KABANATA 67

24 3 32
                                    

Becca

Nagmamadali akong pumunta sa lugar na t-in-ext ni Jade. Baklang 'yon, maagang umalis dahil may photoshoot daw. Naiwanan niya 'yong sapatos niya kaya nag-text para dalin ko ro'n. Kaloka naman. Sana nag-check siya ng gamit.

Sakay si Bubbles, narating ko rin 'yong building kung saan sila may photoshoot. Buti na lang may van na sumundo sa kaniya, naiwanan niya ang kotse niya, kung hindi baka lalo akong naloka dahil ang hirap mag commute.

Agad kong kinuha ang sapatos niya at sumakay sa elevator. Pinindot ko ang floor kung saan sila nag-shoo-shoot. Ilang minuto pa ay nando'n na 'ko.

Kumatok muna ako bago pumasok sa studio. Nagulat ako dahil walang tao.

"Bakla, nandito na 'yong sapatos. Nasaan ka?" tanong ko bago nagpunta sa dressing room at CR.

Medyo familiar na 'ko sa studio dahil ilang beses na siyang nakapag-shoot dito kasama 'ko.

"Wala naman si Bakla."

Kinuha ko ang phone ko at nag-text sa kaniya pero wala siyang reply kaya sinubukan ko siyang tawagan pero hindi ko siya ma-contact.

Kaloka! Nakakaloka talaga. Sarap niyang kurutin sa lungs. Medyo kinakabahan ako at nag-aalala na rin. Nasaan na ba kasi 'yon.

Napalingon ako sa labas ng dressing room nang marinig na sumarado ang pinto. Kaloka! Sino 'yon?

Lumabas ako ng dressing room para magulat. Nakita ko si Stell. Ni-lock niya ang pinto at diretsong tumingin sa akin. Kaloka! Hindi handa ang kagandahan ko sa ganito.

Seryoso ko siyang tiningnan. Ilang araw na kaming hindi nagpapansinan. Actually, ako talaga 'yong hindi pumansin sa kaniya. Nakakaloka naman kasi siya. Lahat na lang hinarot.

Napahinto ako. Ano ba kami? Bakit ganito 'yong naiisip ko?

Medyo matagal din na gano'n lang kami. Walang gustong magsalita. Dahil nakakainis siya at hindi keri ng kagandahan ko ang inis aalis na sana ko pero humarang siya sa pinto.

Kaloka naman talaga, oo. Bakit ba ganito siya?

"So, iniiwasan mo nga ako?" tanong niya.

Hindi ako nagsalita. Hindi ko alam kung anong isasagot ko. Hindi ko rin kasi sigurado kung iniiwasan ko ba siya.

"Kausapin mo naman ako, Becca. Ano hang problema?" tanong ulit ni Stell.

Tiningnan ko siya. Kaloka. Masyado namang seryoso 'to. Akala naman niya madadaan ako sa paganyan.

Umiwas ako ng tingin. "Hindi. Bakit naman kita iiwasan?" deny ko.

Narinig kong nagbuntong hininga siya. "Hindi pero hindi ka nagre-reply sa mga text ko. Hindi mo sinasagot 'yong chats at calls ko."

Kaloka. Ako naman ang humugot ng malalim na hininga. "Busy kasi ako."

Ngumisi siya ng pilit saka ako seryosong tiningnan. "Eh no'ng gabi, ngayon, hindi mo nga ako pinapansin. Hindi mo ko kinakausap."

"Busy nga. Saka nagmamadali ako. Sige una na 'ko," sabi ko saka ko hinawakan ang doorknob. Pero pinigilan niya ulit ako.

"Mag-usap muna kasi tayo," sabi niya.

"Nag-usap na tayo, Stell. Ano pa?" mataray kong sabi.

"May problema ba tayo?" medyo napataas na ang boses niya.

Kaloka. Ayoko na sanang pahabain pa, pero naiinis na 'ko. Hindi ko alam kung saan ako kumuha ng lakas ng loob. Kusa na lang lumabas sa bibig ko.

"Bakit, ano ba tayo, Stell? Mayroon bang tayo?"

Gusto kong pagsisihan 'yong sinabi ko. Kaloka naman. Oo, noon ko pa gustong linawin kung ano ba kami. Matagal ko nang gustong itanong kung ano ba 'yong ginagawa namin. Madalas kaming mag-usap, magkasama. Nag-kiss na nga kami, pero malabo lahat. Gusto ko sanang maging malinaw. Para alam ko kung tama bang nagseselos ako.

