Jade
Kabado ko habang bumabagal ang pag-ikot ng bote. Hindi ako umiinom so wala akong choice kung hindi sumagot sa tanong nila or maghubad ng isa sa mga gamit kong suot.
Shocks! Nakakakaba.
Kabado talaga 'ko. Pero excited din. Imagine, in case, maghuhubad ang SB19 sa harap namin. 'Yong pandesal ni Ssob, malalaman ko na kung totoo ba o gawa-gawa lang ng illuminati.
Napahinto ako sa pag-i-imagine nang malas na matapat sa akin 'yong bote.
Shocks! Bakit ako agad?
Lahat sila nakatingin sa akin. Naghihintay kung anong pipiliin ko.
"Madaya. Bakit ako agad?" reklamo ko.
"Mas madaya ka, ate. 'Wag kang papatalo," balik sa akin ni Jah.
Napanguso akong inalis ang kaliwang earring ko. "Buti na lang may hikaw pa 'ko."
"Nakaligtas ka, sana all," sabi ni Amaris na napasibangot nang tumapat sa kaniya ang bote.
Alanganin siyang nag-isip. Bukod sa jacket, wala na siyang extrang p'wedeng hubarin. Kinuha niga ang baso at mabilis na ininom ang alak.
"Lasinggera," komento ni Jah.
"Paki mo?" ayaw naman patalo ni Amaris.
Umikot ulit ang bote at tumapat 'yon kay Denise. Gaya ni Amaris shirt at jeans lang ang meron siya. Hindi naman kasi naman suot ang tsinelas namin dahil nakaupo naman kami. Gaya ni Amaris ay mabilis din niyang ininom ang nasa baso.
"Bawal uminom ang SB19," deklara ni Pau.
"Teka, bakit?" reklamo ni Stell bago paikutin ang bote.
"We have girls with us. Lalaki pa rin tayo," sabi ni Pau.
"Kaya nga. Saka walang mag-aasikaso instead na may malasing," sabi ni Ken.
"May maids naman," sabi ni Jah bago tumingin kay Amaris.
"Bakit sa'kin ka nakatingin? Hindi ako maid, duh!" reklamo nito.
Sige. Mag-away pa kayo. Baka sa susunod hindi na kayo mapaghiwalay.
"Pau!" sabi ni Stell nang huminto ang bote.
Naghintay siya ng ilang segundo bago hinubad ang ipit sa buhok niya. Nakaipit pala siya? Shocks! Hindi ko napansin.
Napatingin kami kay Josh nang tumigil sa kaniya ang bote. Shocks! 'Wag ka munang maghubad, Ssob. Sando at shorts lang ang suot mo. Baka mamatay agad ako.
Hinawakan niya ang laylayan ng sando niya. Shit! ssob, 'wag sabi!
Ngumisi muna siya bago kinapa ng isang kamay niya kanang tainga niya at inalis ang hikaw ro'n.
Para kong nakahing ng maluwag. Akala ko katapusan ko na.
"Stell!" sabay naming sabi nang tapatan siya ng bote. Gaya ni Josh hinubad din nito ang hikaw niya sa isang tainga.
"Becca!"
Walang sali-salitang kinuha ni Becca ang baso at sinaid ang laman niyon.
Shocks! Lasinggera yata ang mga kaibigan ko.
Lumipas ang ilang ikot at halos lahat ay ilang beses nang natapatan ng bote. Ubos na ang accessories ng SB19. Tanging 'yong suot nilang damit at short na lang ang natitira.
Nakailang shots na si Paula, gayon din si Amaris na walang choice dahil wala namang extrang suot na p'wedeng hubarin. Wala na rin ang jacket niya na suot pa niya kanina. Nakailang shots na rin si Becca at nahubad na rin niya ang earrings, jacket at bracelet niya.
BINABASA MO ANG
HER ESCAPE (SB19 Fan Fiction #2) [COMPLETED]
FanficSa mundong puno ng pagsubok at pagbabakasakali, marami sa atin ang pinipiling tumakas at takbuhan ang mga dapat ay hinaharap. Kasama na yata sa salitang "mabuhay" ang"lumaban", pero kasama rin sa iba ang salitang "takasan". Jaja is one of those who...