil sa favor ng Pau- Pau lovers, hindi pa sana akonpupunta rito.
Bakit kasi ako pa? Ang dami namang p'wedeng hingan ng favor, eh. Shocks!
Humugot muna 'ko ng malalim na hininga bago ako bumusina dahilan para buksan ng guard ang gate at ipasok ko si Bubbles.
In fairness, kilala pa rin ako ni manong.
Inihinto ko ang sasakyan ko sa parking area nila. Kinuha ko ang bag ko saka ako huminga ng malalim.
Kaya mo 'yan Jaja! Ilang oras ka lang dito. SB lang 'yan, si Jade ka.
Pero shocks naman! Kahit anong encourage ko sa sarili ko, kinakabahan pa rin ako. Bahala na nga!
BINABASA MO ANG
HER ESCAPE (SB19 Fan Fiction #2) [COMPLETED]
FanficSa mundong puno ng pagsubok at pagbabakasakali, marami sa atin ang pinipiling tumakas at takbuhan ang mga dapat ay hinaharap. Kasama na yata sa salitang "mabuhay" ang"lumaban", pero kasama rin sa iba ang salitang "takasan". Jaja is one of those who...