Napahinto kami pareho. Tinalikuran ko siya. Lalabas na sana 'ko pero sumagot siya. "We're friends right?"

Kusang tumulo ang luha ko. Kaloka. Bakit ganito?

Hinarap ko siya. Nakita kong nagulat siya. Hindi niya siguro in-expect na maiiyak ako.

Nginitian ko siya ng peke. "Yeah. We're friends. Friends na laging magkausap. Friends na nagde-date. Friends na nagki-kiss. Yeah. Tama. Friends tayo."

Masyado na 'kong emotional. Hindi ko na na-control lahat ng salitang lumalabas sa bibig ko. Basta ang alam ko, nadadala ako ng nararamdaman ko.

"Teka. I thought si Jah ang gusto mo. Akala ko tutulungan kitang mapalapit kay Jah?" naguguluhan niyang sabi.

Pinunsan ko ang luhang nag-uunahan sa pisngi ko. "Tama naman. Pero hindi naman normal lahat ng ipinakita at ginawa mo sa akin, Stell. Hindi normal 'yung sweetness mo. Akala ko si Jah ang gusto ko, pero dahil sa ginawa ko, lahat 'yon akala lang pala. Akala ko si Jah. Akala ko tutulungan mo 'ko kay Jah. Pero hindi. You made me fall for you," mapait kong sabi.

Hindi siya nagsalita. Nakatingin lang siya sa akin kaya nagpatuloy ako. "Akala ko si Jah eh, akala ko si Jah 'yong gusto ko. Pero pati ako nagulat kasi sa bawat araw na lumilipas nare-realize ko na hindi ko pala gusto si Jah. Kasi ikaw na 'yong gusto ko. Kaya ako lumalayo, kasi nagseselos ako sa lahat ng babaeng hinaharot mo. Naiinis ako sa sarili ko dahil nararamdaman ko 'to."

Huminga siya ng malalim. "I'm sorry, Becca. Hindi ko alam. . ."

"Syempre hindi mo alam. Puro ka lang naman pa-sweet. Pa-fall ka, Stell."

"Becca, hindi gano'n 'yon. Mali 'yong iniisip mo," sabi niya. Hahawakan sana niya 'yong kamay ko pero umiwas ako.

"Kung hindi gano'n, ano? Friends lang tayo hindi ba?" bitter kong sabi.

"Becca, I'm sorry. Hindi ko in-expect na ma-mi-misunderstood mo," sinsero niyang sabi.

Ngumiti ako ng mapakla."Wow! As in wow! Sa tingin mo bakit? Kasi hindi naman normal
'yong ginagawa natin. Nag-kiss tapos friends? Ganiyan ka ba sa lahat ng friends mo?"

"No!" mabilis niyang tanggi.

"See. Kaloka ka naman, eh. Red flag ka."

"Hindi sa gano'n," malungkot niyang sabi.

Nakangiti akong tumingin sa kaniya. Nakangiti kahit unti-unting nadudurog ang puso ko. "Kasi may hinihintay ka, 'di ba?"

Napalunok siya. Seryoso niya kong tinitigan.

"Narinig ko kina Pau, may hinihintay ka galing Japan. Alam ko namang may hinihintay ka, pero mahulog pa rin ako. Akala ko kasi p'wede tayom Sana hindi ka na lang naging sweet. Sana hindi ka na lang naging mabait. Sana hindi mo na lang ginawa lahat ng ginawa mo, kasi nahulog ako. Umasa ko na magkakatayo."

Nakita kong unti-unting tumulo ang luha niya. "Becca, sorry."

Pinilit kong ngumit. "Ayos lang. Wala naman tayo. Nagharutan lang, nag-kiss pero 'yon lang 'yon, 'di ba? Friends. Kaya sana maintindihan mo kung bakit lumalayo ako sa'yo. Kasi ayoko na no'ng set-up natin dati. Ayoko nang magselos na hindi naman tayo."

Hinila ko 'yong doorknob saka ako tumakbo palabas. Hindi ko na alam kung saan ako dinala ng paa ko. Basta alam ko nasasaktan ako. Ramdam kong sugatan 'yong puso ko.

A/N

Hi! Bawi na siguro ang absents ko HAHAHHA last UD to today. Bukas na ulit. hahaha




















HER ESCAPE (SB19 Fan Fiction #2) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon