KABANATA 25

16 6 0
                                    

A/N

Hello! Pasensya na at sobrang tagal bago ang UD. Sobrang busy kasi hehe Anyway, tulad ng nasabi ko sa previous chapter, I'll try writing back to normal na. 🤧

I apologize to all those typographical errors pati na rin sa mga susunod pa, hihi medyo tinatamad akong mag-edit 😅

Pablo

Tinuyo ko ang basa ko pang buhok. Kayayari ko lang maligo. Nakakahiya kasi. Dumating sina Jade nang hindi pa ko nakaliligo.

I can't explain why I suddenly remembered that day. Isa 'yon sa mga araw na hindi na yata mabubura sa utak ko. One of the best memories so far.

"Ano ba 'yan! Basa na tayo. Bakit pa kasi ngayon pa umulan? Pa'no ka uuwi niyan? Baka magalit si Tita Grace," concerned niyang sabi.

Nagmamadali niyang binuksan ang pinto ng apartment niya para makapasok kami.

Simula nang magkakilala kami hanggang sa naging kami na, nakatira na siya rito. Hindi ko pa na-meet ang parents niya dahil nasa probinsya ang mga ito.

"Diyan ka muna. Kukuha lang ako ng towel. Sobrang lamig," aniya. Pumasok siya sa loob ng kuwarto niya. Habang naiwan naman ako sa sala.

Maliit lang ang apartment niya. May isang kuwarto. 'Yong sala niya kung saan nakalagay ang maliit na sofa at study table ay katapat lang ng kusina na katabi naman ng maliit ding CR.

Kabisado ko na 'to. Simula ng magkakilala kami no'ng first day ko sa university ay naging magkaibigan na kami. Later on naging best friends kami. Hanggang sa na-fall ako sa kaniya. It took months bago ko umamin. Nagdalawang isip ako kung magtatapat ba 'ko dahil baka iwasan niya 'ko. Pero sa huli umamin pa rin ako.

In the beginning, she rejected me. She chose our friendship over relationship. Naintindihan ko naman at nirespeto ko naman siya.

Until may transferee kaming kaklase. Medyo lumalapit sa akin, kaya umamin siyang gusto niya rin ako. And that how we started our love story, and the rest is history.

"Malamig. Heto ang towel. Magbibihis lang ako tapos titingnan ko kung may damit ka ba rito. Pa'no pala sina tita, baka mag-alala sa'yo," diretso niyang sabi.

I couldn't help but smile. Tumayo ako at nilapitan siya. Inabot ko ang towel at inunang pumasan ang mukha ko.

"I'll just call them, baby. Maybe, I'll sleep here tonight?"

She smiled back. "Sige."

Tinalikuran niya ko at bumalik siya sa loob ng kuwarto. Honestly, it isn't my first time sleeping here. Since we're best of friends before, may times na nakakatulog talaga ko rito lalo na kung naabutan ako ng bagyo sa school or may tinatapos na requirements.

I got my phone and texted Joshue. Pinasabi ko na lang na na stranded ako dahil malakas ang ulan.

Sa totoo lang, ayaw talaga ni Mama na makitulog ako rito kahit noon pa. Hindi raw magandang tingnan. Pero nang makilala nila si Pau, nagtiwala sila. Alam kasi nilang mabuti siyang tao.

"Here," anito sabay abot ng jogging pants at shirt niya. This is what I like about her. Hindi maarte sa damit. Walang arte sa katawan. She might be boyish but she's really my ideal.

HER ESCAPE (SB19 Fan Fiction #2) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon