Jade
Ang sakit ng ulo ko. Shocks! Mabuti na lang hindi natuloy ang interview ko, kung hindi patay na naman ako kay Nick nito.
Shocks! Parang binibiyak talaga. Kulang kasi ako sa tulog. Nakakaloka naman kasi. Bakit tmagdamag kong inisip si Josh at Ken?
Naisip kong maligo na muna. Pero tiningnan ko muna 'yong phone ko.
Six-thirty pa lang pala. Oh, may nag-text.
From: Jah
Ate, nasa condo ka ba? Wala kang engagement today?
Eh? Anong drama nito?
Nag-reply muna 'ko. Baka importante. Mahirap na.
To: Jah
Hello, bunso. Na-cancel ang interview ko today. Nasa condo lang ako. May kailangan ka?
Naghintay ako ng five minutes pero hindi siya nag-reply kaya naligo na lang ako. Shocks! Ang sakit talaga ng ulo ko. Sana mawala 'to after kong maligo.
Inabot yata ako ng isang oras. Nagbabad ako sa bathtub. Buti na lang medyo nawala na 'yong sakit. Shocks! Effective pala.
Nag-robe ako at binalot ng towel 'yong buhok ko. Mamaya ko na patutuyin pagkabihis.
Mabilis lang akong nakaayos. Naupo ako sa harap ng salamin. Nag-blower ako ng buhok habang paminsan-minsan minamasahie 'yong sintido ko.
Kasalanan niyo 'to. Pinuyat niyo ko.
Hindi pa man ako nakaka-move on sa iniisip ko, pero shocks naman! Ang agang surprise naman nito. Bumukas ang pinto ng kuwarto ko at iniluwa ang pamilya na mga mukha. Lahat sila nakangiti maliban kay Ken na poker face.
"Shocks! Anong ginagawa niyo rito sa kuwarto ko?" sigaw sa kanila. Kaaga naman kasi nilang nandito.
"May vlog kami na requested ng fans. I-house raid ka raw namin," nakatawang sabi ni Jah habang nakatapat sa akin ang hawak niyang camera.
Shocks! So isang araw sila rito?
Napakunot ang noo ko. Naghihintay ako ng paliwanag pero kaniya-kaniya silang upo sa kama ko.
"Guys, nandito na tayo sa room ni Jaydee. Ang ganda at ang laki ng room, sana all, 'di ba?" narinig kong sabi ni Stell.
Nagkamot ako ng kilay saka tumayo at hinarap sila. Namaywang ako. "Fine. What's the plan?"
"One day kami rito, boss. House tour gano'n. Luto," sabi ni Josh.
Napangiwi ako. "Luto?"
Tumawa si Jah. "Anong iluluto niyan? Wala nang ambag 'yan no'ng nagluto kami."
Nagtawanan ang mga loko. "Okay. Pero, saan kayo magsisimula?"
"Dito na lang. Nandito na eh," sabi ni Stell.
Shocks! Ayoko pa namang may ibang tao sa room ko. "Okay. Pero 'yong sasabihin ko lang ang p'wedeng kuhanan ng camera. Privacy," sabi ko. Hindi sinasadiyang napatingin ako kay Ken. Nakatingin siya sa akin, pero umiwas siya nang makita ko.
Shocks! Ano bang problema nito?
I tour them around. Pinakita ko 'yong room ko, pati closet ko, bags, sapatos, CR, pati mini library ko sa room. Mahilig kasi akong magbasa kaya may library talaga ako sa kuwarto ko.
"Mahilig ka pala sa books," sabi ni Pau.
"Ano 'to, Wattpad books?" tanong naman ni Stell.
Ngumiti ako. "Yeah. Mahilig akong magbasa. Nahihilig din akong magbasa ng mga stories sa Wattpad."
BINABASA MO ANG
HER ESCAPE (SB19 Fan Fiction #2) [COMPLETED]
FanfictionSa mundong puno ng pagsubok at pagbabakasakali, marami sa atin ang pinipiling tumakas at takbuhan ang mga dapat ay hinaharap. Kasama na yata sa salitang "mabuhay" ang"lumaban", pero kasama rin sa iba ang salitang "takasan". Jaja is one of those who...
![HER ESCAPE (SB19 Fan Fiction #2) [COMPLETED]](https://img.wattpad.com/cover/267500863-64-k962660.jpg)